"I'm home!" Mabilis n'yang binaba ang anak nya sa crib na binili nila para sa sala para salubungin ang kanyang asawa na kagagaling lang sa opsina. "Love!" Masaya nya itong hinalikan sa labi at niyakap naman s'ya nito ng mahigpit. "Wala na agad pagod ko." natawa sya ng mahina dito. "Asan ang gwapo at maganda kong anak?" Bawat araw na umuuwi ito ay laging nakangiti. Sasalubong ng halik at sunod ang kanyang anak. Binalik na nya dito ang cellphone nito. Nang una nagulat pa ito at naiyak sa kanya. Parang batang binalikan ang laruan. "I trust you again." Yon lang ang sinabi nya pero humagulgol to. Tatlong buwan na simula nilang ipanganak ang anak nya. Nakaaran na ang christening at malapit na ang anniversary nilang dalawa. December 25. Niluwagan nya ang neck tie nito at binuksan ang biton