"Lucent?!" Tinanaw ko ang panglima na pinto. "Andito ako!" Tumakbo ako papunta roon. Nanginginig ang mga kamay kong pinasok ang susi sa padlock nito. I twisted the lock open. Kumalas naman agad ang kadena pababa kasabay ng tunog nito na tila tren sa mga riles. When the chains were finally down on the cold floor like a snake, I opened the door. Ang bumungad sa akin agad ay ang madungis na mukha ni Raphael. Putok ang kanyang labi at may sugat sa gilid ng kanyang kilay. May bahid din ng dugo sa kanyang mukha. I bit my lips. Halatang binugbog siya. "Raphael..." I suppressed my tears. I couldn't bear to look at him like that. Kaya lamang nangyari ito dahil sa akin. Hindi sana kami hahantong sa ganito kung pinag-isipan ko muna nang mabuti ang aking mga desisyon. I was raised to be like that be