"Ty! Ty!" Kanina ko pang tinatawag si Tyrell pero hindi siya namamansin, kanina pang gumugulo sa isip ko ang Phoebe na 'yon eh. Late na pero hindi pa ako inaantok siguro dahil sa madalas na pagtulog ko, si Tyrell naman ay nakaupo lang sa sofa ng salas ng cottage habang nakatitig sa screen ng laptop, nagkataong lumabas lang ako sa kwarto ko at nakita ko siya kaya tinawag ko siya pero hindi siya pumapansin!!! Tsk. Tumingin siya sa akin noong aalis na sana ako at magpapahangin sa labas, "t**i?" Namula ako. "Baliw!" Doon ko na-realize, dalawang beses ko siyang tinawag sa nickname niya at ang kalabasan... basta ganoon. Tumawa siya ng marahan sabay kindat, "bakit gising ka pa?" "Hah! Sa 'yo ko dapat 'yan tinatanong e, nanonood ka ng p**n noh? Huwag ka na magmaangan." Pagbiro k