Chapter 15 Biglang huminto ang karwahe at kumatok ang tsuper sa pinto. Binuksan ni Marshall ang pinto at tinanong ang tsuper kung bakit. Tinuro naman ng tsuper ang bundok na napapaligiran ng makapal na puting ulap. "Nasa gilid tayo mismo ng bundok. Hindi na kaya pa ng mga kabayo rin ang tumakbo lalo't paakyat ang daan." Saad ng tsuper. "Sige. Hintayin mo na lang kami rito." Utos naman ni Marshall. Yumuko ang tsuper at saka muling sumakay. Lumabas naman na kami mula sa loob. Pagkatapos ay tiningnan ko ang bundok na pinalibutan ng makapal na usok. "Now I get it why they always say that once you enter Mt. Stardust, no one ever comes back. It's because of the thick fog. Maybe they got lost along the way." Saad ni Wendy. "Or something else has taken them away." Ngumisi naman si Genesis. "S