Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakatitig sa dingding ng aking kwarto. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking isipan ang mga katagang sinabi ni Raphael bago niya ako iniwan at bumalik sa opisina. Sa gitna ng aking pagmumuni-muni ay may kumatok. "Pasok." Pasigaw na sagot ko. Bumukas ang pinto at bumungad ang tatlong magkakapatid. Umangat ang aking tingin sa kanilang tatlo at dumapo ang aking mata sa kanilang mga hawak-hawak na malalaking kahon. "Good evening, young mistress." Bati nila at dahan-dahan silang tumungo sa aparador sa tabi. "Dumating na po ang mga alahas n'yo," sabi ni Chastity. Binaba na nila ang mga kahon sa harap ng aparador at isa-isang binuksan ang mga ito. Mula sa aking pwesto ay nasilip ko ang ilang mga alahas sa loob. Punong-puno ng singsing ang bawat kahon