Chapter 10

1303 Words
"Guys.. guess kung sino ang napili namin na vocalist?" Lakas na tawag ni Jax sa kanila nila Jacy, Sophie at Alwina. Pati tuloy ang ibang mga kaklase namin sa classroom ay nakatingin na rin. "Luh, Jax. Paano namin malalaman? Hindi naman namin alam kung sino sino nag audition." Sagot ni Alwina "Basta guess lang." "No idea." Sabi ni Jacy. "Same." Sagot ni Sophie. Samantalang ako naman nakangiti lang sa kanila na napapa-iling lalo kay Jax. Hays! Sinabi ko na kasi na samin nalang muna yun. Hindi ko alam kung bakit napadako ang tingin nila sa akin at kaya naman pala. Sumesenyas sa likod ko si Brad. "No way! Totoo??!" Gulat na tanong ni Alwina. Si Sophie ay nagulat din. "Wow Congrats Hailey.. hindi ko alam na kumakanta ka. congrats!" Nakangiting bati ni Jacy. "Hahaha! Nakakapressure na tuloy. Parang kailangan kong gawin ng 1000% para manalo." "Teka. Kailan ka nag audition. Saka, bakit hindi mo sinabi? Nanood sana kami." Sabi ni Jacy. "Oo nga! Daya!" Sabi ni Sophie. "Actually kahapon lang." "Ay dapat sinabi mo para pinagpaliban namin ang punta namin ng library non." Sabi ni Alwina. "Pwedeng parinig naman ng sample jan Hailey." Sabi ng isang kaklase namin "Oo nga." Segunda ni Brad. "Go Hailey." Ginatungan pa ni Jax. "Teka hindi ako handa. Kailangan ba talaga? Baka darating na si ma'am." "Kaming bahala Hailey. Kita namin kung paparating na si Ms.Terror." Sabi nong isang kaklase na kilalang palabiro sa klase. Edwin ata name niya kung hindi ako nagkakamali. "Pwede bang sa contest na lang?" "Hindi pwede!" Sagot ni Sophie. Nagulat ako sa lakas ng boses niya. "Okay fine.." Tumayo ako. "Okay lang ba magpatugtog sa cp?" "Whatever that could help. Gora lang dzai.." Sagot ni Alwina. Dahil na LSS ako sa What About Love by Heart. Nagdecide akong itry. Kinakanta ko rin naman to hindi nga lang madalas. I've been lonely, I've been waitin' for you I'm pretending and that's all I can do... Hanggang sa natapos na rin ang kanta. At sila naman ay nakatingin sa akin na tila ba namamangha. Yun nga lang nasa loob na rin si Mrs. Contrera. Nakasandal sa lamesa. Patay! Yari ako nito! "Ay, Ma'am! Sorry." Paumanhin ko sa kanya sabay balik sa upuan ko. "Bakit hindi niyo sinabi na dumating na si Ma'am?!" Sita ko kay Sophie. "Hihihi! Sorry fren. Ayaw ni ma'am na istorbohin ka. Mukhang nagustuhan din niya ang kanta mo Lei. Grabe sobrang galing mo. Out of this world ang pagkanta mo! Grabe ka!" Hala totoo ba?! Pero mas out of this world parin ang kay Pierce. Nasabi ko sa isip ko. "Oo nga dzai. Ang unfair ng mundo! Maganda na, talented pa! Samantalang ako mukhang paa! Tapos pag kumanta parang lata. Masakit sa tainga." Natawa ako sa sinabi ni Alwina. Ganoon din ang ibang nakarinig sa kanya. Pati si Mrs. Contrera nakisali narin. "I didn't know na kumakanta ka pala Hailey." Sabi ni Mrs. Contrera Kaya napalingon ako sa kanya. "Ah hobby ko lang po Ma'am." Sagot ko sa kanya. "Well, pagpatuloy mo lang yan.. you're talented. Not all people have that vocal range. Oh guys palakpakan natin si Hailey bago tayo magsimula." Hindi ko man nakikita sa salamin ang mukha ko, ay alam kong namumula ako. Napalingon ako kay Jax at nag two thumbs up siya habang nakangiti. Sa wakas, uwian na. Plano namin magpraktis sa umaga ng 2 to 3 hours kasi malapit na ang laban. Sila Sophie naman ay busy din sa paghahanap ng isusuot nilang outfit para sa Acquaintance Party. "Alam mo dzai. Hindi ko talaga akalain na kumakanta ka. Akala ko beauty queen ang peg mo. Rampa rampa kumbaga dahil sa outfit mo lagi. " "Hehe! Ganon ba? Depende kasi sa okasyon. Kapag sa school lang ang punta syempre yung hindi ako ma-Aadmin, ang kailangan ko isuot. Kapag sa gig naman depende din sa kakantahin namin--" "Wait. Nag-gigig ka? So may banda ka?" Tanong ni Jacy. "Oo