"Ayaw ko namang lumaki ang anak namin na walang ama pero kakayanin ko kung talagang ayaw niyang matali sa akin, kaya oo, mas mabuti nang anak na lang namin ang panagutan niya. Hindi ko siya kukulitin na pakalasan ako, basta ang gusto kong mangyari ay magkasundo kami sa magiging kinabukasan ng anak namin. Kahit man lang sana financial support." Tumango ang babae. "Tama ka naman dyan. Hay, naku, mga kabataan talaga ngayon." Tinignan niya ako. "I did not mean to offend you. Pero, kasi, mga kabataan talaga ngayon, libog ang inuuna, tapos magkakaanak. Pero hanga ako sa inyo, ma'am, ha, dahil hindi n'yo pinalaglag ang anak n'yo kahit pa man na tinatakasan na kayo ng ama." "Ipapalaglag ko nga sana e..." tumalikod ako sa kanya at pakunwaring nagpunas ng luha kahit na ang totoo ay mabilis lamang