Iyon ang orihinal na plano niya, ang gamitin si Lucent laban kay Hidalgo. Binaling ni Raphael ang kanyang iniisip sa mga sandaling ito at nagpokus sa kalsada. Alam niyang hindi ito ang tamang oras upang isipin ang mga bagay na iyon. He also kept Lucent from finding out of the whole truth about her mother's family to save her from hurting. The truth will truly hurt her. Marami nang sasakyan na nalampasan si Raphael. Unti-unting napalitan ang mga bahay ng kakahuyan habang tumataas naman ang kalsada. Malapit na siya sa kanyang teritoryo. Doon lang niya napansin na sa sobrang pagmamadali niya, naiwan niya si Sakaki sa Marina Restaurant & Hotel. Awktomatikong bumukas ang tarangkahan ng kanyang teritoryo, pagkatapos ay pinatakbo niya muli ang kotse papasok. He parked it right in front of the