ROLE 17: Love Quarrel?

1309 Words
ROLE 17: Love Quarrel? I completely ignored him! Hanggang sa makauwi kami, hanggang kinabukasan, hanggang sa office, DEDMA talaga. "Hey, anong problema?" Tanong ni Wendel Valdez (yung kasabay kong trainee) habang kumakain kami. Napansin niya atang pati yung pagkain ko minumurder ko. Hindi talaga mawala sa isip ko yung ginawa ni Maj Chavez. Low blow na siya dun! Ilang minuto rin akong nakababad sa dagat bago ako nagkalakas ng loob para umahon ng topless. I don't know if it looks sexy or idiotic when I emerged from the surface of the water cupping my breast with my two hands. Nagulat din si Maj ng makita akong nasa harapan na ng upuan niya. Napatayo kaagad siya at napalingon sa paligid. "Akin na ang bra ko, bakla!" I shouted. Bahala na kung sinong nanunuod sa amin galit na talaga ako at galit na rin ata siya ng sabihin kong bakla siya. "I'm not gay!" Inilabas niya na yung bra ko pero itinaas niya para hindi ko maabot. Pano ko maaabot kung kung nakatakip yung dalawa kong kamay sa dibdib ko. Kung thermometer lang ako kanina pa sumabog dahil sa over heat. I don't care anymore! I'm confident with my body and if I become a sexy star, being naked is not a big deal! So ngayon, bahala na! Tinangal ko yung pagkakatakip ng dalawa kong kamay para maabot yung bra. "What the fvk!" Maj cursed. "Yeah, fvk you!" Napapamura na ako sa galit. "Fvk!" Nagmura siya uli ay niyakap ako para matakpan ng katawan niya yung hinaharap ko. "Bakit ka umahon?!" "Anong gusto mong gawin ko, mamatay ako sa gitna ng dagat! Bitawan mo nga ako!" "Shh! Mas lalo ka pang nakakakuha ng atensyon." Wala na akong paki! "Ma'am, Sir," May tumawag sa aming babae. Namumula ang mukha. "Uhm, ahh.. Bawal po ang topless sa babae, bawal din po ang excessive public display at kung harassment po ito tatawag po ako ng guard." "No!" Nagkasabay pa kami ni Maj Chavez "Sorry," Sabi ni Maj Chavez "Can you gave that towel to us?" Tinuro niya yung towel sa upuan at binigay naman noong babae yun. Tapos ipinatong na niya sa balikat ko. Tinulak ko siya kaagad at iniwan na siya doon. Nagso-sorry siya pero hindi ko pinapansin. Ayoko na! "Emer? Huy!" Wendel poked me that made me back to the present. Lasug na yung pagkain ko. "Okay ka lang ba? May galit ka ba sa karne na kinakain mo?" "May isang lalake kasing napakasama ng ugali!" "Wow! So it's a guy? Your boyfriend? Hiwalayan mo na para maligawan na kita." Napatingin ako sa nakangiting si Wendel. Kung hindi lang sa ginawa ni Maj Chavez sa akin papatulan ko itong si Wendel kaso lang nadala na ako. Well, if that's the lesson Maj Chavez wants to imply, then he teach me well! Damn it! "Hindi ka nakasagot. Mahal mo talaga siya noh?" "Hindi ko siya mahal." Duh? Our relationship is not that simple. Hindi kami naging kami dahil sa mahal namin ang isa't isa. "Weh?" "Wendel tigilan mo ako kung ayaw mong tinidurin kita." Wala ako sa mood makipag-asaran ngayon. "Mauna na ako." Tumayo ako at umalis na. Sa shower room ako tumambay para na rin maghanda para sa dance workshop mamaya. "Oh, here's the bitch." May isang grupo ang pumasok. Co-trainees ko sila pero hindi ko pa nakakausap ang grouo nila. "Akala mong sino nang nagmamamaganda at sinisigaw-sigawan na lang si Wendel Valdez." Ako ba pinaparinggan nila? "Excuse me, are you talking about me?" Sabi ko sa kanila. Lalo na doon sa leader nilang si Misa. "Oh, are you Emer," They snorted. "Bernalez? You're not beautiful at all so wag Feeler! And Wendel Valdez is just interested with you 'cause you're older than him. He likes older woman. Kala niya siguro nanay ka niya." Sinusubukan ako ng mga batang 'to ah! "And why do you think Wendel doesn't even glance at you? Oh, 'cause your not beautiful inside and