"Oh! Nandito na pala ang kaibigan nating torpe e!"
Mabilis nyang tinaas ang gitnang daliri nya sa mga kaibigan nya. Tumabi s'ya kay Lyricko at kumuha ng inumin. "Seriously, Bro? Mahirap ba umamin?" natatawang tanong sa kanya si Rj.
"Gago! Mahirap talaga lalo na't may pinag samahan kayo. Malay mo hindi pala pareho ang nararamdaman nyo." naiiling na sagot nya sa mga ito.
"Oh pano pag pareho pala?"
"Gago! Ba't ba ako ang pinag uusapan nyo?" natatawang tanong n'ya. "Sabi nyo bonding natin 'to?" pag iiba nyang topic.
"Gusto kasi ng asawa ko na mag karoon ng Christmas party, tayo tayo lang daw kasama nag mga bata." Si David
"Hindi papayagan si Love 'dyan. Lagi kasi inaasar ng mga asawa nyo." naiiling na sabi nya. "Saka malayo pa naman, for sure sila na mag sasabi kay Love." sagot nya sa mga ito.
"Narinig ko kay Kyla na tabi daw kayo natutulog ni Mel, kahit saan daw. Wala bang nang yayare sa inyo?" agad syangg napatingin kay Rj dahil don.
"Seriously, Bro? Kami ba ni Mel ang pinag uusapan n'yo lagi?" naiiling nyang tanong sa mga ito.
Nag tawanan naman ang mga ito miski si Lyricko ay natawa na din sa tabi nya. "My sweetheart is asking me that question. Kayo daw ba? O hindi." sabi pa ni Lyricko.
"Hayyy! Sana nga madali lang ang lahat. Kaso mag hihintay pa ko ng dalawang taon bago kami maikasal." napabuga ang mga ito ng iniinom dahil sa sinabi nya.
"WHAT THE f**k!"
"THE HELL!"
"SYAM NA TAONG TIGANG!" mabilis nyang binato ng mani si David dahil sa lumabas sa bibig nito.
"Pero may plano kami nila Mame at hindi ko alam kung gagana. Pero pabor din sakin ang planong yon." napabuntong hininga sya dahil sa pinag usapan nila kahapon lang.
"Mag papanggap akong may sakit tapos iiyak ako sa harapan ng anak ko. Sasabihin ko na gusto ko na syang ikasal habang nabubuhay pa ko sa mundong ito." naiiling sya sa sinabi ng Dade ni Mel.
"Oo nga! I'm sure makakasal na kayo. Saka anak, pitong taon ka ng tigang!" napanguso sya dahil sa sinabi ng Mommy nya.
"Mas gusto ko ang planong 'yan. Gustong gusto ko ng maikasal ang anak ko sa'yo, Gabriel! Sa'yo lang ako may tiwala."sabi pa ni Mame.
"Ako din, sa anak mo lang din akong may tiwala. Marunong sa lahat at kaya ihandle ang ugali ng anak ko."sagot ng Mommy nya.
"Mame, Dade, Mommy At Daddy. Diba parang unfair naman kay Love 'to?"
"Para din 'to sa inyong dalawa!" sabay sagot ng Mame at Mommy nya.
"At ako na bahala sa anak ko. At alam kong hindi n'ya to pag sisisihan."
Napangiti sya dahil sa sinabi ni Dade ni Mel. He's right, when Mel falling inlove with him ay maiintindihan ni Mel ang lahat. Magiging masaya pa sila pareho sa piling ng isa't isa. At mas lalong may karapatan na s'ya dito at bawal na ito makipag date sa iba.
"Deal!"
"Pabor naman pala sayo bakit hindi mo subukan?" si Lyricko.
"Gagawin nga namin ang plano, after ng party bukas. Hinding hindi na sya sakin makakawala at hindi na sya ma oop sa mga asawa nyo." nakangiting sabi nya. "So, Aalis na ko. Walang kasama si Love sa Condo ko. Ayaw non na umiinom ako."
