9 hours before... Mapupungay ang mata ng mga naiwang Ten Lords sa Guillermes mansion nang pumasok sila sa conference hall. Si Raphael naman ay inip na nagtatapik sa mesa gamit ang kanyang mga daliri. Pinasadahan niya ng tingin ang mga tauhan habang sila'y isa-isang nagsipasukan. Nauna sa linya si Saint, ang assassin ng mafia. Sumunod naman sa kanya sina Helios-ang imbentor, Yuri-tactician, at Paris-doctor. Lahat ng mga tauhan na krusyal sa magiging operasyon nila ay nandito na kaya naman hindi na kailangan pang tawagin ang ibang mga kinatawan. These caporegimes mostly do the field work, while the others who left were in charge with the mafia's economy. Matapos ang ilang sandali ay nakarinig ang sina Raphael at mga kasama niya ng mabilis na paglakad, tumingin sila sa bukana ng silid at b