"Kailangan ba talaga nandito kayong lahat?" Yamot na sabi ng asawa nya habang nakatingin kay Ayana at Kyla. Hinawakan nya ang tiyan n'ya. Kabuwanan na n'ya, lalabas na ang baby nila. Hindi na sya makapag hintay. "Bakit? Baka nga mahimatay ka, pag nanganak ang kaibigan namin." sagot ni Kyla dito. "Kung nakita mong mahimatay si Rj, baka matawa ka." she added. "Doctor ako, kaya sanay na ko." seryosong sagot nito. "Miski doctor ka. Kung ang asawa mo ang nandon? Matataranta ka." sabat naman ni Ayana. "Mag si uwian nalang kayo. Sila Mame at Mommy nalang ang papupuntahin ko dito." "Love, ayos lang. Wag mo na sila istorbohin." sabat nya. Mabilis itong yumuko sa harapan nya. Sobrang bigat ng katawan nya at hindi sya maka tayo mabuti. Sobrang laki ng tiyan nya ng hindi nya malaman ng dahilan