"Under."
"Nag salita ang hindi." natatawang sabi nya kay David. "Pakantahin mo ulit si Ayana."
"f**k you."
Mabilis na syang lumabas sa tambayan na tinayo nila para sa kanila at mabilis na sumakay sa kotse. Mabilis nyang pinaandar ang kotse n'ya papunta sa isang bahay na matagal na nyang pinatayo. Ito ang bahay na nakita nya sa drawing ni Mel, isang malaking bagay na may isang square pool, may garden sa tapat na bintana at may fountain. Gaya ng nakita nya sa drawing ay pinagawa nya ito three years ago at si Rj ang naging Engineer dito. Huminga sya ng malalim at pumasok sa loob at dumiretso sa Garden.
Puro rose ito, white and Red kaya ng nakita nya sa kulay na sa drawing.
"Love, ako tutupad ng lahat ng pangarap mo." he whispered. "Hinding hindi kita iiwan."
Ilang minuto sya tumambay don at saka lumabas ang isang taong pinag kakatiwalaan nya. "Sir, nandito pala kayo."
"Kamusta ang bahay ko?" he asked.
"Bahay parin sir. At tulad ng sabi nyo, dalawang beses sa isang linggo ang pag papalinis at araw araw ko pong dinidilagan ang halaman n'yo."
"Maraming salamat."
Mabilis nyang inabutan ito ng pera."Ay! Sir, wag na po. Sobra sobra na po ang tulong na ginawa nyo. Pinag aaral nyo po ang dalawa kong anak sa isang private school kahit hindi katalinuhan tapos binigyan nyo po ako ng bahay at sinuswelduhan nyo papo ako ng labing limang libo sa isang buwan. Tapos hindi naman po mabigat ang trabaho ko, pero binibigyan nyo papo ako ng pera. Kayo na din nga po nag ayos ng Bill ng akin asawa sa hospital." natawa sya ng mahina dahil sa haba ng sinabi nito.
"Tanggapin nyo na po. Saka kayo lang po pinag kakatiwalaan ko at wag kayo mag aalala malapit na po kami tumira dito ni Love."
"Sige sir. Marami pong salamat."
"Alis na po ako." paalam nya dito.
Saktong pag labas nya ng bahay ay tumunog ang cellphone nya, nakita nya ang picture nila ni Mel na naka make face. Mabilis nyang sinagot ang tawag nito.
"Where are you Gabriel Parker?!" natawa sya ng mahina dahil sa sigaw nito.
"Pauwi na ko." sagot nya dito.
"Pauwi! Nag text ako kela Rj kanina ka pa daw umalis sa tambayan nila! Asan ka!???!!!?" natawa sya lalo dahil sa boses nito.
"May dinaanan lang. Pauwi na ko, pasakay na ko sa kotse." Mabilis syang sumakay sa kotse at inistart ito. "Eto tumutunog na."
"Oh mag drive ka na!"
Niloud speaker nya ang kanyang cellphone at nilagay sa dashboard. "Eto na po umaandar na. DUmaan na ko sa 7'11, may mga store papo ako nadaaanan."
"Wait ah! Wag mong papatayin kundi ikaw ang patay sakin pag dating mo dito!" natawa lang sya dito at mas binilisan nya ang pag drive.
Mabilis lang sya nakarating sa Condo dahil hindi naman kalayuan ang bahay nila sa Condo nya. Kinuha nya ang cellphone nya at nilagay nya sa tenga, nag lakad sya papasok sa building pero agad may humarap sa kanya. "Andito na ko sa Building, Love."
"Pababa na ko." nanlaki ang mata nya.
"Hi Doc!"
"Who's that?!"
"H-Huh?"
"Damn! Wag kang aalis d'yan!" nailing nalang sya dito.
Pero hindi nya itinatanggi na gusto nya ang ginagawa nito sa kanya. SHe's so possessive and he likes that. Ganon din naman sya dito at hinahayaan lang nito ang ginagawa nya dito.
"Who are you?" malamig na tanong nya sa babaeng nasa harapan nya.
"It's me, Rhia? Hindi mo ba naalala?" mabilis syang umiling dito.
"Excuse me, my fiance wait---"
"Oh wait. Let's go out. Hindi naman malalaman ng fiance mo." humawak pa ito sa braso nya at dahan dahan na hinahaplos. "Gagawin ko lahat ng gusto mo."
Hindi man sya nakaramdam ng libog sa bawat haplos nito sa kanya. Kaba ang kanyang nararamdaman dahil natatakot sya na baka abutan sila ni Mel. Lumayo sya dito ng kaunti. "No thanks. Sapat na sakin ang Fiance ko." he said.
Mabilis itong lumapit sa kanya at nag panggap ng natapilok. Kumapit ito sa kanya. "GABRIEL PARKER!" Mabilis nyang tinulak si Rhia dahil sa lakas ng boses ni Mel.
Ilang beses syang napalunok ng makita nyang nanlilisik ang mata nito sa galit. Lumapit ito sa kanya at inispray sa kanya ang alcohol na hawak nito at humarap sa babae. "Oh! It's you!" she's sarcastically said.
"Oh, it's me." nakangiting sabi nito.
"Love, let's g--"
"NO!" napakamot sya ng ulo at mabilis nyang hinubad ang jacket na suot nya upang isuot dito. Suot lang nito ay isang boxer at sando nya, buti nalang ay may bra.
"Hindi mo ba kayang lumayo sa taong tali na?" naiinis na sabi ni Mel dito na kinangiti.
Eto ang gusto n'ya, ang laging nagagalit sa kanya si Mel dahil may kasama syang ibang babae. Pero minsa pinag bibigyan sya nito, pero ngayon parang iba e.
"Tali na? Fiance? Really? Where's your ring?" tumingin sa kanya si Mel at sinamaan ng tingin.
Mabilis nyang nilabas ang sing sing sa isang box na lagi nyang dala at nanginginig syang binuksan yun. Nanlaki ang mata nito dahil don. Unti unti syang lumuhod sa harapan nito. "Will you marry me?" pinandilatan sya nito pero isang matamis na ngiti ang binigay nya.
"Ofcourse, Yes!"
Narinig nya ang palakpakan ng mga tao at sinuot nya dito ang sing sing na matagal na nyang binili. Hinalikan n'ya ito sa labi at mabilis naman itong gumanti. "I love you." he sincerely said.
"I-I love you too."
~
Napakagat sya ng ilalim ng labi dahil hindi mawala sa isip nya ang nang yare sa kanila. Damn it! He proposed and she said yes! Sobrang bilis ng t***k ng puso n'ya at hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa 'yon. Buti nalang ay nakaka akto sya ng normal sa harapan nito, hindi din nito binawi ang sing sing na sinuot kanina. Hindi n'ya magawang mag tanong nito kung bakit may engagement ring itong hawak.
Pero biglang may naramdaman syang sakit sa dibdib nya dahil sa pumapasok sa isip nya. Iniisip nya na kaya may dala itong singsing dahil may balak ito mag propose sa isang babae na mahal nito. Hindi na ito nag kwento tungkol sa babaeng mahal nito. Kung dati na eexcite sya sa tuwing nag kwe kwento ito pero ngayon parang may inis at sakit sya nararamdaman.
Huminga sya ng malalim at mas lalo nyang sinubsob ang muka nya sa dibdib nito.
Ngayon lang bumilis ang t***k ng puso n'ya ng ganon at ngayon lang sya nasaktan ng dahil kay Gabriel. She just closed her eyes and let herself to sleep.
Nagising ulit sya dahil sa halik sa leeg nya papunta sa panga nya. Unti unti nyang dinilat ang mata nya at bumungad sa kanya ang gwapong muka ni Gabriel
Wait, Gwapo? Bakit sobrang gwapo naman ata nito ngayong umaga.
Biglang nag init ang pisnge nya ng ngumiti ito sa kanya ng matamis. Mabilis nya itong natulak at umupo ng maayos. Hindi n'ya maintindihan ang sarili n'ya. Bumilis nanaman ang t***k ng puso n'ya at mabilis syang pumasok sa Cr at nicheck ang kanyang muka,
Damn it!
Ano ba nang yayare sakin? Bakit ko chinecheck ang muka ko?
"Are you okay, Love?"
Ayan nanaman ang mabilis na t***k ng puso s'ya. Mabilis syang lumabas at di nya maiwasan yumakap dito. "What's wrong? May masakit ba sayo?" umiling sya dito at inupo sya nito sa kama.
"Hindi ko naiitindihan ang sarili ko."malungkot na sabi nya. "Cardiologist ka diba? Mabilis t***k ng puso ko simula kagabi. Hindi ko maintindihan." bahagya ito natigilan sa sinabi nya.
"M-Mabilis t***k ng puso mo?" mabilis syang tumango.
"May sakit na ba ako sa puso?" she asked.
Nakita nya ang pag kislap ng mga mata nito. "Simula ba 'yan ng lumuhod ako sa harapan mo?" mabilis ulit syang tumango. "That's normal love." kumunot ang noo nya.
"Normal?"
"Yeah. Normal."
"Okay! GoodMorning Love!" mabilis nya itong hinalikan sa labi.
"GoodMorning too, Love!"
"Nag luto ka na ba?" she asked.
"Yeah, Pancake for breakfast at dinala na din ng mga empleyado mo ang dalawang box. Isang fitted long gown at isang two piece suit."
"That's for you and for me."
"Yeah, i know. Let's eat na."
Pero bago syang bumaba ng kama ay inayos ni Gabriel ang kanyang buhok. Pinusod nito ang kanyang buhok at saka syang nito binuhat.Lumaba sila kwarto at ang dire diretso sila sa kusina. Maingat sya nito binaba sa upuan at hinalikan noo. Lalong lumakas ang t***k ng puso n'ya sa ginawa nito.
Bakit pakiramdam n'ya nabuhay ang lahat sa buong katawan. Lahat ng naka date nya ay hindi nagawang patibukin ang puso n'ya. Ano ba 'to? She needs to talk her friends, damn it!
"What's wrong?" mabilis syang napatingin kay Gabriel na nakataas na pala ang kutsara para subuan sya. Tumingin sya sa mga mata nito at nandon nanaman ang kislap at saya, lalo pang bumilis ang t***k ng puso nya dahil sa paraan ng pag titig nito.
Bakit naiilang sya?
Hindi naman sya ganito ah?
"B-Bakit meron kang sing sing?"
Damn it! She's stuttering!
Kahit kailan hindi sya nauutal sa harapan na 'to pwera nalang kung may nagawa syang kasalanan.
Ano ba nang yayare sakin?
"Para sa'yo 'yan." nanlaki ang mata nya at tumingin sa singsing. "Para pag lumagpas ka na ng kalendaryo, kasal na agad. Wala ng propose propose."
Biglang sumabog ang nasa loob ng dibdib nya at mabilis n'yang pinaypayan ang sarili nya. Umiwas sya dito ng tingin at nilikot n'ya ang kanyang mga mata. Bakit sobrang sarap naman ata pakinggan ang mga salitang 'yon lalo na't galing sa kanya.
Bakit parang gusto nyang bumilis ang oras para lumagpas na sya ng kalendaryo.
Bakit?
"Pakiramdam ko talaga may sakit na ko sa puso. Doc, pa check up na."
Tinawanan lang sya nito ng malakas at mabilis nyang inagaw ang kutsara dito at sinubo ang pancake. Hindi n'ya parin to tinitignan hanggang ito na mismo ang humawak sa baba nya para mapatingin dito.
"Wala kang sakit, Love." matamis na sabi nito.
~