"No need, Raphael." Ngumiti ako sa kanya nang mapakla. Hindi na kailangan dahil hanggang dito na lang tayo. Medyo matagal din ang biyahe. It felt like a long night. Ilang bayan na ng probinsya ang aming nalampasan, hangga't sa kami'y nasa bayan na ng Algaya. Nasa gitna kami ng bukid. Ang pumukaw sa aking atensyon ay ang matayog na gusali rito. "Nandito na tayo sa Marina Restaurant & Hotel." Sakaki informed. Mukhang dito magaganap ang selebrasyon o kung ano mang grandeng pagtitipon ng mga mahaharlika. "The entire hotel is fully booked to ward off outsiders. Tanging ang mga may invitation letter lamang ang maaaring makapasok." Saad ni Sakaki at saka nilabas sa bulsa ang kasulatan. He parked the car in front of the hotel entrance. Lumabas naman na si Raphael. Bubuksan ko na sana ang pinto