out. You're too childish for him, too braty and too flat." I smirked while looking at her chest. Okay chest. Naaalala ko na naman si Maj Chavez na parang gusto kong pumatay! And I guess Misa will be my first victim. "What?! Yung sayo nga fake lang!" "Oh really? Cause I think I know where you get that nose job of yours." Doon siya sumabog. Sinugod na lang ako at pinagsasabunutan. I know tama ako sa hinala kong fake ang ilong niya. Habang sinasabunutan ako ni Misa, binabali ko naman ang fake niyang ilong. <3 "Explain what happen?" "Am I at the principal's office?" I rolled my eyes and crossed my arms. I hate Misa! Dahil sa kailangan niya ipaayos ang ilong niya, kaya ako lang ang kinakausap dito na kala mo napatawag lang ako sa diciplinary office ng isang school. "Emer," He said like I exhaust him. "Can I go now? Kasi pag nag stay pa ako rito baka makabali na naman ako ng ilong." I hate him. "Emer," "Don't Emer, Emer me! I'm still mad at you!" Tumayo na ako sa kinauupuan ko, handa na akong lumabas nang aabutan niya ako at hinawakan sa braso. "Sorry," Maj Chavez said. "Sorry, ibabalik ko naman talaga kaso lang bigla kang umahon.." "Whatever! I hate you! Break na tayo!" Tinulak ko siya at lumabas na sa room niya para makapunta na sa dance workshop ko. Tuloy-tuloy lang akong umakyat sa fourth floor hanggang sa makarating sa room. Wala pa yung instructor kaya tumabi ako kay Wendel. Siya lang naman ang friend ko dito. "Anong nangyari, Emer? Bakit ka nakipag-away? Hindi pa nagagamot yung sugat no sa mukha! Sabog pa yung buhok mo!" Alalang alala siya. Kung alam niya lang na isa siya sa pinagsimulan ng away. Hayy.. "Galos lang yan." Sabi ko tapos inayos na ang buhok ko. Hinawakan niya yung pisngi ko para mas makita pa yung gasgas. "Pero pag hindi--" "Emer" Natigil si Wendel ng tawagin ako ni Maj Chavez. Nandito si Maj sa dance room? Sa mismong harapan ko? I ignored him. Lumapit si Wendel at may binulong sa akin. "Boss natin yan." I freaking know! "Can you," Maj Chavez said to Wendel. "move away from her?" Sumunod naman ang duwag. "Emer," Panay Emer ng lalaking 'to! Alam niya bang nayayamot ako lalo pag naririnig ko yung pangalan ko. "Emer, I'm sorry." My head snapped to his direction. Not only me but the whole trainees were looking at him. "What the hell!" I hissed. "I'm so," Lumuhod siya sa harapan ko. "so, so, sorry." Nanlaki na lang yung mata ko sa eksenang ginagawa niya. Anong ginagawa niya?! "Maj Chavez, tumayo ka nga!" I hissed again. "Will you forgive me?" "Gosh! You're purposely doing this.. Okay! Okay!" Nahihiya na ako pero kinikilig ako. A guy who's willing to do everything to forgive him. Well, he's not doing everything but I take the credit. "Seryoso?" "Oo na!" Ngumiti siya at tumayo na. Akala ko aalis na siya pero hinigit niya ako papalabas, pabalik sa office niya. "Sorry talaga." Pumunta siya sa table at kinuha yung mga nakapatong doon. "Here, flowers, chocolates, movie tickets, I'm not sure if this would work. Tinawagan ko si Nico para tanungin kung pano mapapatawad ng girlfriend at yan ang sabi niya. Bigyan raw kita ng ganiyan. Hindi ko alam kung magugustuhan mo." Napangiti ako. "Isn't it me or did I heard you rumbled?" Si Maj Chavez kung ano-ano pinagsasabi? "Nakakahawa ka kasi." He gave me a silly smile. "Oo na, pero sa susunod kung gusto mo talaga akong makitang naked sabihin mo lang kasi willing ako pumunta sa room mo at maging stripper." I winked at him. Yet, he groaned in frustration. "You haven't learn anything." "Well, being flirty is my nature." -------<3 Been busy this past week. Hopefully maka-UD na ako kagad sa susunod... yung dedication pala sa susunod ko na lang po ilalagay. Thank you xoxo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD