Vince Santos, I officially despise you. Pagbintangan ba namang gay si Maj. Ako lang ang pwedeng magsabing gay siya. Nakakainis. Anyway, I should forget about him. Inalala ko na lang ang nangyari kanina sa dinner. Two hours ata kaming nasa restaurant. Hindi kami maubusan ng pagkukwentuhan. Mostly we talked about our childhood. Nalaman kong adventurous sila ni Nico dati. Nalaman kong mas makulit siya kay Nico. Nalaman kong super-duper close sila ni Nico. Hindi ata mawawala sa kwento niya si Nico. Nakwento niya rin yung Dad niya na maagang namatay, si Tita Jillian na binuhay sila sa limang branch nitong salon, si Tita Jullian na nagpa-aral sa kaniya, at ang kambal na ginagawa siyang manika dati. He also told me about how he worked hard and built his own company. I told him my childhood day