By: Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
***
“Naranasan mo na bang makipag-sex sa kapwa lalaki?” ang tanong ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan sa University team, si Andrew, isang hapon na nagpahangin kami sa isang resto bar na nasa harap lamang ng dagat.
“What???” ang reaksyon ko sa kanyang tanong, muntik nang maisuka ang nainum na beer. “Tama ba ang narinig ko?”
“Tama tol… sex sa kapwa lalaki.”
“Tangina. At bakit ko naman gugustuhing makipagsex sa kapwa lalaki?”
“I-try mo lang tol… hindi mo malilimutan ang experience. Ibang klase.”
Napatitig ako sa kanya. Iyong titig na hinalukay ang kalaliman ng kanyang utak.
“What???” ang tanong niyang nalito sa pagtitig ko.
“Are you gay?” ang tanong ko.
“Of course not bro… Kung gay ako, yayayain na kitang mag-sex. Hindi naman eh.”
“E bakit ka pumatol?”
“Bakit, kung naranasan ko bang magsugal at nagustuhan ko iyon, sugarol na ba ako? Kung naranasan ko bang mag-marijuana, adik na ba ako? It was just meant to be fun bro. Iyon bang feeling na alam mong may isang lugar na ayaw puntahan ng marami ngunit dahil gusto mong makita ito sa mismong sariling mga mata kung ano ang meron, pupuntahan mo at tingnan kung bakit ano ang mayroon dito.”
Hindi kaagad ako nakasagot. Tama nga naman siya. Karamihan ng mga tao ay sarado ang isip sa mga bagay-bagay. Kahit hindi pa nila nakikita kung ano ang mayroon sa kabilang bakuran, hinuhusgahan kaagad nila na masama ang mga taong nakatira rito.
“Atsaka bro… walang mawawala kapag nag-ieksperimento ka o mag-experience. On the contrary, mas lalawak pa ang pag-iisip mo. Mas maintindihan mo ang bagay-bagay. Why not try? Kahit trip lang.”
Napangiti naman ako sa ginamit niyang salita. Napailing-iling. “Trip…” bulong ko.
“O… kumbinsido kang hindi ako gay?”
“Oo na… wala na akong sinabi. Pero bakit mo naman nagustuhan ang trip na iyan?” pag emphasize ko pa sa salitang “Trip”.
“Kakaibang experience lang siya bro… at hinding-hindi mo malilimutan kapag natikman mo, promise.”
“Tangina! At sino naman ang naka-sex mo?” ang tangka kong paghuli sa kung sino man ang nakaniig niya.
Tumawa siya ng malakas. “Secret na iyan…”
“Kilala ko ano?”
“Hmmmmm--”
“That means yes,” ang pag-cut ko sa sagot niya.
Tumawa uli siya. “Hindi siguro…”
“At paano naman nangyari na napunta kayo sa sex?”
“Pinsan iyon ng kababata kong kaibigan, galing probinsya. Binisita nila ako sa bahay. Nagkataong ako lang mag-isa at niyaya ko silang mag-inuman. At nanood na rin ng bold. Habang nasa ganoon kaming panonood, bigla namang nagring ang cp ng kaibigan ko. May emergency daw sa kanilang bahay. Inatake sa puso ang katulong nila at siya ang napag-utusang magmaneho ng sasakyan. Umuwi siya ngunit iniwan sa akin ang pinsan na nasa kasarapan ng pag-iinum. Nalasing na ako at siya rin noong nag-init ang katawan ko sa pinapanood naming bold. Naisipan kong magparaos. Nagpaalam naman ako sa kanya. Napangiti lang siya. Ngunit noong nilalaro ko na ang sarili ko, napansin kong tingin ng tingin siya sa ari ko. At ewan ko rin ba, marahil ay dala ng kalibugan, ang nasambit ko sa kanya ay ‘gusto mo?’ na ang ibig kong sabihin ay laruin niya iyon. At laking gulat ko noong lumapit ba naman at nilaro iyon sa kamay niya. Hanggang sa idiniin ko na ang kanyang mukha sa aking pagkalalaki at doon na nangyari ang hindi inaasahan…”
“Iyon lang?”
