One.

2408 Words
#StaryThanksreading Hi Debeez! How are you? i hope you guys are okay. Anyway.. I would like to thank you guys for reading my stories and supporting me. I sm really happy to know that there is someone reading my works, i thought, wala. I am super happy to know that my stories are existing in someone's mind. I love you so much, Debeez! One. This story contains R+18. W A R N I N G! read at your own risk. Lahat ng parte ng librong ito ay hindi maaaring ipamahagi nang walang pahintulot ng may akda. Pangalan, pangyayari at ng kung ano pa man sa kwentong ito ay imahinasyon lang. Kung may pagkaktulad ito sa totoong oangyayari at tao, ito ay nag kataon lamang at hindi sinasadya. Date started: 09/24/21 $$$$$ Bobo "Kung maaari lamang po ay kayo ay pumila ng maayos, huwag pong mag tulakan." wika ng boses sa speaker. Narito ako ngayon sa loob ng mall at namimili ng damit para sa aming magiging outing ng mga katrabaho ko. Nilingon ko ang pinaggalingan ng boses na iyon, lumingon ako sa labas habang nandito ako sa loob ng forever 21. Nakita kong napakahaba pala ng pila sa bangko ngayon. Hindi ko alam kung anong meron ngayon doon. "Kristine Louise Astralavio," napalingon ako agad sa kaibigan kong nag tawag sa akin. Si Lei, Nakita ko siyang may hawak na dalawang klase ng Swimsuit. Nasa kanan niya ang kulay pula na two piece, at sa kaliwa naman ang kulay dilaw na one piece. "Anong mas maganda sa body ko?" tanong niya. Mabilis kong tinuro ang kulay dilaw na piece. "Oh my gosh! same tayo ng gusto!" tili niya at mabilis nang pumila sa cashier. Ako naman ay sumunod na dahil kanina pa ako tapos mamili, hinintay ko lang siya. Sa sabado kasi ay pupunta kaming magkakatrabaho sa boracay. Tatlo kami, ako, si Lei at isa pa na si Shiela, na nasa bahay ng boyfriend niya ngayon. Hwebes pa lang naman ngayon pero namili na kami, dahil bukas, biyernes ang cut off ng kompanyang pinag tatrabahuan ko. Hindi naman ako kasali sa cut-off pero si Shiela at Lei kasali, mga accountant kasi sila, kaya bukas magiging busy talaga na sila. Ako sa trabaho ko bilang I.T ay wala namang cut-off. Deadlines marami. Medyo nakakahilo na nga, tingin ko nga minsan sa mga taong nakakasalubong ko kulay blue na sila at mga nag lalakad na mga codes. Kahapon ko naging busy dahil may dumating na bagong account. Pero ngayon, pwede na ako mag lamyerda. Sayang ang panahon. Jusko, habang bata kailangan enjoyin ang lahat. Magtrabaho ng naaayon sa sweldo. Wala akong pakielam kung isipin ng mga katrabaho ko na tamad ako o walang pakielam sa kompanya. Pero putik na 'yan, hindi ko isusubsob ang sarili ko doon, mas importante naman yung health ko no. "Nagugutom ako." sabi ko habang palabas na kami ng store. Alas otso na kasi ng gabi at hindi pa rin kami kumakain. "Oo. At nag text si Shiela, nandito daw sila sa mall ngayon nasa inasal daw sila kumakain ni Jervy. Puntahan na lang natin sila, ano?" si Lei na tinitignan ang cellphone niya habang naglalakad kami. "Sige sa inasal lang." sabi ko. Dahil gabo na at gutom na rin ako, wala ng oras pa mamili. Tulad ng napag usapan ay sa inasal kami dumiretso. At pagdating doon ay nakita ko sila Shiela na kumakain doon. Alas diyes na nang makauwi ako sa apartment ko. As usual tahimik madilim sa loob non. Ako lang kasi mag isa ang nakatira dito mga nasa tatlong taon na rin. Nasa probinsya ang pamilya