"Ma'am, eto po ang design na gusto ni Mr. Alex for his suit po at eto din po ang gusto ng kanyang kapatid na gown."
Mabilis nyang tinanggap ang bagong trabaho na pag pupuyatan n'ya nanaman. Isang long fitted gown na may hatid sa kanang hita at backless sa likod. "Anong event ito?" tanong nya sa empleyado nya.
"Birthday party po ni Mr. Alex ma'am, binigyan n'ya po kayong invitation, hindi nyo naalala?" mabilis syang umiling. "Ayy si Sir. Gabriel po pala ang nakakuha sa mesa n'ya." napatango nalang sya dito.
"Okay, i ask him later. Kailangan ko na agad simulan 'to."
Career is her priority. Dahil sa ginagawa n'ya ay tatlong linggo sila hindi nag kita ni Gabriel and she bet, he's busy too. Dahil napanood n'ya sa balita na eto daw ang mag oopera sa anak ng CEO ng isang hotel. At sumunod pa don ang isang model na nag padagdag ng inis n'ya. Dahil sa interview nito ay halatang dinidikit nito ang boobs sa braso ng bestfriend nya. Hindi naman sya dati naiinis sa mga ganito pero ngayon, sobrang naiinis sya!
"Wow ma'am! Ang ganda naman n'yan."
Ginawan n'ya din ng suit si Gabriel dahil ito ang magiging date nya sa birthday ni Mr. Alex. Madalas ito nag papagawa sa kanya ng mga susuotin kaya naman naging mag kaibigan sila at sa bawat event ay lagi syang iniimbitahan nito.
Nang matapos na ang ginawa n'ya ay mabilis na syang lumabas sa opisina nya. "Kayo na bahala dito ah?"
Mabilis syang lumabas sa Main botique nya at sumakay sa kanyang kotse. Mabilis nyang pinaadar ang kotse n'ya papunta sa hospital na pag mamay ari ng ama ni Gabriel. Nang maiparada ang sasakyan nya ay mabilis syang pumasok.
Ngumingiti sya sa mga nakakasalubong n'yang nurse dahil panay ang bati sa kanya ng mga ito. Sumakay sya elevator at mabilis pinress ang ikapitong malapag, kung nasan ang main office ng kanyang kaibigan. Sa pag labas nya ng elevator at ay mabilis syang pumunta sa desk. "Where's Gabriel?" she asked his secretary.
"Ay ikaw pala Mel. Nandon sa loob kasama ang model."
"Bakit ganyan muka mo?"
"Kasi naman pabalik balik dyan 'yan! Nakakainis lagi pa kong iniirapan!" natawa sya ng mahina dahil dito.
"Ako na bahala."
"Okay! Love you!"
"Love you too!"
Ganyan sya ka close sa mga tao dito sa hospital kaya naman halos lahat ay ngumingiti sa kanya hindi tulad ng kaibigan nya na lagi seryoso ang muka. Mabilis nyang binuksan ang pinto ng office at napatingin sa kanya ang dalawa.
"Hi!" masayang bati nya kay Gabriel at nakita nya ang pag kislap ng mga mata nito. Mabilis syang lumapit dito at hinalikan sa pisnge, hinawakan nito ang bewang nya at natawa sya. "Miss me? I'm so busy these past few weeks."
"Me too. Kulang pa ko sa tulog." hindi n'ya naman maiwasan maawa dito.
"Kawawa naman."
Hinila nito ang isang upuan at pinaupo sya nito. "Sa'yo daw nag pagawa si Alex Dizon?" she nodded.
"Natapos ko na. Invited tayo sa Birthday Party nya at nagawa na din kita ng suit." mabilis na sagot nya dito.
"You really know my size huh?" nangisihan nya to at tumingin sya sa model na nasa harapan nila.
"Who is she?" she asked him.
"Oh, She's Rhia, yung inoperahan ko nung last week." napatango sya dito.
"What she's doing here?" she asked again.
"I'm just inviting him for a dinner tonight para lang sa pag sasalamat."
"Thank you for what?" nakataas na kilay nyang tanong dito.
"for saving my life, right?"