meron. May gig kami every Sunday at Friday 7pm to 9pm." "Wow! In all fairness talaga! Hindi halata." Sabi ni Alwina. "Grabe habang patagal ng patagal kitang nakikilala mas lalo akong humahanga sa'yo Lei." Nahihiyang sabi ni Jax. "Hala siya!"Tanging nasabi ko nalang. "Grabe kayo sa akin. Normal na tao lang din ako. Oi, nga pla punta kayo minsan sa gig ah. Send ko ang address sa gc." Pag iiba ko ng usapan. "Oo ba!" Sabay na sagot ni Brad at Sophie. Ayieh.. May something talaga sa kanila eh. Either si Brad or si Sophie. Paliko na kami sa locker ng mapansin kong may nakasandal sa tabi ng locker number ko. Pierce! Sila Sophie ay sa ibang lane ang locker numbers kaya hindi nila napansin si Pierce. "Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sa kanya habang pinapasok sa loob ng locker ang ibang libro para hindi na ko laging nagbibitbit pag uwi. "Sinusundo ka." "Dapat inantay mo--" Naputol ang sasabihin ko ng papunta sa way ko si Alwina. "Lei tara na. Tayo na lang inaantay nila.. Ay---." wika ni Alwina. Napansin niya si Pierce. Nagtataka siya na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Pierce. "Ah kilala mo siya? diba siya si---" Hindi matuloy tuloy na banggit ni Alwina. "Hindi makakasabay si Hailey sa inyo." Ang sabi ni Pierce. "Ha?" "Pakisabi na lang sa kanila na next time na lang. Pesensya na. Ay pwedeng pakisabi sa kanila Jax na kita na lang bukas sa praktis." Paumanhin ko kay Alwina. Nagkayayaan pa naman na dumaan muna kami sa Mcdo. "Okay dzai. Ingat ka. Chat chat na lang." "Let's go." Seryoso parin ang mukha l ni Pierce habang hinihila na ako papalayo. Tumingin ulit ako sa likod at sumenyas si Alwina na i chat ko daw siya about kay Pierce. Tumango na lang ako. Maya-maya ay magkawak kamay na kami. Pilit kong inaalis ang kamay niya at baka may makakilala sa amin. "Pierce, bitawan mo na muna ako." "Sino si Jax?" Tanong niya sa akin at mas hinigpitan ang pagkawak sa akin para hindi ko lalo maalis ang kamay ko. "Kaklase namin." "Tungkol saan yung praktis na sinasabi mo?" "Sa Battle of the Bands." "Sasali ka?" Napatingin lalo sa akin si Pierce. "Kinuha nila ako para sumali daw kami. At yun sana ang sasabihin ko sayo pagdating sa bahay. Kung okay lang na sumali ako." Nakarating na kami sa loob kotse. "Ilang araw na lang yun ah. Gusto mo ba ng tulong?" "Ibig sabihin okay lang sayo??" Naniniguradong tanong ko sa kanya. Pinaandar na niya ang kotse. "If yon ang gusto mo hindi kita pagbabawalan saka alam kong passion mo ang pagkanta." "Thank you. Bukas may praktis kami sa umaga." "Okay. Yung Jax ba? Siya ba yung nakasabay mo pumasok kanina?" "Ha??" "Nakita kitang may kausap na guy kanina bago ka pumasok ng gate." "Ah... hindi siya yun." "Then who was he?" "A friend." "Friend?" "Oo. Teka nagseselos ka ba?" "May friend ba na umaakbay sa balikat?" Nagulat ako. Hindi ko alam na nakita niya pala yun. It was nothing. Gesture lang naman lagi ni Austin yun. No any malice. "Nagseselos ka nga." "I have the right na magselos." "It was nothing Pierce. Ganon lang talaga siya." "What's his name?" "Austin." "Austin what?" "What do you mean by what?" "Anong surname?" "Austin Veloso. Why?" "Gusto kong malaman ang pangalan ng umaaligid sa asawa ko. He should know his place." "Oh my goodness! Pierce.. Wala naman ginawa yun tao." "Yung inakbayan ka. Yun ang ginawa niya." Kita ko ang pagtiimbagang niya. "Babe come on. Get over it. Okay? I already told you it was nothing and I promise iiwas ako kapag gagawin niya ulit yun." Tumahimik na siya. Makalipas ang ilang mga minuto ay nagsalita ako. "Babe.." Tawag ko. Tumingin siya saglit. "Hmm?" Hinalikan ko siya bigla. Halatang nagulat siya pero napangiti makalipas ng ilang segundo. "Ayan! You look more handsome. Smile!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD