Ito na siguro ang last destination namin, ang Sky Ranch. Pahapon na kasi. Naglakad lang kami at pinanuod ang mga batang naghahabulan at tuwang tuwa sa rides na sinasakyan nila.
"I want to ride the ferris wheel." Naisipan niya naman bigla.
"Ikaw na lang." Sabi ko. Baka kasi takutin na naman niya ako eh. Galaw-galawin ang sasakyan naming booth.
"Don't be KJ. Alam mo bang pag nasa mataas na altitude ka raw mas nagiging honest ka."
"Saan mo naman nakuha ang theory na 'yan?"
"Nakalimutan ko na. Basta, Tara na."
Para naman siyang bata ngayon na excited sumakay sa ferries wheel. Kung hindi lang siya makulit hindi ako sasakay.
Magkatapatan kaming nang upuan. Siya nakatingin sa bintana samantalng ako nakatingin sa kaniya. Ang suspicious kasi. Nagtataka pa rin ako kung ano ba talaga ugali niya. Ang hirap hulaan ng personality niya.
"Honest," humarap siya sa akin. "I wore this dress for you to just look on my face not on my t**s. You're turn."
Wala naman siyang sinabi na ang honest na sinasabi niya pagsumakay ng ferries wheel eh 'yung magsasabihan kami ng... what? So napansin niyang napapatingin ako sa boobs niya the whole time na nag-uusap kami last week? Bakit parang hindi naman siya na-conscious?
"You're weird," pag-amin ko.
"You're not the only one who told me that. You're turn."
"You can't resist me," I challenge here.
"Don't be cocky. Honest: you're vain." Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Honest: averting looks means you're avoiding simething. I hit the right button, right?
Tiningnan na niya ako na para bang tinatansa niya niya ako. "Honest: You'll regret flirting with me."
"Honest: game on." Ngumisi ako pero nawala rin kaagad nang umupo siya sa hita ko.
Ipinatong niya ang dalawang paa niya sa magkabilang gilid ng upuan ko. Tapos ang dalawang kamay niya nakasukbit sa balikat ko.
She was so close I can smell her sweat and the flowery perfume she put on today. Sa tuwing tumatama naman ang hininga niya sa akin naaamoy ko naman ang matamis na kendyng binili niya kanina.
She pulled herself closer. I felt her's rub mine even though their's fabrics that separates us. Then she pressed her chest to mine.
Fuxk! Hindi ako magpapatalo. Inunanhan ko na siya sa paghalik sa akin. And when she responded I bit her lower lips.
Napaungol siya at napasabunot sa buhok ko. Pagkakataon ko naman iyon para ipasok ang dila ko sa bibig niya. Sinabayan din niya ang pagsayaw ng dila ko.
May sarili namang gawa ang kamay ko. Unti-unti niyong tinataas ang laylayan ng damit niya. Pataas nang pataas hanggang sa marating nito ang lupi ng undies niya.
Natigilan ako. Binuhat siya at inilapag sa upuan niya. Pinilit kong lumayo. Kailangan kong lumayo. Hindi ito kasama sa kasunduan. Hindi siya ang babaeng pwede kong gawin ang mga bagay na ganito. I wanted us to be purely business. And for pete's sake she's Azurin!
"So that's how we became boyfriend and girlfriend." She announced.
Inayos niya ang dress niya ngunit may nahagip ang mata ko. "May pasa ka sa hita."
Napaupo naman na siya ng maayos. "Wala lang 'yon. Basta, ang sasabihin natin sa tao naging tayo sa Sky Ranch at inalok mo akong maging girlfriend mo sa ferries wheel."
"Sa pangangabayo mo kanina 'yan 'di ba?" Kahit na ba business lang ito, nag-aalala pa rin ako sa pasa niya. Mukhang malaki ito. Gusto ko sanag makita uli kaso baka iba ang isipin niya.
"I said never mind that." Matigas niyang sabi kaya naman napatingin ako sa kaniya. Kala ko galit pero nakangiti siya sa akin. Ngiting katulad ng alukin niya ako ng kasal. "Okay, boyfie, let's go back home na."
***
Tahimik kami sa buong byahe. Actually nakatulog siya sa byahe. Ginising ko lang siya nang makarating na kami sa tapat ng condo niya.
"Aster, gising na."
Dumilat naman kaagad siya. "You keep on calling me Aster with American accent."
"What? I grew up in America. What's wrong with that?" Doon ako nanirahan kasama ang dad ko nang mamatay si nanay. I pronounced it like Ester which is pretty cool because the unique spelling of her name.
"But Aster is a British name. It's supposed to be 'Aster'."
Pinakinggan kong mabuti. Sa pagbigkas niya ng Aster parang nagiging O ang A at A naman ang E. "Ostar?"
"You sucks!" Umikot ang mata niya sa inis.
"Ewan, tatawagin na lang kitang Star. Katunog ng pangalan mo eh."
"Actually my name means star." Pag-amin niya.
"Then I'll call you Star as endearment since we're in a relationship, right?"
Ngumiti na siya. Sa wakas. Ang moody pala ng babaeng 'to. Dahil lang sa medyo mali ang pagbigkas ko sa pangalan umiinit na kaagad ang ulo niya.
"Okay, hug me and kiss me. May CCTV camera sa tapat."
Ginawa ko naman. Hinalikan ko lang siya sa pisngi. Baka kasi saan na naman mapunta. I admit, she was a good kisser. Leaving up with her own reputation, huh?
"We have to pretend that we're really in love." Naging seryoso ang mukha niya. "I know you have a girl but please avoid her for the mean time. Not until we are married."
Napatanga lang lang ako sa kaniya.
"Okay, by babe!" Bumaba siya ng sasakyan na para bang maaraw na naman ang mood niya. Parang walang pambabantang sinabi. Tapos parang model na naglakad papasok sa building.
Am I about to marry a psycho?
***
Pinaharurot ko na ang kotse ko pauwi sa bahay. Hindi naman kalayuan ang bahay ko. Medyo traffic lang. Pagka-uwi ko naabutan kong bukas ang ilaw. Nandito si Umi.
Tama nga ako. Pagpasok ko nagluluto na siya ng sa tingin ko ay Chicken Alfredo. "Ang bango ah." Pagkasilip ko sa kusina nakita ko si Umi na naka-apron lang, wala nang ibang damit.
"Hello, babe."
Nawala ang ngiti ko. Para kasing babe din kanina ang tawag sa akin ni Aster bago siya bumaba sa kotse pagkatapos niya akong pagbantaan. Ngayon ko lang naalalang babe pala ang tawagan namin ni Umi... pag gusto lang namin.
"Hi! Bakit ka nandito?"
"Ayaw mo?" Ganting tanong niya. "I'm cooking something for you to eat. You can eat me as well."
"Umi,"
"Janus," ginaya niya ang tono ng boses ko.
"I appreciate you coming here and cooking something but did I tell you already that—"
"You're getting married. I know, I know but why did something happen again to us two days ago?"
"Come on, I can't be faithful when you're not wearing anything!" Nakakapagod nang ipaliwanag kay Umi na itigil na namin ito. Ayoko man pero hindi ko pwedeng sabihin kay Umi ang totoo. Madaldal ang babaeng 'to. Paniguradong kakalat kagad sa iba na kunwari lang kami ni Aster.
"How about this," tinanggal niya ang buong saplot niya.
Napapikit na lang ako sa pagtitimpi. Wala akong gana sa ganito ngayon. Masyado akong napagod sa date namin ni Aster.
"Fine, I have to meet that fiancée of yours. Dapat lang na mas maganda at sexy siya kaysa sa akin."
Their both beautiful. Umi got this chinita look. She's out going and party person. People likes her for her strong and bitchy personality. Aster on the other hand is like an angel. Fallen angel to be exact. And I haven't figured her out.
"Okay, pag-free siya."
"Good, magbibihis na ako tapos kakain na tayo. Maglagay ka na ng plato sa mesa." Utos niya sa akin habang nagbibihis siya sa kwarto.
Pagbaba niya handa na ang lahat. Kumain kami habang tinatanong niya ako kay Aster. Saan daw kami nagkakilala at kailan naging kami.
"Kanina lang kayo naging offical? Pano mo nasabing magpapakasal ka sa kaniya kung kanina lang kayo naging kayo?" Halos nasigaw na siya sa akin sa tanong niya.
"Pang telenovela ang love story namin kaya mahaba ikwento. Kumain ka na lang." Sumubo ako nga pasta.
"Did you sleep with her?"
Nalunok ko kaagad ang kinakain ko kaya nabulunan ako. Pagkainom ko ng tubig sinagot ko siya.
"Papakasalam mo siya ng hindi mo pa siya nasusubukan?"
"Ikaw talaga ang girl version ni Jon." Napabuntong hininga ako. "Hindi tulad ng free taste o taster sa grocery ang pagpapakasal. Kailangan mo talagang bilhin para malaman mo kung ano talaga ang tunay na lasa." And to Aster's stituation, she's the buy one take one kind of product.
"Sino ba 'tong babaeng ito, huh?"
"Aster Azurin."
Siya naman ang nabulunan. "Aster?" Tama ang pronunciation niya ng pangalan ni Aster na tila ba kilala niya ito. "That Aster? She's a w***e!"
"Watch your language, babe." Bakit parang kilala siya ng mga kaibigan ko samantalang ako hindi?
"Hindi mo alam ang pinapasok mo, Janus. She probably got STD for all the guys she fvck."
"Nakita mo ba?" Untag ko.
"Hindi na kailangang makita kung usap-usapan siya ng lahat. Sa tuwing nakakasabay ko siya sa club kung sino-sinong lalaking umaaligid sa kaniya at ini-entertain niya naman. She's worst than me, Jan. I'm not changing partners as much as I'm changing panties. Siya 'yon. Break up with her. Pakasalan mo na ang lahat wag lang siya."
Natahimik ako at napaisip sa sinabi niya. Maaaring tama siya pero si Aster ang susi ko para mapasok sa Grants at mapabagsak sila. At malay natin nagbago na si Aster. Sa dalawang araw na nakasama ko siya mukhang hindi naman siya tulad sa sinasabi ng mga kaibigan ko.
"She changed, Umi."
Tumayo si Umi sa kinauupuan niya. "I warned you, Janus. Don't come back crawling to me asking me to be with you in bed again 'cause I'm not. Ayoko mahawa sa sakit ng babaeng 'yon."
Padabog niyang kinuha ang bag niya at umalis sa bahay ko.
I groaned in frustration. Lahat na lang sila sinasabing kaladkaring babae si Aster pero pagkasama ko siya para lang siyang may sayad sa utak.
Pumanik ako sa kwarto ko, nagbihis at humiga na sa kama. Ang sakit ng ulo ko marahil sa nabilad ako kanina sa araw. Hindi ako sanay kasi lagi lang naman akong nasa loob ng office.
Napapikit na ako at nakatulog kaagad. Napanaginipan ko si Nanay. Gabi ang shift niya noon sa hotel na pinagtatrabahuan niya.
Sabi niya sa akin bago siya umalis, magpakabait daw ako. Matulog nang maaga at kumain ng masustansyang pagkain. Sabi niya ring mahal na mahal niya ako.
Kinabukasan hindi na siya nakabalik. Sinundo na lang ako ng ng tita ko sa bahay at sinabi niya sa aking namatay na raw si nanay. Nakasara ang kabaong niya sa buong burol niya dahil sunog na sunog na ang katawan nito.
Nagalit noon si lola sa hotel na pinagtrabahuan ni nanay. Wala raw kaming nakuhang isang kusing sa hotel kahit na sila ang may kasalanan ng lahat.
Sa dyaryo nabasa kong tatlo ang namatay. Dalawang mag-asawa na tinangkang iligtas ni nanay. Halos lahat ng tao nagluksa sa pagkamatay ng dalawang mag-asawa pero wala man lang nakapansin sa kabayanihan ng nanay ko.
Sinubukan kong magtungo sa hotel ni nanay para kausapin sila; malaman ang tunay na nangyari ngunit tinaboy lang nila ako. Sabi nila bawal daw ang palaboy na bata sa loob ng hotel. Hindi ako palaboy. Gusto ko lang makausap kung sino man sa nakakataas para malaman kung anong nangyari kay nanay at kung bakit wala man lang siyang tulong na nakuha.
May magarang kotseng lumabas. Binuksan ang bintana at tinanong kung anong nangyayari. Sinabi ko naman na ako ang anak ng babaeng nakasama sa sunog. Minata lang ako ng lalaking nakasakay sa kotse. Pinagtawanan pa ako. Sabi niya sa akin, na wala siyang paki doon sa babae. Kasi ang mag-asawang namatay daw ang kapatid niya at ang tagapagmana ng Grants. Wag daw akong mag-inarte kasi mas malaki ang nawala sa kanila kaysa sa akin.
Pinag-utos niya na alisin ang basura sa harap niya. Ako ang basurang tinutukoy niya.
Sinumpa ko simula ng araw na 'yon na ang basurang 'to ang magpapabagsak sa pamilyang Azurin.