"You pay him for saving your life, you dont need to invite him tonight dahil may gagawin kami. Tatlong linggo kami di nag kita at mag li leave sya ng isang linggo dahil saakin ang oras n'ya." mabilis na sabi nya dito at nakita nya ang pag kainis nito.
"Ano ka ba n'ya?!" naiinis na tanong nito.
Humarap sya kay Gabriel at tumingin ito sa kanya habang nakangiti. She kissed him on lips at mabilis nyang inikot ang kamay nya sa leeg nito. Humiwalay sya dito pero patuloy parin ang halik ni Gabriel sa pisnge nya papunta sa leeg. "Love, Answer her."
"She's my Fiance."
Padabog itong tumayo at nag dire diretso sa palabas pero patuloy parin ang pag halik sa kanya ni Gabriel sa leeg papuntang panga at pisnge. Humarap sya dito at mabilis s'ya nitong siniil ng halik at di n'ya alam ang nang yayare sakanya. Biglang uminit ang buong katawan n'ya at nararamadman nya ang panginginig ng tuhod nya.
"AY PORN!" Mabilis nyang naitulak si Gabriel at tumingin sa babaeng sumigaw. "Bestfriend ah." she just rolled her eyes. "Bakit naiinis atang lumabas 'yon?" tanong nito.
"Ano sabi ko kanina?" natawa silang pareho at nag apir pa sila.
"Cy, mag li leave ako for a week. May pupuntahan kami ni Mel na birthday party."
"Birthday party isang linggo!" pareho silang natawa ni Gabriel.
"Tatlong linggo kasi kami di nag kita, kaya babawi kami sa isa't isa." sagot nya dito. "Alam mo naman diba?"
"Oo na sige! Pag naman nalaman din ng daddy at mommy mo na mag li leave ka for her, for sure papayag 'yon! Sige umalis na kayo."
Mabilis silang tumayo ni Gabriel at tinulungan nya itong hubarin ang suot na kulang puti at hinawakan na sya nito sa bewang at sabay silang lumabas.
"Miss mo ko?" she asked.
"Sobrang miss." he chuckled.
Pumasok silang dalawa sa elevator at humarap ito sa kanya habang hawak hawak ang bewang nya. Tumaas ang kamay nya sa leeg nito at ngumiti sya dito. Hinalikan sya nito sa noo. "I miss you so much." he whispered.
"I miss you too."
Tumunog ang elevator pero hindi parin sila nag hihiwalay na dalawa. Kahit narinig nilang may pumasok ay wala silang pakielam. Bumaba ang kamay nya sa braso nito at sinubsob ang muka sa dibdib nito. "Ang bilis mo naman natapos ang mga design."
"Sanay na kasi ako. Saka madali lang ang design na pinili ng kapatid ni Alex. Kaya naman di ako nahirapan, nakagawa pa nga ako ng susuotin ko e." sagot nya dito habang nakapikit.
"Kumakain ka ba sa tamang oras?"
"Noodles lang kinakain ko o kaya nag papa deliver ako."
"Mag luluto ako mamaya. Kumain ka ng marami ah?" tinaas nya ang ulo nya at tumango dito.
"Bicol express please."
"Yes, Love." he kissed her forehead.
Umayos na silang dalawa at tumingin sila sa dalawang babaeng naka dress, malagkit ang tingin ng mga ito kay Gabriel at tinaas nya ito ng mga kilay. "Anong tingin 'yan?" mabilis na tanong nya sa dalawa.
Narinig nya ang mahinang tawa ni Gabriel sa tabi n'ya at humigpit ang hawak nito sa bewang nya. Umiwas ng tingin ang dalawang babae at bumukas na ang elevator. Mabilis silang dalawang nag lakad don at ningitian n'ya ulit ang mga bumabati sa kanya.
"Why so possessive, love?" ngumuso sya dito.
Nang makalabas sila ng hospital ay my tumawag sa kanya. "Ikaw nga!"
"Yes?" hindi nya kilala ang tumingin sa kanya pero pinilit nya parin ngumiti.
"Mel Tiangco!" mabilis n'ya itong sinamaan ng at binatukan. "Ayan naalala mo na!"
"Buset ka talagang budoy ka! Ba't nandito ka?" she asked.
"May dadalawin lang akong kaibigan." tumingin ito sa katabi nya at humigpit ang hawak ni Gabriel sa bewang nya.
"Hmmm... Buds this is Gabriel my bestfriend, and Gabriel this is buds but he's really name si Basty my childhood bestfriend." tumingin sya kay Gabriel na para bang papatay sa tingin atr ganon din ang tingin ni Buds. "Okay! Alis na kami Buds, di pa kasi kami kumakain!"
Mabilis nyang hinila si Gabriel papasok sa kotse n'ya at binatukan nya ito. "Aww! What was that!" angil agad nito.
"Bakit ganon mong tignan si Buds! Kaibigan ko 'yon!"
"But he likes you!" napailing sya dito.
"Baliw ka talaga 'e no? Kaibigan ko lang 'yon! Saka bakit naman ako magugustuhan non mortal bestfrenemy ko yon!"
"Pero yung tingin nya kanina! Alam ko 'yon!" napailing nalang sya at binigay nya ang susi ng kotse. Inistart nito ang kotse nya at nag simula na ang byahe para sa kanilang dalawa. Walang nag tangkang mag salita sa kanilang dalawa , pareho silang seryoso na nakatingin sa daan hanggang sa makarating sila sa Condo nito.
Hindi na nya hinintay na pag buksan sya nito dahil nauna na syang lumabas dito at nag tuloy tuloy papasok sa loob ng building. Mabilis naman humabol ito sa kanya sabay hawak sa kanyang bewang. Pumasok silang sabay sa elevator at wala ni isang nag salita sa kanilang dalawa.
Nang makalabas sila sa elevator akmang bibilisan nya ang pag lalakad nya ay bigla naman humigpit ang kamay nito sa bewang nya. "I'm sorry." napabuntong hininga sya.
Pumasok na silang dalawa sa loob at agad syang humiwalay dito. Hinubad nya ang suot nyang dress at binalibag nalang kung san san. "Love..."
Mabilis syang pumasok sa loob at gaya ng mga ginagawa nya ay kumuha sya ng isang boxer at sando. "Love..." humarap sya kay Gabriel na malungkot na nakatingin sa kanya. "I'm sorry."
"Kaibigan ko si Buds, kababata ko sya." madiin na sabi nya.
"Eh kasi naman yung tingin nya..."napabuntong hininga ito. "Ayoko lang na may bestfriend ka pang lalake bukod sakin." napangiti nalang sya sa sinabi nito at mabilis syang lumapit dito.
"Seselos ka lang pala e." natatawang sabi. "Kiss na kita."
Mabilis nyang hinalikan ito sa pisnge. "...AHHH! PUT ME DOWN!" mabilis sya nitong binagsak sa kama at pinatungan sya. "OH MY GOD! GABR HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!GABR--HAHAHA damn!" Mabilis nya itong sinabi habang hingal na hingal sa kakatawa. "Stop tickling me!"| sigaw nya dito.
Lumapit ulit sa kanya ito at hinalikan sya sa noo. Humiga sila pareho sa kama at humarap sya dito. Bumaba ang kamay nito sa bewang n'ya at sya naman ay pinatong ang binti nya sa bewang nito. Sinubsob nya ang muka nya sa dibdib nito.
"Ako lang bestfriend mo ah?" tinaas nya ang ulo nya at tumango dito.
"Ikaw lang at wala ng iba." nakangiting sabi nya.
Humiwalay ito sa kanya. Ang kaninang binti nya ang nakapatong sa bewang nito ngayon ang binti na nito nakapatong sa hita nya. Sinubsob pa nito ang muka sa leeg nya at ang kamay naman nito ay hindi naalis sa bewang nya. "Can we sleep first before we eat?"
"Okay, Sleep love." she whispered.
"Sing please."
"Loving can hurt, loving can hurt sometimes. But it's the only thing that I know..When it gets hard, you know it can get hard sometimes.It is the only thing that makes us feel alive ..."
Humigpit ang hawak nito sa bewang nya at pinag patuloy n'ya lang ang pag kanta. "We keep this love in a photograph, We made these memories for ourselves. Where our eyes are never closing. Hearts are never broken. And time's forever frozen still ..
Naramdaman nya ang pag lalim ng hininga nito at unti unti na din sya nakaramdam ng antok. Pinikit na nya ang kanyang mga mata hanggang sa tangayin na sya ng antok.
Nagising nalang sya na wala na si Gab sa tabi n'ya. Mabilis n'yang kinusot ang kanyang mga mata at mabilis umupo. Humikab pa s'ya at saka tumayo. Mabilis syang lumabas sa kwarto at pumunta ng kusina, nakita nya si Gabriel na nag luluto habang suot lamang ay isang boxer at kulang blue na apron.
"Matagal pa ba 'yan?" napatingin ito sa kanya.
"Malapit na, Love." mabilis itong lumapit sa kanya upang bigyan ng halik sa noo. "Manood ka muna sa sala." umiling sya dito.
"Manonood nalang ako, saka malapit na diba?"
Pinag hila sya nito ng upuan at saka syang umupo doon. Humalik ulit ito sa noo nya at saka bumalik sa niluluto nito. Amoy na amoy nya ang bicol express. She's craving right now at gusto na nyang kumain ng marami.
Biglang tumunog ang cellphone nito na nasa mesa at agad nyang kinuha 'yon. "Unknown number." she said.
"Kanina pa 'yan. Pero di ko sinasagot." napatingin sya kay Gabriel.
Mabilis syang sinagot ang tawag. "Hello." she smirked.
Tinakpan nya ang speaker ng cellphone. "Love, love ano name nong Model? Rhea ba?"
"Rhia." mabilis syang tumango dito.
"Hi Rhia? Ano kailangan mo sa fiance ko?" malambing na sabi n'ya dito. "At san mo nakuha ang number nito?"
"Nandyan ba sya?"
"Yeah. He's cooking right now. Pagod kasi kaming dalawa, alam mo na."
"Well, tatanungin ko lang sana sya kung pwede ba sya sumama sakin sa birthday party ni Alex Dizon."
"Actually kami na mag kasama. Sorry." may halong lungkot na sabi nya.
Bigla naman namatay ang tawag sa kabilang linya at napailing nalang sya. "Pano non nakuha ang number mo?" she asked.
"I dont know."
"Yung totoo?" tumingin ito sa kanya.
"Hindi ko talaga alam. You can block her, Love." she rolled her eyes at 'yon nga ang ginawa nya dito. "Let's eat!"
Mabilis nitong inayos ang pag kain sa mesa nila. "Hmmm. Sarap." binigyan sya nito ng kutsara at sinimulan na nyang tikamn. "Sarap!"
"Really?" napatango sya dito.
"Walang kupas ang iyong kagalingan, labs! Dahil dyan pakiss ako!"
Mabilis itong yumuko at binigyan n'ya ito ng halik sa labi. Ginulo pa nito ang buhok nya bago umupo sa tabi nya at pag sandok sya ng kanin.
Sya ulit ang nag hugas ng pinag kanan nila. At tulad ng nang yayare sa kanila ay naabutan n'ya ito sa sofa at mabilis na kumandong dito. Pinalibot nito ang kamay sa bewang nya at hinalikan sya sa pisnge. "Nabusog ka ba?"
"Muntik ko na nga maubos ang kanin sa rice cooker e!" natatawang sabi nya. "Baka tumaba na ko!"
"Maganda ka parin naman kahit mataba ka." ngumuso sya dito. "At ikaw parin ang pinaka sexy sa lahat!" sumagad ang ngiti nya dito at mabilis nya itong hinalikan sa pisnge.
"Anong oras na ba?" she asked him.
"It's six pm."
"Tara kela mame? Tatlong linggo ako di nag pakita don dahil sa sobrang busy ko."
"Al'right!"
Mabilis sya nitong binuhat papasok sa kwarto at dumiretso sila papasok sa Cr. "Mauna ka na. Don na ko sa Cr ng kusina maliligo."
"Sigeee!"
~