7: HER UNCLE

1258 Words
The moment we arrived at the headquarters of Grants, Jason, Aster's secretary showed up holding a coat. Lumabas kaagad ako para kunin ang coat saka pinagbuksan si Aster. Kung kumportable siyang halos kita na ang hinaharap niya, puwes ako hindi. Lalo na't may ibang makakakita. Ano na namang iisipin sa kaniya? Na isa siya w***e? Tapos ako naman papakasalan siya? Anong tingin na lang ng mga tao sa akin. I also have my own reputation to keep. "Ang OA mo." Sabi niya pagkababa habang sinusuot ko sa kaniya ang coat. "I'm not," "You are," "Ayoko lang ng kung ano na naman sabihin sayo ng mga tao." She tensed up. "Ano bang sinasabi nila sa akin?" Wala na ang playful na aura niya. "That I'm the b***h-est woman in town?" Wala akong sinabi. Hindi ko naman akalaing ganyan ang magiging reaksyon niyang talaga namang offended. Then her emotion suddenly change. She laughed. "Well, yes I am." But I heard a bit of sarcasm in her words. "I'll be going. Late na ako." Dagdag niya pa sabay talikod sa akin at naglakad "Wait," hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Nakonsensya ako. Kahit na ba ganoong klaseng babae siya hindi ko dapat sinabi sa kaniya 'yon. "What?" There was an annoyance with her voice. Hindi ko alam ang gagawin ko. She was mad. Kapareho 'to ng tanungin ko siya kung mahal niya ba ako. She over reacted that time. Ngayon kahit na itago niya sa pagtawa niya, halata pa ring galit siya. "I'm sorry," "For what? Jan, late na ako at... fine I'm mad." Umirap siya at napamewang. "Sana sa lahat ng tao ikaw ang nakakaintindi sa akin kasi sayo ako pinakamalapit." Uh, isa pa rin siyang malaking pala isipian sa akin. "You know what? Ako ang OA dito. Papasok na ako." Kumaripas siya ng paglalakad. Sinundan naman siya ni Jason. Naiwan ako sa labas na lito sa nangyari. Galit ba siya sa akin? Pabalik na sana ako ng kotse ko nang may lumapit na bellman at tinanong ako kung ipa-park na ba ang kotse ko. "No, I mean, ah... ye—" napatingin ako uli sa building. Kanina ng makita ko pa lang ang Grants ang bilis na ng t***k ng puso ko. Ilang taon na rin ang nakakalipas ng huli akong magpunta rito. Dito sa lugar na ito una akong sumumpa. "Sir?" Pukaw sa akin ng bellman. "Yes, please." Nangangatog kong inabot ang susi ko. 17 years ago I said to myself that the moment I come back here was the day that I proclaim to them that this hotel is mine. Yet here I am standing outside thinking about seeing the place where my nanay died and thinking about apologizing to Aster properly. Halo-halong emosyon. Hindi ko maipaliwanag. Ayaw ng pride kong pumasok pero nilalamon naman ako ng curiosity ko para silipin ang loob. "You're Janus Miles, right?" Mula sa aking tagiliran may matandang lalaking lumapit sa akin. He was wearing everything that screams superiority. From his black suit and tie up to the lines on his forehead and eyes. Kahit matanda na siya siguradong sigurado ako na siya ang lalaking nakita ko noong sampung taong gulang palang ako. Basura. Isa lang daw akong basura noon pero ngayon alam na niya ang pangalan ko. Tumikhim ako para ihanda ang sarili kong boses sa pagsalita. Baka kasi mapiyok ako. "Yes, I am." "You've been messing around with my niece lately huh?" Messing around? "You really like her?" Usisa niya. Napakuyom ako ng kamay. Gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya sa akin noon pero ngayon inuusisa niya ako tungkol kay Aster napapaisip ako na hindi naman ata siya ganoo— "Do you like her or her money?" He rephrased his question. "Sir, I'm Janus Miles. I'm Aster's boyfriend and I like her a lot." Madiin kong sabi pero sinusubukan ko pa ring magtimpi. Tito pa rin ni Aster ang kaharap ko. Sa sandaling umiskandalo ako dito at malaman niyang sinaktan ko ang lalaking nasa harap ko baka itigil niya ang plano naming kasal. Ayokong humatong na lang ang lahat sa wala ang pinaghirapan ko lalo na't nasa harapan ko na ang lalaking 'to. Abot kamay ko. Napangisi ang matanda. Kinamayan niya ako pero kaagad na bumitaw sa akin. "I know the likes of you, you're just with Aster just to wait for her to be gone." Anong pinagsasabi ng matandang 'to? "Hindi mapapasayo ang Grants." 'Yang ang huli niyang sinabi bago tuluyang umalis sa harapan ko at pumasok sa loob ng hotel. I wanted to punched him straight to his face but he got it right. Papakasalan ko naman talaga si Aster para mapasaakin ang Grants. I felt guilty and angry the moment I remembered why I'm with Aster. I stood up there trying to not think about it and make myself less guilty. Nanatili ako sa hotel. Kahit na ayoko sa hotel na iyon pumasok ako. Nagpunta ako sa bistro ng hotel at doon pinalipas ang sama ng loob. Minessage ko rin si Aster na kailangan ko siya makita. Nalilito na ako. *** Nang dumating na si Aster mga tanghaling tapat, medyo may tama na ako sa wine na binili ko. Nakatingin siya sa akin na tila ba nagtataka. "What?" Pabalang kong tanong sa kaniya. "You're drinking at the middle of the day? Wala ka bang trabaho?" Nagkibitbalikat lang ako't inubos ko ang wine na iniinom ko. Narinig ko naman siyang kinakausap ang bartender kung ano raw ang binili ko at sa kaniya na lang daw i-charge. "Janus, if you're drinking because I got mad at you then stop it. I forgive you." Napahikbi ako ng wala sa oras. "My gosh! I don't wanna see you drunk. You look miserable." Marami akong gustong sabihin sa kaniya pero natamaan ata talaga ako sa wine na kanina ko pa iniinom habang naghihintay sa kaniya. Well, sumubok din ako ng ibang mga whisky pero mas pinili kong mag-wine kasi inaasahan kong hindi ako malalasing. Nagkamali ako. "Halika na nga't magpahinga ka muna." Hinawakan niya ang kamay ko nagpatianod naman ako kung saan man niya ako dalhin. Noong una wala ako sa sarili ko at wala akong paki kung saan man niya ako dalhin. Ang alam ko lang umiikot ang mundo ko. Nang tumigil ang elevator sa forth floor doon nawala ang hilo ko. Nagbalik sa aking alaala ang balitang nabasa ko. Sa palapag na ito nangyari ang sunog. Natigilan na lang ako. Ayokong bumaba ng elevator. "Jan? Nasusuka ka ba? Pigilan mo na lang muna. Malapit na tayo sa presidential suite." Inalalayan niya akong makababa ng elevator hanggang makarating kami sa isang pinto. Binuksan iyon ni Star. Nagmula ang sunog sa presidential suite ng hotel. Nangangatog ang buong katawan kong humakbang papasok. Nang mga sandaling iyon nagliyab ang paligid. Sa isang sulok may nakita akong babaeng sumisigaw. Humihingi ng tulong. Nagmamakaawa. Ayaw niya pang mamatay. Ayaw niya pang iwan ang anak niya. "Ang weird mong malasing Janus. Umiiyak ka pa. Sandali, bakit ka nga pala naglasing?" Nawala bigla ang apoy at ang babae. Sa harap ko nakatayo si Star at pinahiran ang luha ko. Kita sa mata niya ang pag-aalala. Napa-atras ako palayo sa kaniya. Sa mga sandali kasing iyon nakita ko ang pagkakahawig nila ng tito niya. Pumasok din sa isipan ko na isa siyang Azurin. Magagamit ko nga siya para makapaghiganti pero ang pakasalan ang isang Azurin? Hindi ko ata kayang sikmurahin. Kinasusuklaman ko sila. ❤️❤️ Yow guys! Ano sa tingin niyo? Sinimulan ko 'tong story na ito as like the normal pocketbook. Hanggang episode 10 lang sana pero kasi sa dami ng complication at sa ending na naiisip ko alam ko na na hindi ako papasa kaya pinahaba ko na lang. kaso ngayong mahaba na parang ayoko naman ng ending na gusto ko mangyari. Lol! Gulo ko. Nga pala, pag may time at load/internet kayo baka may maicocomment kayo sa HWP.  Thank you so much!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD