bc

He Took My Innocence (Second Gen)

book_age18+
17.6K
FOLLOW
70.8K
READ
possessive
family
second chance
pregnant
playboy
drama
comedy
sweet
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Sena Rodrigues is a innocent lady. Sa buong buhay n'ya ay sa isang kwarto lang s'ya tumira. Lumalabas lang s'ya sa kwartong 'yun pag araw ng kanyang kaarawan para masilayan ang mga bituin. Nang malaman n'yang mag-aaral s'ya sa isang Unibersidad ay labis ang kanyang galak.

Simon Funtabella isang lalaking lumaki sa isang sikat na pamilya. Isang lalaki na puro babae lang ang nakikita.

Paano kung mag-kita sila ni Sena? Mabibihag ba s'ya ng kainosentihan nito o ano?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Ang nalalaman ng istorya nito ay isang imahinasyon o katang isip. Place, events, or etc. Lahat po nong 'yon ay gawa gawa lang aking imahinasyon. Kung sakaling may mali, please let me know and don't bash me. I'm just here for making stories not for bashing me. I just want to share my imagination for all people who believes in true love. Don't call me madame, call me Ms. Mj or Ate Mj. Thank you again! ~ Plagiarism is crime. ----- SIMULA Nakangiti akong pinagmamasdan ang mga batang nag sisitakbuhan pauwi galing sa kanilang paaralan. Suot suot nila ang kanilang yuniporme at hatak hatak ang bag papunta sa kanilang mga gate at don naman sila sinasalubong ng kanilang ina na nakangiti. Ang kanilang ngiti na nag - uumapaw habang pinapakita ang kanilang braso na tandang sobra aktibo nila sa klase. Nakakita na ko ng ganon itsura, kulay ube yun na may mga bituin. Minsan tatlong bituin, minsan dalawa o isa at may nakalagay sa baba ng mga bituin na 'yon ang ingles na lenggwahe. Hindi ko maiwasan mainggit sa kanila, sila nakikita nila ang magandang mundong hindi ko pwedeng makita...pero ako hindi. Para akong si Rapunzel na nasa tore, pero ang pinag kaiba namin ay nasa isang silid ako na walang laman kundi ang kama at kabinet lang, may isang cr sa isang gilid kung san ako naliligo. Walang bintana kundi butas lang na inukit ko gamit ang kutsara upang masilayan kahit papano ang mundong hindi pwede sakin. Ang sabi ng ina ay masyado daw mapang api ang tao sa labas, puro pang - huhusga ang alam. Kaya naman hindi n'ya ko nilalabas dahil natatakot s'yang masaktan ako. Isang beses sa isang taon ko lamang nakikita ang bituin sa itaas, tuwing sasapit ang aking kaarawan. Masayang masaya ako dahil papalapit na ang araw na 'yon. Masisilayan ko muli ang maraming bituin sa kalangitan mula sa harapan ng bahay namin. "Ang gwapo ng crush ko no! Walang wala sa boyfriend mo!" Inaninag ko mabuti ang babaeng nag salita. Boyfriend? Crush? Anong klaseng salita 'yon? o Lengwahe? Salitang ingles ba 'yon? Marami akong tanong sa sarili ko. Tulad nalang ngayon, pinag mamasdan ko ang hawak nilang parihaba na tinatapat nila sa muka nila at nakikita nila ang kanilang sarili. Minsan naman ay nag sasalita sila habang nakatapat 'yon sa tenga n'ya. "Sus! My baby is better than him!" Alam ko ang salitang 'yon, baby? Sanggol, ibig sabihin may anak na sya? Pero ang bata n'ya at mukang mas matanda pa ko sa kanya. Paano s'ya nag kakaroon ng sanggol? Nang marinig ko ang langitngit ng silid ko ay mabilis akong umayos ng upo. Binaba ko ang kurtina upang matakpan ang butas na aking ginawa. Sigurado akong magagalit ang ina sakin pag nalaman n'yang sinusuway ko ang kanyang mga utos. Ayokong hindi uminom sa isang araw, nakakapang hina. "Aking anak!" Mabilis akong tumayo upang tumakbo sa aking inang kakauwi lang galing sa kanyang trabaho. Mabilis ko s'yang niyakap at hinalikan n'ya ako sa noo. "Namiss kita, Ina!" masayang sabi ko sa kanya. "Kamusta ang iyong araw dito sa silid?" "Ina, walang nag babago. Pero ina, pansin kong nag babago ang iyong kulay?" Pinag dikit namin ang aming mga balat. Ang maputi nyang babalat ang nagiging kulay kayumanggi. "Dahil 'yan sa trabaho aking anak." "Pag pa nag trabaho ako, Ina? Magiging kulay kuyamanggi din ako? Pansin ko mukang gumaganda ka sa kulay mo" aking pambobola sa aking ina. "Ikaw talaga bata ka..." nag tawanan kaming dalawa pero pansin kong may tao sa likod ng aking pinto. "Sino ang babaeng nasa iyong likod, Ina?" hindi ko maiwasan mag tanong sa aking ina. "Pumasok ka Alena, ipapakilala ko sa 'yo ang aking anak na tuturuan mo ng salitang ingles." nabaling ang aking tingin saking ina dahil sa aking narinig. "Ina, akong iyong tuturuan ng salitang ingles? Para saan? Hindi din naman ako makakalabas sa aking silid." aking tanong dito. "Dalawang taon mula ngayon, aking anak. Ikaw ay mag sisimula ng pumasok sa isang paaralan gaya ng iyong pangarap. Pero bago ang lahat? Gusto ko munang mamulat ka sa mundong ipinagkait ko sa'yo." Sumigla ang aking damdamin dahil sa saking narinig. "Ina! Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya." "Malapit na ang iyong kaarawan, makikita mo muli ang bituin mula sa kalangitan." "Opo, Ina." Tumingin muli ako sa babaeng nasa likod ng aking pinto. Muka syang nahihiya sa akin pero lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. "Gusto kitang makilala ng lubusan. Ako si Sena." magalang na aking sabi dito. "A-Ako naman ang bago mong guro sa ingles." "Oh by the way, Alena. I will leave you too. Take care my daugther." Hindi ko naintindihan ang salitang binitawan ng aking ina dahil salitang ingles 'yon. Tagalog lamang ang salitang aking naiintindihan. Hinila ko si Alena papasok sa aking silid at inupo sa isang gilid. Binigay ko ang aking kwaderno at mabilis n'ya iyong tinanggap. "A-Anong salita ang mga ito?" tanong n'ya sa akin. "Hindi ko din alam. Pero naririnig ko 'yan mula sa labas." "Your room is soundproof." "H-huh? Patawad. Hindi ako nakakaintindi ng salitang ingles. Maaari mo bang tagalugin upang aking maintindihan?" napabuntong hininga sya. "Ang iyong silid ay hindi makakarinig ng kahit na anong tunog. Paano mo ito narinig mula labas?" Tinignan ko lamang s'ya. Paano n'ya nalaman na ang aking silid ay hindi nakakarinig ng kahit anong tunog? Sinabi ba sa kanya ng aking ina? Maaari ko bang sabihin sa kanya ang ginawa ko? "Hindi ko sasabihin sa iyong ina, pero maari ko bang malaman kung paano?" "Gumawa ako ng butas na sakto sa aking mata. Gusto ko malaman kung ano nang yayare sa labas." Magalang na aking sagot at napabuntong hininga muli sya. "Alam mo bang masama ang pag suway sa utos ng iyong ina?" umiwas lamang ako ng tingin sa kanya . Alam kong masama mag sinungaling at masama sumuway sa utos ng aking ina pero hindi ko maiwasan suwayin ito dahil sa kagustuhan kong Makita ang labas ng aking silid. Ilang taon na din ako nakakulong sa lugar na ito. Mula ata ng ako'y isilang sa mundong ito ay hindi ko na nakita ang labas. Kundi ko pa hilingin sa aking ina na tuwing aking kaarawan ay gusto kong Makita ang mga bituin tulad ng kanyang nasa kwento. "Hindi ko naman sinasadya ang aking pag suway, Alena." "Alam ko ang iyong pakiramdam pero huli na 'to." Tango lamang ang aking isinagot dito. "Bubuksan ko na ang iyong kwaderno?" "Sige." "Boy pren? Krash? Bes pren? Selpon? Pag mamahal? Skul? Lab? " "Lahat ng iyan ay isinulat ko lamang sa tagalog dahil