ROLE 15: Couple

1172 Words
ROLE 15: Couple Sabay bumaba sila Maj at Emer. Inayos na muna ng dalaga ang make-up niya bago sila tuluyang bumaba. Pagkarating sa reception ng kasal, magkahiwalay ang bridesmaids sa groomsmen kaya hinatid muna ni Maj si Emer sa pwesto niya. "Wait!" Pinigilan siyang umalis ni Emer. Hinila siya papalapit sa kaniya at may binulong. "Sinabi ko pala sa kanila na naging officially naging tayo noong yayain mo akong mag-live in." Nanlaki yung mata ng binata. "So pinalabas mo na may ginagawa lang tayong kababalaghan noong makita tayo sa office nila Mama?" "Ikaw kaya yung nag-denied na girlfriend mo ako noon. Kasalanan mo 'to kaya go with the flow na." Hinayaan na lang ni Maj si Emer. At least may kwento na silang masasabi sa pamilya niya. Pagkaupo niya sa pwesto ng mga groomsmen, kaagad na kinausap siya ng mga pinsan niyang si Bren at Yael. "Dude, hindi talaga kayo mapigilan ng girlfriend mo ah?" Sabi ni Bren. "Basta magkaroon ng pagkakataon, tatakas para makapag.." Tinaas baba naman ni Yael ang kilay niya. "Tigilan niyo nga ako." Naiilang naman si Maj sa usapan. "I'm proud of you, man." Dagdag pa ni Yael na alam niya ang ibig sabihin.—I'm proud of you, man. Straight ka pala talaga. Sa buong program nanunuod lang si Maj sa paligid. Kasama na doon ang pagbabantay ni Maj kay Emer na baka lapitan ni Gov. Bernalez. Noong audition itinanggi ni Emer ang relasyon niya sa gobernador pero ngayong alam na niya ang totoo mas lalo niyang napagmasdan ang pagkakapareho ng dalawa. Namana ni Emer ang kulay nitong hindi kaputian pati ang hugis ng mata. Napansin niya rin kanina na parehong dominant ang personality ng dalawa kaya hindi malabong magkasakitan sila kung hindi dumating si Maj. Napangiti siya ng maalalang akmang hahampasin ni Gov si Emer kasi ganoon nga ang anak niya. Kaunting asar at inis bigla na lang manghahampas. Pero iba ang galit ni Gov sa anak. Napansin din yun ni Maj. "Mr Maj Chavez?" Napabalik siya sa katinuan ng tawagin siya ng MC. Saka niya lang naalala na kailangan niyang magbigay ng speech sa bagong kasal. Tumayo siya at pumunta sa harapan ng may hawak na kupita ng champagne. "To my dearest Ate Twice and my new older brother Ralph, congratulations..." Ikinwento niya yung kabataan nilang tatlong magkakapatid pati na rin ang alam niyang sweet moments na ginagawa ng bagong mag-asawa noong magkasintahan pa ang mga ito. Sa huli nagbigay siya ng advice kay Ralph tungkol sa Ate Twice niya bago niya tinapos ang speech. Paalis na sana si Maj ng pigilan siya ng mag-asawa at binigay yung garter. "Bunso, ikaw naman ang gusto kong ikasal." Sabi ni Twice. "How about me?" Sigaw ng kakambal ni Twice na pinagtawanan ng lahat. Alam naman kasi nilang ang babaeng ito'y hirap sa commitment. Natapos ang lahat ng speech. Maski ang sa ama ni Emer na masasabing makarisma talaga. Kaya niyang magpaikot ng mga tao sa mga salita niya lang. Nakaramdam si Maj ng inis pero nang maalala si Emer natawa na lang siya kasi ganoon din ito. Mag-ama nga sila. "Para sa makakatanggap ng bouquet, ibibigay ko na lang ito sa girlfriend ng bunso kong kapatid na si Emer." Inaasahan na ni Maj yun. Napailing na lang siya ng tawagin silang dalawa sa harapan para isuot garter kay Emer. Ang hindi niya inaasahan ang pagtitig sa kaniya ni Gov. Bernalez. Hindi ito tingin na galit kundi nanunukat. "Oh no. Oh no. This is not happening. This is a bad omen." Naririnig niyang