ko at pumunta ako ng maynila pagkatapos ko maka graduate ng college. Ibang environment naman at para masubok kung hanggang saan ako tatagal. At isa pa, dito kasi ako sa maynila natanggap. So dito na talaga. Inilagay ko na sa maliit kong maleta ang mga pinamili ko kanina para hindi ko na rin makalimutan pa. Habang nag aayos ng gamit ay tumunog ako cellphone ko. Si Mama tumatawag. "Ma.." sagot ko sa tawag niya. Napangiti ako, dis oras na ng gabi pero gising pa rin siya. Paniguradong nag away na naman sila ni tito Mar "Kiwi, kumusta na?" magaang tanong niya. Napangiti ako. Humiga ako sa kama bago sumagot. "Okay lang po ako ma, ikaw po? Nag away ba kayo ni tito Mar?" sabi ko na. Dahil kilala ko na talaga itong si Mama. Madalas silang nag aaway ng asawa niya. Si tito mar, siya ay ang pangalawa niyang asawa. Step father ko. Yung papa ko kasi ay nasa kulungan. Seven years old pa lang ako nun, napag bintangan siyang nang rape. Alam ko ang kwentong iyon. Napag bintangan siyang nangrape ng 23 years old na babae, ang anak ng amo niya na gusto niya lang sanang tulungan noon nung ginagahasa ng siya ng sarili niyang boyfriend. Kaso wala, napasama ang pag tulong ni papa dahil mayaman yung nanggahasa at siya ang itiniuro. Ang ending ayun, nasa kulungan si papa. Ilang sandaling natahimik ang kabilang linya. Alam kong umiiyak na ngayon si mama. "Oo. Pinapaalis na ako dito sa bahay niya.." nanginig pa ang boses niya. Huminga ako ng malalim. "Edi umalis ka na diyan ma, dito ka na tumira sa akin. Sinabi ko na sa iyong masama talaga ang ugali niyang lalaki na iyan diba?" "Pero nak, paano yung kapatid mo?" nag aalala niyang sabi. Napaupo ako. May kapatid kasi akong isa. Anak nila ng step father ko. Si Paulo. 11 years old na. "Isama mo na si Poleng, ma! Huwag mo siyang iiwanan sa lalaking iyan." gigil na sabi ko. Dahil hindi talaga mapag kakatiwalaan ang step father ko, drug addict kasi iyon. At iyon din ang isa sa mga dahilan kaya talaga nag sikap akong makalayo. Ayoko ng mga galaw niya, at nandidiri rin ako sa tuwing tinitignan niya ako. "Pero nak, mahal ko siya..siya ang padre de pamilya natin anak...sino na lang mag susuporta sa amin ng kapatid mo?" "Ma naman! Nandito na ako o? May trabaho ako. Ako ng bahala sa inyo. Mag impake na kayo, susunduin ko kayo bukas diyan!" "Pero anak, kakausapin ko muna ang tatay mo-" "Para saan naman ma?" putol ko sa sasabihin niya. "Para maging okay na naman kayo? Mg bati?" "Wait nak, nandito na si papa mo," nagmamadali niyang sabi at ilang sandali pa ay nawala na siya sa linya. "Ma!" Napapikit ako. Gosh.. Ang sabi ko ayaw ko ng stress.. Pero ito, nilalapitan ako ng stress. Hindi ko na talaga maintindihan si Mama, minsan nasa matino siyang pag iisip minsan naman ganito. Ilang beses ko ng sinabihan iyon na hiwalayan na si Tito Mar, pero wala ayaw niya. Mahal na mahal niya ito. Kahit pa ilang beses na siyang napahamak dahil dito, pero ayun. Patuloy pa rin sa pagpapakatanga si mama. Well.. Hindi ko naman magawang magalit dahil siguro, naghahanap din si mama ng pagmamahal na hindo galing sa anak. Mag kaiba kasi iyon. Kaya ako, pinangako ko sa sarili ko, na hindi ako magpapakatanga sa pag ibig. Kahit anong mangyari, hindi ako iiyak at magiging bobo ng dahil lang sa lalaki. Nataga ko na sa bato. # "Ayos na kayo diyan ma?" tanong ko kina pagkauwi namin. Pinakita ko kasi sa kanila ang magiging kwarto nila ni Poyeng. Kadarating lang din namin galing sa cavite, sinundo ko sila ni Poleng. Dahil hindi na talaga ako mapapakali kung mananatili pa sila doon kasama ni tito mar. Wala talaga akong tiwala sa lalaking iyon. "Oo anak. Medyo maliit itong apartment mo," aniya habang nililiboyñt ang paningin sa maliit na kwarto. Sa apartment ko kasi ay may dalawang kwarto, gamit ko yung isa at ang isa naman ay ginawa kong tambakan ng mga gamit ko na ayaw ko ng gamitin. Parang bodega ba. "Magkano upa mo rito?" Tumayo ako at nilapag ang isang bag nila sa ibabaw ng kama. "4,500 po a month." sagot ko. Nakita kong nilukot ni mama ang mukha niya. "Ang mahal naman nun, nak. Tapos ang liit pa nitong lugar na nakuha mo." "Ma..okay na po ito, mura na po ito. Ang mahalaga po may natitirhan ako dito." "Kahit pa. Dapat kasi tinanggap mo na lamang ang binibigay ng Tito mar mo na Condo sayo noon." aniya. Napairap ako. Pagka graduate ko kasi at sinabi kong gusto ko sa maynila mag trabaho ay nag offer agad si Tito mar ng place. Condo daw sa taguig ang sabi niya. Regalo daw niya iyon. Pero hindi ko tinanggap. Nagtataka rin ako dahil, paanong ang tulad niyang lalaki na walang trabaho ay may kakayahan na mag regalo ng condo sa akin? Hindi ko lubos maisip yun. "Ayoko po. Kaya ko naman ang sarili ko ma." sagot ko na lang. Binulatlat ko ang isang damit at isinabit na iyon sa alambre na nakatali sa magkabilang bahagi ng dingding. "Kaya mo ang sarili mo? Tignan mo nga itong tinutuluyan mo ngayon, ang liit. Masyado kang mapagmalaki, anak, masama 'yan." sabi niya at lumabas na ng kwarto. Napahinga ako ng malalim at napailing. Ewan ko ba. Hindi naman ako nag mamalaki, ayoko lang talaga na may maisumbat sa akin si Tito mar pagdating sa mga ganoong bagay. Isa pa base sa mga kinikilos niya noon pagdating sa akin ay... Basta ayoko. Iniwan ko na ang mga pagliligpit dahil mamayang ala una ay ang lipad namin ng mga kaibigan ko papuntang boracay. Tinignan ko ang orasan sa itaas ng dingding. Alas onse na pala ng umaga. Nagpaalam na ako kina mama na aalis na. Napailing ako ng ismiran niya ako. Kay Poleng ko na lang binigay ang isang libo. Pang bili ng kung anong gusto nila. Tutal, kumpleto naman na sa apartment ko,puno ang ref ng mga pagkain. Wala naman na silang gagastusin pa. Nakarating kami ng boracay ng mga 2:30 ng hapon dahil muntik ng mag break si Shiela at Jervy. Pero sa huli, maayos naman kaming nakarating. At ako ngayon kasama si Lei ay nag aayos na ng gamit dito sa magiging room namin for three days. At si Shiela naman kasama rin si Jervy. "Excited na ako mamaya!" tili ni Lei at hinagis ang hawak hawak niyang damit sa kama. "Ang daming foreigner kanina sa labas, nakita mo ba 'yon?" Tinaasan ko siya ng kilay. Si Lei kasi yung tipo ng tao na bulgar. Walang filter yung bunganga niya at gagawin kung anong gusto niya. At higit sa lahat mabait na kaibigan. At hanggang ngayon talaga ay natatawa pa rin ako kapag binabanggit niya ang tungkol sa pagkahumaling niya sa mga foreigner. "Foreigner talaga gusto mo?" tanong ko at dumapa na rin sa kama ng matapos kong maiayos ang gamit ko. "Oo naman te! Pangarap ko talaga 'yon, gusto ko blue eyes, te!" sabi niya habang nangangarap ng gising. "Pero syempre, tikim tikim lang muna diba." "Ewan ko sayo, Lei." sabi ko at pumikit na. Medyo napagod din kasi ako, ilang oras din akong nakaupo sa eroplano. "Palibhasa virgin ka pa!" aniya kaya napadilat ako. "Ano namang connect?" "Wala naman. Pero alam mo, i suggest, iwan mo na 'yang virginity mo dito! Boracay is the best place to loose that tissue!" "Ewan ko sayo, bobo ka!" sigaw ko sa kanya. Parang wala lang sa kanya ang pagtawag ko ng bobo at humalakhak pa siya. "Napaka talaga ng bunganga mo." aniya na napapailing pa habang nangingiti pa rin. "Mamayang gabi, pupunta tayo ng exit bar ha! Samahan mo akong uminom at maghanap ng daks!" Inirapan ko na lang siya at hindi na sinagot. Matutulog ako. Ilang sandali pa ay may naramdaman akong tumatampal sa pisngi ko. "Kiwi, gising na, dinner time." Nakita ko si Lei na sinusuot ang hikaw niya. "Hmmm?" pikit ang isang mata na tanong ko. Itinukod ko ang kamay ko sa kama para makatayo. "Anong oras na ba?" "Alas otso na ho," sagot niya. "Nakatulog nga rin ako kanina, kagigising ko lang din actually, naligo lang ako ng mabilis kasi umuusok na yung tumbong ni Shiela. Alam mo naman, lq sila ni Jervy kaya mainit ulo ni bakla." Tumango ako at naligo na lang din agad. Nainitan din kasi ako. Pagkatapos kong maligo ay nakita kong wala si Lei sa kwarto. Nagbihis lang ako ng tshirt at maong na pekpek short dahil gusto ko. Habang nag aayos ay tsaka naman pumasok si Lei, at agad niya akong tinignan ng mapanghusga. "Seryoso ka niyan?" tanong niya ng lukot ang mukha na lumapit sa akin turo turo ang tshirt kong kulay dilaw na may nakadrawing ng peanut sa bandang ibaba ng shirt. Napatingin ako sa sarili ko. "Sa damit ko? Oo naman." "Paalala ko lang ha? Sa bar tayo pupunta." aniya. Paano kasi ang suot niya ay naka bra lang, at pekpek short din na parang panty na lang sa ikli. "So? Ano ba, huwag mo nga akong pakielaman sa suot ko!" sabi ko at nagpatuloy na lang sa pag aayos. "Eh gsuto ko mangielam! Paano ka makakahanap ng sugar daddy niyan? Para kang high school student tignan sa suot mo." "Magtigil ka, Lei." sabi ko at isang beses pang hinaplos ang mahaba kong buhok. Straight lang 'yon. Light make up lang ang ginawa ko dahil tingin ko ay hindi ako maganda kapag naka heavy make up. Simple lang kasi ang hitsura ko. May kakapalan ang kilay ko, at medyo bilugan ang mata. Ang ilong ay pinagpala. Salamat sa dahil kay papa, half indian kasi si papa. Ang labi na kulay pula. At ang aking height, maliit lang ako, 5'1 lang. Atleast may 1. "Alam mo, sa hitsura mong 'yan, daming mabibighani sayo, kulang ka lang sa porma, Kiwi." sabi pa niya. Isinabit ko na ang maliit kong bag sa aking balikat na may lamang cellphone at ilang cash. "Alam mo Lei, wala akong planong maghanap ng lalaki dito. Pahinga ang habol ko, mag enjoy at walang stress." sabi ko. Inirapan naman niya ako. "Sarili mo na lang isipin mo kung paano ka makakabingwit ng foreigner mamaya, at huwag mo akong pakielaman." "Sungit mo naman! Meron ka ba?" aniya at hinila ang ilang hibla ng buhok ko. "Mag kaibigan nga kayo ni Shiela. Parehas bugnutin." Tinignan ko siya ng masama. "Oo na nga!" hiyaw niya dahil sa tingin ko. "Basta mamaya, huwag niyo na akong hintayin ni Shiela pag nasa bar na tayo, alam mo na..im getting laid tonight no matter what. At ikaw, matulog ka ng maaga, Kiwi ng hindi ka mapagod, para bukas hindi na masungit." "Tara nga!" hila ko sa kanya palabas ng room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD