Chapter 38: The Return Diana POV Noong umuwi kami ni Trevor pabalik sa kanyang lungga ay pinabaunan kami nina Lolo Tiburcio at Lola Thalia ng mga prutas mula sa plantasyon ng hacienda, maraming ubas, hinog na mangga, at saging ang pinamigay nila sa amin. Sa liit ng panahong pagsasama ay napalapit na ang loob ko sa kanila, mukhang mahihirapan akong mag-adjust lalo na't ibang iba ang environment dito sa probinsya sa Manila. Tanghalian na noon sa mansion, kaming dalawa lang ni Trevor sa silid na abala sa pagkain nang biglang nagkaroon ng kaluskos mula sa labas, palakas ng palakas ito hangga't sa naging malinaw ang ingay-tunog ito ng maraming apak sa sahig hangga't sa tumigil ito sa harap ng pintuan, bumungad ang dalawang tao na mukhang nag-aaway. "Ano ba, beki! Stop following me!" "Ikaw