bumubulong si Emer. "Bad omen?" Pagtataka niya. "You know, I'm twenty-three and this and I don't want to get married right now and I want to have baby at the age of thirty." Natawa na lang si Maj sa dalaga. Isa sa natutunan niya kay Emer ay ang pag sasalita nito ng kung ano-ano pag nagpa-panic. "Really, Emer? Really?" Ginaya niya yung reaksyon kanina ni Emer sa kaniya. "Shut up!" "Don't worry, hindi pa naman kita ngayon papakasalan." Pagbibiro niya na kinagulat ni Emer. Talaga ngang natataranta yung dalaga sa usapang kasal. "Sit." Utos na lang niya para matapos na ito. Habang isinusuot ni Maj ang garter may mga nagche-cheer namang "Higher!". Nakita niya ang determinasyon sa mga mata ni Emer. Tiningnan siya nito at sinabing: "Give them a show!" Tapos biglang naging soft ang expression ng mukha nito na para bang nahihiya at kinikilig. Kung hindi lang kilala ni Maj si Emer siguradong mahuhulog siya sa arte nito. Ingat na ingat naman si Maj sa paglagay ng garter hanggang sa kakayainin niya. Tumigil naman siya kaagad ng maisip kung saan na nakakarating ang garter na isinusuot niya sa hita ni Emer. Itinago niya ang kaba at kaagad na tumayo. "Kiss!" Mas lalo tuloy siyang kinabahan sa hiyawan sa paligid. "Maj, you're acting stiff." Bumulong sa kaniya si Emer na mahusay pa rin ang ipinapakitang acting. "Wag mo sabihing natatakot ka?" Hamon nito sa kaniya. Ayaw naman niyang magpatalo sa isang babae kaya hinawakan nito ang bewang ni Emer at hinigit papalapit sa kaniya. Yung isang kamay naman niya nakahawak sa pisngi nito. Papalapit ng papalapit. Magkatama na ang ilong nila ng biglang halikan ni Maj ang ilong ni Emer at lumayo na. Hindi naman malaman ng mga nanunuod kung matutuwa ba o hindi sa kiss ni Maj. "Really Maj Chavez? Really? Eskimo kiss?" Hindi na lang niya pinansin si Emer at hinigit na pababa sa stage. Hindi sila bumalik sa kinauupuan nila kundi papunta sa baybay dagat. "At least iisipin nilang tumakas na tayo para may gawing kung ano." Bumulong siya sa sarili niya pero narinig naman ni Emer. "Really, Maj Chavez? Really?" "Stop that line." Pinagtawanan lang siya ni Emer. "Alam mo kung hindi ka paminta, iisipin ko na in-abuse ka ng isang napakaganda pero matandang babae. Kilala mo si Christian Gray? Yung in-abuse siya ni Elena or Mrs. Robinson? Gosh! Isa ka bang submissive?" "Ano bang pinagsasabi mo Emer?" "I know you know about it! Ang laking hit ng Fifty Shades of Gray the movie noon. Impossibleng hindi mo alam. You told me about passion in showbiz, right? Naku sabihin mo na sa akin. Na involve ka sa b**m. Hindi ko ipagkakalat." Tiningnan siya ng masama ni Maj. Alam nita ang palabas na yun pero hindu niya pinansin ang sinabi ni Emer. Hindi siya minolestya at lalong hindi siya involve sa b**m. "Ano bang tingin mo sa mga lalake? Lahat na lang puro... Bastos ang iniisip?" "Exactly!" Proud pang sabi ni Emer. Napailing si Maj sa babae na tila ba sinasabi nitong hopeless na si Emer. "Emer, nature ng lalake ang maging..." "Malibog." "Sinasabi ko lang na may mga lalake pa ring may respeto sa mga babae na kahit na.." "Libog na libog na sila. What the! Maj Chavez, how old are you, ten? Hindi mo man lang masabi yung word." "Ayoko lang na magsasalita ng hindi maganda sa harap ng isang babae." "Sexist." Napabuntong hininga na lang si Maj. Lahat may pang depensa ang babaeng kaharap niya sa bawat sasabihin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD