Chapter 49: The Reason Diana POV Hindi ko alam pero parang may sariling buhay ang aking mga paa at nilakad nito ang sarili palapit kina Trevor at Clare. Nang mapansin ako ng dalawa ay natigil sila sa pag-uusap, nginisihan lang ako ni Clare saka siya nag-krus ng kamay na tila ba wala nang pasensya sa paghihintay. "Go, tell her now. Hindi ba't iyon ang sinabi mo sa akin noon?" Panghahamon niya kay Trevor. "Now is the perfect chance." Kumunot ang noo ko, what did she mean by that? Hindo kumibo si Trevor, sinamaan lang niya ng tingin si Clare. "What now? Too afraid, aren't you?" Bumungisngis si Clare. "Fak off." Malamig na sabi ni Trevor kay Clare. "Unless you come with me." Clare smirked. Tumingin siya sa akin, "hi, Diana. I've always thought we could be good friends, pero ngayon? I gu