"Ikaw lang ang aking mahal...Ang pag-ibig mo'y aking kailangan...pag-ibig na walang hangganan. Ang aking tunay na nararamdaman. Isa lang ang damdamin. Ikaw ang aking mahal..Maniwala ka sana. Sa akin ay walang iba ~~" Unti unti kong dinilat ang aking maga. Mabigat ang talukap ng aking mga mata dahil siguro sa kakaiyak ko. Bumungad sakin ang muka ni Chance nakangiti. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko dahil don. S-Si Chance? Nakangiti sakin. "C-Chance..." mahinang tawag ko. "Let's talk." Mabilis akong umupo at umayos din ito ng upo. Inalis pa nito ang nakaharang sa muka ko. "Ikaw lang ang aking mahal~~ ang pag ibig mo'y aking kailangan.~" Napaawang ako ng bibig dahil sa pag kanta n'ya. Ngayon ko lang sya narinig kumanta. Ngayon lang. Napahawak ako sa dibdib ko, wala parin pinag bago.