hindi ko alam kung paano sila isulat sa salitang ingles. Narinig mo naman siguro sa aking ina diba?" "Alam ko 'yon, Sena. Ikaw ay ilan taon na ba?" "Ako'y nasa desisyete pa lamang sa darating ng aking kaarawan. At dalawang taon na lamang gaya ng sabi ng aking ina ay makakalabas na ko sa aking silid at makikita ko na ang mundo. Gusto ko makakita ng karagatan, at mga hayop na sinasabi ng mga naririnig ko mula sa butas." "Malapit na, Sena." Ngumiti kaming pareho sa isa't isa. "Ipapaliwanag ko lahat sa'yo, Sena. Lahat ng nandito." "Pinag kakatiwalaan kita, Alena." Hinawakan nya ang aking mga kamay. "Ikaw ay aking kaibigan na." "Ang salitang boy pren ay isang lalakeng kaibigan, pero ang tamang pag bigkas nito ay boyfriend." "Hindi ba't pareho lamang ang iyon?" mabilis itong umiling sakin at nag patuloy nalang ako sa aking pakikinig. "Mag - kaiba ang mga iyon, Sena. Boy Friend, lalakeng kaibigan pero pag boyfriend isang lalakeng mamahalin mo at papakasalan mo na magiging iyong asawa na makakasama mo habang buhay." "Ikaw ba'y may boyfriend na, Alena?" bigla lang nag kulay pula ang kanyang pisnge at natawa kaming pareho. "Manahimik ka, Sena. Sasagutin ko muli ang mga nakasulat sa iyong kwaderno." "Krash? Ang tamang pag sambit dito ay CRUSH, isang paghanga lamang ito." "Pag hanga? 'Yon ba ang nararamdaman ko sa'yo? Humahanga kasi ako sa'yo dahil ang galing mong mag turo." "Ikaw sobrang bolera. Ilan na sa mga guro mo ang na bola mo?" natawa kaming parehong dalawa nanaman. Masayang kasama si Alena, hindi s'ya tulad ng mga nauna kong guro na lagi akong pinapagalitan at pinapalo sa aking kamay. Hindi ko masabi sa aking ina dahil kahit ako natatakot din. "Bes pren? Bestfriend ang tamang pag sambit sa salitang ito. Matalik na kaibigan ang ibig sabihin ng salitang ito at 'yon ang turing ko sa'yo ngayon, Sena." "Ako'y masyado mong pinapasaya, Alena. Maraming salamat dahil ganyan ang iyong turing sa akin, ikaw ang una kong kaibigan." "Kinagagalak ko, Sena." Maramng ipinaliwanag sakin si Alena. Nang bandang hapunan ay sabay naming s'yang kumain sa aking Silid. Mabilis ko lamang natutunan ang kanyang mag turo. Ang Selpon palang na 'yon na lagi kong tinitignan sa mga dalaga sa butas ay ang iyong parihaba na umiilaw na tinatapat sa kanilang muka upang makita ang salita at pag tinatapat sa tenga ay maari silang may makausap. Pero ang tamang pag sambit nito ay Cellphone. Isa s'yang gadget na sikat sa buong mundo. Pag mamahal, yan ang nararamdaman ko sa aking ina dahil pinapasaya at pinapahalagahan n'ya ko. Isang salitang tagalog na hindi ko maintindihan pero ngayon ay naiitindihan ko na. Skul? Pero ang kanyang pala titikan ay S C H O O L, at paaralan ang kanyang ibig sabihin. 'Yon pala 'yon. Lab? At tamang pag sambit nito ay Love, ang kanyang palatitikan ay L O V E na malapit sa salitang pag mamahal. Hindi n'ya sakin sinabi ang ibig sabihin non pero malalaman ko din daw sa tamang panahon ang ibig sabihin non. Nang makaalis si Alena sa aking silid ay nahiga na ko. Narinig ko ang pag sarado ng pinto ko at pag kandado nito mula sa labas. Konting tiis nalang ang aking hihintayin ay makakalabas na muli ako. Hindi na panandalian kundi pang matagalan. Ako'y hindi na makapag hintay sa araw na 'yon. Makikita ko kaya ang aking ama? Ano kaya ang maaring maging muka n'ya? Ang sabi ng ina ay kamuka ko daw ang ama? ~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

NINONG III

read
364.9K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

OSCAR

read
227.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook