ROLE 24: Segunda Alive and safe. Thank you po! Akala ko kagabi mawawala na ang aking pinakainiingatan. Para akong cocoon na balot na balot ng kumot. Hindi ko na nga alam pano ako nakatulog. Kala ko hindi na rin ako magigising dahil sa suffocation. Pagkagising ko wala na si Maj Chavez sa couch. Wala rin siya sa kama pati sa bathroom. Hindi ko na siya hinanap at naligo na. Papasok ako ngayon sa morning workshops ko tapos mamayang tanghali pupunta na ako sa Cavite para sa shoot ng movie. Overnight nga kami ngayon kasi kailangan kaming makatapos ng maraming scene para makasama raw ang movie namin sa MMFF. Is that even possible? To finish movie in a month or two lalo ma't maraming effects ang kailangan? Well, baguhan lang naman ako sa ganito kaya wala akong alam. Kailangan ko lang ay umarte