"Happy birthday Chase!" "Thank you, Mommy!" Mabilis kong tinapat ang malaking chocolate cake sakanya at pinikit n'ya ang kanyang mga mata. Hindi ko maiwasan mapangiti habang humihiling s'ya. Nang idilat n'ya ang kanyang mga mata ay mabilis nyang binlow ang mga kandila. "HAPPY BIRTHDAY CHASE!" Malakas na sigaw ng mga pinsan nya na may hawak na iba't ibang laruan para sa kanya. Masaya syang nakipag apiran sa mga ito at ako naman ay tumalikod para ilagay sa mesa ang kanyang malaking cake na pinagawa ko sa isang malapit na bake shop. Hindi muna ako bumalik don bangkus pinanood ko s'ya habang nakikipag tawanan sa mga pinsan nya at nakikipag laro. Ngayon ko lang s'ya nakita na ganito kasaya. Dahil tuwing birthday n'ya, ang kasama nya lang lagi ay ako at ang kanyang ninang becky. Pero ngayo