bc

The Man for Me!

book_age18+
1.0K
FOLLOW
4.2K
READ
drama
sweet
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Si Andrea, isang dalagang Filipina, ugaling sinauna sa kasalukuyang panahon. Samakatuwid, virgin at the age of 25, a very finesse woman in this modern time. Independent dahil lumaking malayo sa pamilya na nasa ibang bansa. Successful young Vice President but broken hearted pagkatapos iwanan ng nobyong si Blake at pinagpalit sa kaibigang si Stella.

Si Anton, very hunk, gwapo at moreno. Isa ding lalaking pinalaki ng ina sa makalumang paniniwala. Mechanical Engineering graduate at nagtayo ng sariling talyer. Mahusay sa kanyang larangan. May pagkaseryoso at masungit lalo sa babae dahil sa panloloko ni Eva, his fiancee. Dating masayahin na naging sobrang sungit at misteryoso.

Nagkatagpo sa kasalukuyang panahon ngunit san kaya makakarating ang kanilang pag-ibig base sa kasabihang, "birds of the same feather, flock together".

Minsan sa buhay, hinde lahat ng gusto at pinalano ay nagkakatutoo. Madalas nga nawawalan tayo ng kumpyansa sa sarili kapag nabigo ka sa inaasahan mo.

Sa buhay pag-ibig ni Andeng, kinakaya ang sakit sa pag-iwan ng nobyo lalo pa at malayo sya sa pamilya, si Anton na kaya ang magbigay kulay sa kanyang malungkot na mundo? Sya na rin kaya ang magbabalik sigla sa buhay ni Anton?

chap-preview
Free preview
Pine Vines Hotel
Tonight, as I celebrate my 53rd birthday and the 17th year anniversary of Pine Vines Hotel, Baguio, I would also like to announce the promotion of our beloved Andrea Enriquez from Manager to VP of Marketing, for her 6 years of hardwork and dedication to this company. Napasinghap ako sa di inaasahang promotion na ito. Sobrang nakakagulat. Kasabay ng pagtayuan at palakpakan ng lahat ng mga dumalo. Ang event ay dinaluhan ng lahat ng matataas na opisyal ng The Vines Group. Una pa lang ay nagtaka na ako ng makita ko ang mga pangalan ng mga bigating tao, dahil pala sa special announcement na ito. Ms. Enriquez and Mr. Aguilar on stage please. Sabi ni Mr. Vladimir Sebastian, Chairmain and owner of The Vines Group of Hotel, ang ama ni Blake. Hinanap ng mata ko si Mr. James Aguilar na nakangiting sumasalubong sa akin para alalayan ako sa pag akyat sa stage. Kasunod nito ay inaapuhap din ng aking paningin ang aking nobyong si Blake Sebastian, successful CEO ng The Vines Group, kilalang Hotels sa buong Pilipinas na sa ngayon ay may 10 na branches sa iba't ibang parte ng bansa. Hinde ko alam kung namalikmata lang ba ako na makita kong galing si Blake at si Stella na magkasama sa isang madilim na parte ng function room ng hotel. I would like to give the floor to Mr. Aguilar, very talented old man who decided to retire and migrate with his family abroad. Sir maraming salamat po sa dedication ninyo at we wish you all the luck sabi ni Mr. Sebastian habang ipinapasa ang mic. Hello everyone, good evening to all our guests, to my bosses who trust me thank you very much, sir happy birthday po, napakagaling ng ating Chairmain, kundi nga ba eh mageexpand ba tayo ng ganito kundi din dahil sa puso nya para sa kumpanyang ito. To sir Blake, thank you anak, sir, nakangiting sabi nito habang sinasalubong ang paakyat na si Blake. Ako naman ay di mapigilan ang luha na agad namang pinunasan ni Blake paglapit sa akin. Masyado ako na overwhelmed at malungkot at the same time dahil naging ama amahan ko si Mr. Aguilar sa anim na taon mula ng magsimula ako dito. To Ms. Enriquez, anak, pasensya ka na at di ko sinabi ang resignation kong ito, alam ko ng nasa isip mo, knowing you, sabi mo Tay James napakadaya mo at basta mo na lang ako iniwanan. Napakahirap ng desisyong ito para sakin dahil mahal ko ang The Vines specially ang Pine Vines dahil nandito ang itinuring kong anak habang nangungulila ako sa mga anak kong nasa US. Ikaw ang nagpasaya sa amin ng butihin kong asawa. Di ba sweetheart, ani Mr. Aguilar sa asawang si Luisa na umiiyak na din sa kanyang upuan. Nakita kong tumango at ngumiti si Nanay Luisa. Anak alam kong kaya mo itong hawakan dahil kilala ko ang kapasidad mo. Napakabuti mong bata. You served every customer with true love na sinamahan mo pa ng sipag. Halos di ka anak makatulog hanggat di mo napapaganda ang ayos at services sa bawat event na meron tayo. Dahil sabi mo, sa bawat occassion dapat memorable hinde lng sa celebrant kundi pati sa mga bisita nila. A very good organizer, event host, serbidora pa minsan at chef all in one. Saludo ako sayo anak kaya personal kitang pinili sa posisyong iiwanan ko. Sir Blake, salamat. Alagaan mo mabuti si Andeng ko at ninong ako sa kasal nyo. Dagdag pang sabi nito Si Blake naman ay namumula at parang biglang pinagpawisan. Pare, ano ka ba, we are just one call away at wag kang mag alala dahil malalagot sakin si Blake kapag niloko ang mamanugangin ko. Sabi ni Mr. Sebastion Ako naman ay tahimik lamang at patuloy na umaagos ang luha habang akbay ni Blake.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook