Ilang buwan na ang makalipas, so far wala namang nagbago, napakilala na rin namin si LaCharlotte sa pamilya ni Tyrell, nagulat sila sa una pero natuwa dahil sa wakas ay may apo na rin raw sila, hindi na nila tinanong pa kung bakit ngayon lang namin pinakilala sa kanila si LC o bakit tinago ko siya kaya naman nagpapasalamat ako. Since then, lagi nang nagha-hang out sa mansion ang pamilya ni Tyrell, nai-spoil na rin si LC sa mga nabibigay na laruan sa kanya at damit pero ok lang, at least masaya naman ang anak namin ni Tyrell. "Grandpa..." Ngumiti ang Papa ni Tyrell kay LaCharlotte, "yes, sweetheart?" "Ma'am, nakahanda na po ang lunch, nasa kainan na po sina Sir." Tumango ako sa katulong na agad namang umalis, "Dad, LC, punta na raw tayo sa dining hall," tugon ko, aga