Hindi pwede

Everyone is busy to their friends while me, I'm with my parents. Kausap nila ang ibang business man sa Nueva Ecija at pinag uusapan ang mga lupa sa Bukid at maburak kung san ang mga magulang ko ang may Ari.
Inikot ko ang mata ko sa buong party ni Kuya Zoren, hawak hawak ko parin ang regalo ko para sa kanya pero hindi ko sya makita mula kanina, Pinakilala lang sya sa harapan pero hindi sya pumunta dito.
"Hindi mo pa nabibigay ang regalo mo kay Zoren?" Tanong ni daddy sakin.
"Di ko sya makita, dad e."
"He's inside. Alam mo naman yon." ngumiti ako kay Tita at tumayo.
"Sige po, papasok lang ako sa loob. Pag di ko sya nakita pupuntahan ko nalang sa kwarto."
Tumango sila sakin.
Nag lakad na ko palayo sa table nila mommy at daddy kasama ang mommy and daddy nila Zero at iba pa. Halos ako lang ang Teen ager na nandon. Si Ayen kasi kasama ang friends nya na imbitado din at ganon din si Aaron. Sila Pres at Aning kasi ay di sumama sakin kaya ako lang mag isa ngayon dito at nag lalakad.
Nang makarating na ko sa isang maluwag na pinto ay agad akong pumasok dun. "Oh, Aya si Zero ba?" Mabilis akong umiling.
"Si Kuya Zoren po." nakangiting sabi ko.
"Nasa loob kasama si Zero at mga kaibigan."
Napahinto ako dahil dun. Hindi ko magalaw ang paa ko dahil nag dadalawang isip pa ko kung pupunta ako o hindi. Huminga ako ng malalim at ginalaw ang paa ko papasok. Nilagay ko sa likod ko ang kulot na buhok ko na kagagawan ni Ayen.
At sa pag pasok ko agad ay nakarinig agad ako ng tawanan mula sa sala. Napahinto nanaman ako dahil don pero parang may sariling buhay ang paa ko at nag tuloy tuloy sa pag pasok. Inikot ko ang mata ko at nakita ko si Kuya Zoren na kasama si Klevin at may babae sa tabi nito. Nag lakad ako papunta sa pwesto nila at mejo nahiya ako ng napatingin sila sakin.
"Oh, Aya!" masayang tawag sakin ni Kuya Zoren.
"Kuya." mahinang tawag ko at pumunta sa kanya.
He kissed my cheeks. "Happy birthday" sabay abot ko ng regalo ko.
"Oh! Dalawa regalo mo sakin?" kumunot ang noo ko. "May inabot sakin si Zero bigay mo daw, dahil nahihiya ka pumasok dito."
Hinanap ng mata ko si Zero at seryosong nakatingin to sakin. Para akong nanlamig sa tingin nya kaya mabilis kong nilipat ang atensyon ko kay Kuya Zoren.
"Oo, dalawa gift ko." mahinang sabi ko at pinisil ni kuya ang pisnge ko.
"Sweet talaga ng pinsan ko." Ngumiti lang ako ng matamis at tumingin ako sa babaeng kasama nya na mejo nahihiya sakin.
"Hi!" nagulat ito dahil ako unang bumati sa kanya. "Girlfriend ka ng kuya ko?" Mabilis tong umiling sakin at mejo nahiya.
Narinig ko ang halakhak ni Kuya Zoren dahil don. "Lalabas ka na ba?" Napatingin ako kay Klevin.
"Ay, Oo." mabilis na sagot ko at bigla nalang to napakamot sa batok nya.
Tumingin ulit ako kay Kuya Zoren dahil sa malakas na tawa nanaman nito. "You're hitting my favorite cousin, Huh?" tumingin ako kay Klevin na mejo namumula ang pisnge nito.
"A-are you drunk?" i asked.
Mabilis tong umiling sakin. "I-i'm not."
"So innocent."
Humalak hak nanaman ang kuya ko dahil don. "S-samahan na kita." Tumango ako at sa pag lingon ko sa likod ko ay nakita ko si Zero na nakatayo na. Lumapit ito sakin at hinubad ang jacket nyang suot. At di ko man napansin na kasama nya pala ang babaeng nasa cheering squad. Mula kanina kasama nya na ito ah.
He lean on me para ilagay ang jacket sa likod. "Your dress is too short." He whispered.
"Bili ni mommy to e." sagot ko sa kanya.
"Next time ako na bibili ng damit mo." Napanguso ako dahil don.
Hindi nila hinayaan sumama sakin ni Klevin papalabas dahil mag iinuman daw sila kasama ang mga babae. Bigla akong kinabahan sa binabalak nila dahil don, Lalo na kay Zero. Natatakot ako na baka may mang yare sa babaeng yon at Kay zero. Iniisip ko palang na kahalikan nya to ay nasasaktan na to.
Tulala ako nakabalik sa upuan namin at ininom ang tubig sa harapan ko. "Aya is too innocent." Napatingin ako kay Tita at mejo nahiya.