“Syempre, humantong kami sa mas masarap pa na parte.” Sabay tawa.
“Ikaw ang tinira sa puwet?”
Lalo pa siyang tumawa ng malakas. “Sikreto na namin iyon.”
“Ah… I’ll take that as a yes” biro ko.
“Tarantado!”
“Bitin naman e…”
“O di ba pati ikaw ay nalibugan din?”
“Hahahaha!” tumawa lang ako. “Ibang topic na lang bro. Medyo nawi-weirduhan na ako sa iyo” ang nasambit ko na lang bagamat sa totoo lang, ramdam kong may nag-init sa aking katawan sa kanyang kuwento. At ang topic na iyon ang tumatak sa aking isip.
Isang araw nilagnat ako. Hindi ako sumali sa praktis ng team bagamat pumunta pa rin ako sa stadium upang manood sa praktis ng mga teammates. May pinaghandaan kasi kaming laro laban sa aming sister university. At dahil kami ang reigning champion, bigay-todo ang pagpaparaktis ng team namin.
Nakaupo lang ako sa isang parte ng stadium sa upaun ng mga audience, malayo-layo sa mga nagpraktis na kasama upang hindi nila mapansin. May mga nanonood ring mga estudyante. Kahit naman kasi kailan kapag nagpapraktis kami, marami pa ring gustong manood; mga taga-hanga, taga-suporta, mga kaibigan, o mga babaeng may mga crush na players.
Tumayo ako sandali upang bumili ng pop-corn sa canteen. Noong naglalakad na akong pabalik sa upuan, bigla naman akong natisod. Natapon ang aking popcorn at softdrinks.
“Shittttttt!!!! Kung saan-saan kasi nakatingin eh! Tangina!” Ang narinig kong galit na boses ng isang lalaking estudyanteng nanood.
Noong nilingon ko ang kinauupuan niya, parang gusto kong tumawa. Nagkalat ang popcorn sa kanyang buhok, t-shirt at ang kanyang pantalon na kulay puti pa naman, ay nabasa sa softdrink na natapon. “Sorry bro! Sorry talaga…!” ang sambit ko, hindi malaman kung tulungan siyang linisin ang sarili o idampi ang tissue sa hita niya upang matanggal ang pagkabasa nito. “Heto tissue bro…” ang nasabi ko na lang sabay abot sa tissue na kasama sa aking biniling pop-corn.
Tinanggap naman niya ang aking tissue. At habang nilinis niya ang kanyang sarili, nakonsyensya naman ako at ang tanging nagawa ko na lang ay ang maupo sa kanyang tabi.
Tumayo siya. Hindi ko alam kung saan patungo. Ngunit nanatili na lamang ako sa upuang iyon, at itinuloy ang panonood sa mga kasamahang nagpractice habang nginunguya ang natirang pop-corn.
Nang bumalik ang nasabing estudyante, sa silyang iyon pa rin siya umupo. Sa CR lang pala siya nagpunta upang maglinis. Nginititan ko siya. Sinuklian niya ako ng simangot.
Iyon lang. Wala na kaming imikan bagamat napansin kong tutok na tutok siya sa panonood sa mga nagpa-praktis. Iyon bang parang aliw na aliw sa laro.
Alam ko, bagong mukha lang siya sa campus. Sa palagay ko ay isa siyang transferee. In fairness din, maganda ang porma ng mama. Bakat ang malalaking biceps sa sleeves ng kanyang t-shirt at halata ang matipuno niyang dibdib. Napahanga ako sa porma niya. Bagamat nasa 5’8 lang ang kanyang height, proportioned naman ang hubog ng katawan.
Tuloy nanumbalik sa aking isip ang palaging nauudlot na planong magji-gym. Halos perpekto na sana kasi ang aking porma. May tangkad na 6’3, at sa paglalaro ng basketball, ok naman ang katawan ko. May malalaking hita, ngunit kulang sa porma ang aking dibdib, abs, at biceps. At hindi nakukuha ang magandang porma ng mga ito sa paglalaro lamang ng basketball. Kailangan talaga ay mag-gym.
Gusto ko sanang tanungin siya kung paano niya napaganda ang katawan niya; kung saan siya nagji-gym, at kung anong mga exercises ang ginagawa niya, mga tips kumbaga sa pagpapaganda ng katawan. Ngunit dinaig ako ng hiya. Ikaw ba naman ang simangutan…
Natapos ang panonood naming ng praktis na wala kaming imikan. Hindi ko na lang siya pinansin. Pero at least, sa sarili ko lang, naiparating ko ang taos-pusong paghingi ng sorry. Siguro naman, sapat na iyon na alam niyang hindi ako ganyan ka-suplado. Kahit nakasimangot siya sa akin, naintindihan ko ito, hindi ko siya pinatulan.
Ilang araw na lang iyon bago ang nakatakdang laro, medyo magaling na ang aking pakiramdam. Ngunit hindi pa rin muna ako nagpraktis. Ganoon pa rin ang ginawa ko, nanood sa mga kasamahang nagpraktis. Ayaw ko kasing mabinat at sa araw pa naman ng laro. Kaya ipinagpasya ng coach namin na huwag muna akong sasabak sa practice.
Nasa ganoon akong pagmamasid noong napalingon ako sa isang parte ng stadium. Naroon na naman si pop-corn boy, at seryosong nanood sa practice. Napangiti na lang ako, naalala ko ang hitsura niya nang aksidenteng nasabuyan ko siya ng pop-corn at softdrinks.
Para naman akong na-excite na nakita ko uli siya roon. Para bang may isang puwersa sa aking isip na nagsabing kaibiganin siya, bumawi sa kapalpakang ginawa ko sa kanya. Kaya ang ginawa ko ay bumili uli ng pop-corn ngunit sa pagkakataong iyon ay dalawa na ang binili ko at dalawang softdrinks din. Sinadya ko talagang dumaan sa harap niya at pabirong hinarangan siya sa kanyang panonood.
Nnag napansin niya ang matagal akong pagharang, tumingala siya at tinitigan ako, iyong titig na may bahid na pagkapikon.
Nginitian ko siya sabay sabing, “Bro, di ko na talaga itatapon ito…” at inabot sa kanya ang softdrink at ang isang balot ng popcorn. “Gusto ko namang bumawi sa iyo ngayon.”
At doon ay biglang napalitan ng ngiti ang kanyang pagsimangot kasabay sa pagtanggap niya sa inabot kong pagkain. “Salamat bro. Nag-abala ka pa talaga,” ang sambit niya.
“Oo naman. Guilty ako sa nangyari kaya heto, babawi ako.” Sambit ko at umupo sa katabing bakanteng upuan, inilatag ang dalang soft drink sa sementong sahig. “Erick!” ang sabi ko, nanatiling nakaangat ang kamay, pahiwatig na gusto kong makikipagkamay sa kanya.
Inayos niya muna ang paglagay ng softdrink at pop-corn sa harap niya at tinaggap ang aking kamay. “Edward!” sambit din niya.
Iyon ang simula ng aming pag-uusap. Napag-alaman kong kaya pala maganda ang katawan niya ay dahil gym instructor pala talaga siya. At hindi lang iyan ang kanyang pinakaabalahan; black belter din siya sa karate at paminsan-minsan ay nagi-instructor din bagamat ang priority niya ay ang pagtuturo talaga sa gym ng mga gustong magpaganda ng katawan.
Parang sa isang iglap lang ay naging close din kami kaagad.
“Transferee ka dito, Edward, ano? Ngayon lang kasi kita nakita eh.”
“Oo… May bago kasing tayo na branch ang gym namin dito at ako ang na-assign na mag-manage. Kaya naisipan kong dito na rin lilipat ng pag-aaral.”
“Ah ganoon ba? Saan naman ang branch ninyo? Makapag work-out nga doon.”
“Malapit lang dito sa university mismo. Walking distance lang. Marami na ngang mga estudyante ditong member sa club namin eh.”
“Wow. Isang beses pupunta ako doon ha? Gusto kong magpaganda na rin ng katawan.”
“You’re welcome. Ako mismo ang mag-assist sa iyo kapag nagpunta ka roon.”
“Ah good! Siguro naman, matuloy na ang pinangarap kong ganyang klaseng katawan” sabay tampal sa kanyang abs.”
Natawa siya. “That’s good. Sa kagaya mong matangkad, mas ma-enhance pa ang pang-akit mo kapag proportioned at may porma ang katawan mo.” Tiningnan niya ang aking biceps at sabay tampal din sa aking dibdib, “Gagawin natin iyan!”
Ngumiti lang ako. “Mukhang mahilig ka ata sa basketball?” ang paglihis ko sa usapan.
“Oo. At hindi lang mahilig. Ilang beses na rin akong narehabilitate sa sobrang pagka-adik nito. Pero heto pa rin, hindi maaawat, lalong lumala pa ata…” Sabay bitiw na malakas na tawa. At baling sa akin, “Ikaw hindi ka ba naglalaro ng basketball? Ang tangkad mo kasi!”
“Ah… naglalaro rin naman. Pero hindi kasing galing ng mga iyan”, sabay turo ko sa mga teammates na naglalaro. Pa-humble effect ba.
“Ako… kung ganyan lang sana ako kagaling, siguro happy na ako. At lalo pa kung ganyang kasing tangkad mo ako!”
“Praktis lang iyan bro…” sagot ko.
“Oo.. pero kulang sa height eh.”
“Wala sa height iyan. Kapag maliksi ka, mataas tumalon, kaya mo iyan. Andami naman d’yang di katangkaran ngunit magaling maglaro…”
“Sabagay. Pero kahit love ko ang basketball, hindi rin yata ako love ng laro na iyan. Hanggang sa paghanga na lang ako. How I wish na sana ay maging bahagi man lang ako sa isang laro. Kahit taga-buhat ng mga tuwalya ng players lang, o waterboy… Pero lalo na kung ako pa talaga ang maglalaro, o kahit iyong magbigay ng ceremonial toss man lang.” Sabay tawa.
“Mukhang matindi na ang pagkadesperado mo sa basketball bro…”
“Oo. Kahit nga kapag nakakakita ako ng mga players na sobrang magaling maglaro, pakiramdam ko nababakla ako eh. Kung pwede nga lang manligaw ng basketball player, siguro ginawa ko na ito sa sobrang pagkadesperado ko.”
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Parang may kung anong sa demonyong sumapi sa aking utak. Sumagi kasi sa isip ko ang sinabi sa akin ng kaibigang si Andrew tungkol sa karanasan niya sa kapwa lalaki. Parang may kaunting excitement din akong nadama. At naisip ko na lang na sakyan ko si Edward sa kanyang pagka-desperado. Iyon bang loko lang, igo-good time. Kaya ang isinagot ko ay, “E kung nagkataong basketball player pala ako, at magaling, e di puwede akong magpaligaw sa iyo?”
Na bigla namang ikinaaliw ni Edward. Tumawa pa ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay sambit ng, “Why not? May hitsura ka naman bro…”
At doon na ako tumawa ng malakas. Napatingin na rin ako sa kanya. Iyong tingin na inosyoso ang kanyang porma. Tisoy din kasi ang kumag. May dimples, singkit ang mga mata, pantay ang mga ngipin. Kung nagkataong babae nga lang din siya, sigurado, niligawan ko na.
(Itutuloy)