"Uuwi na ko, ikaw Aya. Text mo ko kung dito ka matutulog o satin ah?"
"Opo, daddy."
Hinalikan nila ako ni mommy sa pisnge at umalis. Tumabi sakin si Tita at muli nag salita. "How are you? Masaya ka ba sa buhay mo?"
"Oo naman po. Sobrang saya." mabilis na sagot ko sa kanya.
"Diba pamilya parin nito ang pipiliin ko sa kahit saan?"
"O-opo."
Hindi ko alam kung bakit ganito ang tanong sakin ni Tita, pero di na ko muli nag tanong. Kinakabahan ako na baka may alam sya sa nararamdaman ni Zero para sakin.
Naiwan ako mag isa sa mesa dahil papasok na daw silang dalawa. Tumayo na din ako para pumasok pero hanggang ngayon tulala parin ako. Sa pag pasok ko ay nawala sa isip ko na nasa sala sila Zero at mga kaibigan nito. Hindi ko sila pinansin basta umakyat lang ako sa taas
"Aya."
Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Zero na nakakunot ang noo. Kahit mga kaibigan nya ay nakatingin sakin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at nag lakad papunta sa taas. Pero mabilis din ako bumaba.
Sa pag baba ko ay napatingin nanaman sila sakin at hindi nawawala ang pag titig sakin ni Zero sa bawat galaw ko. Halos mag kadikit ang katawan nila ng babaeng yon at napabuntong hininga ako. Umiwas ako ng tingin at lumapit kay Kuya Zoren.
"Kuya, San ka matutulog?" Mabilis na tanong ko dito.
"Uuwi ako sa Condo ko, bakit?"
"Kuya, pahiram ng room mo." Ngumiti ako. "Dito nalang daw ako matulog sabi ni daddy para daw may time sila ni mommy."
"Pwede ka naman sa kwarto ko ah? Bakit kailangan mo pang hiramin ang kay Zoren?" Tumingin ako kay Zero.
"Para daw walang istorbo sa inyo ni Cynthia mamaya."
Tumingin ako sa babaeng katabi nya at mabilis itong namula, Hindi ko alam kung sa tama ba sa alak o ano. Napuno ng halak hak ang buong sala dahil don.
"Oo nga."
Walang pag dalawang isip ko ng sagot. "Alis na ko kuya." hinalikan ko to sa pisnge bago umalis don.
"Where's mine?" napahinto ako dahil don.
Humarap ako kay Zero at mabilis na lumapit sa kanya para halikan sya sa pisnge. Hindi ko alam kung ano nasa isip nila kung bakit di nila napapansin ang galaw ni Zero, siguro mag pinsan kami kaya para sa kanila wala lang to. Pero samin dalawa ni Zero ay kakaiba.
Umalis na ulit ako don at pumunta sa hagdan. "Napaka over protective talaga ni Zero, pag dating kay Aya!" sigaw ng isang lalake.
"Kaya naman lahat ng mag tatangkang manligaw kay Lei, ay di ko papayagan hanggang di ko pinapayagan. Ayokong masaktan ang pinsan ko, She's weak and inoccent." rinig kong sagot nito.
Nang nasa taas na ko ay agad ako pumunta sa kwarto ni Kuya Zoren, Bumungad agad sakin ang pabango nya na sobrang bango. Mabilis akong humiga sa kama at pinikit ang mata ko. Unti unti na ko hinahatak ng antok hanggang sa nakatulog na ko.
Nagising nalang ako na may humahalik sa leeg ko. Mabilis ako napabangon at binuksan ko ang ilaw sa lampshade. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Zero na naka sando at Boxer ito. Naka pikit ang mata nito at mukang antok ng antok.
"Zero." Mahinang tawag ko.
Tinignan ko ang orasan sa gilid at nakita kong 1AM. "Zero, bakit ka nandito?" Tanong ko dito at unti unti nyang minulat ang mata nya.
"I miss you."
"Hindi ako si Cynthia." mabilis na sagot ko.
Umupo ako sa kama at pinag masdan sya. Unti unti lumalim ang pag hinga.
Humiga na din ako sa tabi nya pero nakatalikod ako, pinikit ko ang mata ko hanggang nakatulog nalang ulit.
Nagising ako na wala na si Zero sa tabi ko, inikot ko ang mata ko na baka nag babakasali na nandito sya pero napansin kong nasa ibang kwarto na ko. Tumingin ako sa side table at nakita ko ang picture naming dalawa ni Zero at pati ang picture namin mag pipinsan. Unti unti ako bumangon at pumunta sa closet nya na maluwang. Kinuha ko ang damit ko dito at lumabas, Pumasok ako sa cr at sinabit ko ang damit ko gilid at hinubad ko ang dress ko na suot ko kagabi.
Binuksan ko ang shower at naramdaman ko ang pag tama nito sa balat ko. Ginamit ko ang Body wash ni Zero kaya naman iisa na ang amoy namin.
Nang matapos ako ay ginamit ko din ang mouthwash nya at sinuot ko ang damit ko na hanggang tuhod. Isa syang bestida na longsleeve at hanggang tuhod. Sya ang bumili nito at lahat ng binili nyang gamit ko ay nandito sa kanila dahil ayaw nya ng maiikli ang damit ko.
Kinuha ko ang blower sa ilalim ng studytable nya at sinaksak to, kinuha ko ang suklay ko at nag simula na kong patuyuin ang buhok ko. Nakatingin lang ako sa salamin habang ginagawa yun. At ngayon pumasok sa isip ko kung ano ang ginawa nila ni Cynthia na yon.
Napahinto ako sa pag aayos ng buhok ko. Hindi pa to masyadon tuyo pero inayos ko ang blower. Lumabas ako ng kwarto ni Zero at mabilis na bumaba. At sa pag baba ko ay nakarinig ako ng iba't ibang boses sa kusina at dumiretso agad ako.
Hinanap ang mata ko si Zero na pinag sisilbihan si Cynthia, hindi rin nakaligtas ang suot nitong damit na kapareho ng akin. Napatingin sakin si Cynthia at pansin nya din na pareho kami ng suot. Ngumiti to sakin at ngumiti din ako sa kanya.
Akmang lalabas ako ng kusina ng tawagin ako ni Kuya Zoren. "Aya, pinalipat kita sa kwarto ni Zero kagabi dahil hindi na ko makauwi kagabi." tumango ako at ngumiti. "Di ka ba kakain?"
"Uuwi na po ako, nag tetext kasi sakin si daddy e." sagot ko dito.
"Sabay na tayo." Mabilis tumayo si Klevin na katatapos lang kumain.
Pumunta to sa harapan ko at nagulat ako ng hatakin nya ang kamay ko palabas ng bahay nila Zero. Nakasalubong ko pa si Tita at nag paalam na ko. Nang makarating kami sa labas ay agad nya ko sinakay sa kotse nya at umikot sya sa pakabila.
Ngumiti ako sa kanya.
Hindi mawala sa isip ko ang suot na damit ni Cynthia, that's mine! Hindi nya dapat pinapagamit ang damit ko sa iba. Hindi ko alam kung bakit nag sisimula nanaman ako mainis dahil lang sa bestidang yun! Kaya kong bumili kahit iilan non pero si Zero ang bumili non sakin at yun ang kinaiinisan ko.
Huminto agad ang kotse ni Klevin sa harapan ng bahay namin. "Bakit mukang inis na inis ka?" Tumingin ako kay Klevin at mabilis na umiling.
"What's wrong tell me?"
Nagulat ako ng hawakan nya ang pisnge ko. Napa awang ang labi ko sa pag pisil nya sa pisnge ko, inalis nya ang buhok na nakaharang sa pisnge ko at ngumiti sya sakin. Ngumiti din ako sa kanya at lumayo na ko.
"Ayan, mas maganda ka pag nakangiti."
"S-salamat."
"So? See you sa monday?"
"Sige. Salamat ah."
Hindi ko na sya pinaba para lang pag buksan ako ng pinto. Ako na mismo nag bukas nito a bumaba, Pumasok ako sa loob ng gate at nag lakad papunta sa pinto.
"Baka kunin satin si Aya, Aeron?"
Napahinto ako dahil don. "No. Hindi nya makukuha satin si Aya."
Pumasok ako ng mabilis sa sala. "Sino gusto kumuha sakin?" Di ko maiwasan mag tanong.
Pareho nanlaki ang mata nila dahil nakita nila ako. "K-kanina ka pa ba dyan?" Umiling ako.
"Sino gusto kumuha sakin?" tanong ko ulit.
Halata sa kanila na pareho silang kinakabahan, hindi sila sakin makatingin ng maayos dahil sa tanong ko. "May gusto bang kimidnap sakin?"
Pareho silang napatingin sakin. "Kaya mag iingat ka, Aya. Ayaw ka naming mawala."
Lumapit ako sa kanila at niyakap sila. "Nag iingat ako my, dy. Wag kayo mag aalala."
Hinalikan nila akong pareho sa pisnge at niyakap nila ako ng mahigpit na para bang may aagaw sakin mula sa kanila.
Pag katapos ng usapan namin nila mommy at daddy non ay pumunta ako sa pool. Mabilis kong hinubad ang bestidang suot ko at natira sakin ang akin bra at panty. Mabilis akong tumalon sa pool at lumangoy ng lumangoy.
Pumasok nanaman sa isip ko si Cynthia at Zero, hindi ko alam kung ano ba talagang meron sa kanila. Sobrang na cu curious ako. Gusto ko mag tanong pero di ko magawa, Di ko alam kung bakit bigdeal sakin kung may relasyon sila o wala! Mag pinsan lang kami ni Zero at bawal ang nararamdaman ko para sa kanya.
Saka ako napahinto dahil sa iniisip ko.
Nararamdaman ko para sa kanya?
Napahinto ako sa pag langoy dahil don at sabay ng pag tulo ng luha ko.
"H-hindi pwede. H-hindi pwede."
~