Teaser

361 Words
Sa paghahanap sa salarin: Sinundan ni Alex ang kahinahinalang si Agatha sa pag-uwi nito, nararamdaman niyang ang dalagang ‘yon ang pumatay sa dalawang binatang inimbistigahan niya, suot pa niya ang kanyang pang-disguise wala siyang pake alam kong may hawak man itong matalim sa ilalim ng jacket o kaya’y may baril ito sa bag na nakatago. Napahinto siya sa paglalakad nang lamunin ng dilim si Agatha, hindi na niya maaninag kong na saan ang dalaga, palinga-linga siya sa paligid, kakaunti din ang naglalakad sa mga oras na ‘yon sa sidewalk, yinakap siya ng takot nang makaramdam siya ng lamig na animoy may nagmamasid sa kanya, animoy malamig na kristal sa kanyang batok. “Ako ba hinahanap mo?” nang lalaki ang mata niya nang may magsalita sa likuran niya, agad siyang napaharap sa nagsalita, nakita niya ang walang ekspresyon na mukha ni Agatha. Hindi niya pinapahalata ang kabang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ang dalaga, may kakaiba dito pero hindi niya maipaliwanag. “Iniisip mo parin ba officer na ako ang pumatay sa kaibigan kong si Dexter at sa second year students na si Xander?” Naka-disguise na siya pero hindi niya akalain na makikilala siya ng dalaga, samantalang isang beses pa lang sila nagkita, noong magtatanong siya sa kaso. Hindi siya nagsalita, nakatitig siya sa nakakalulang mata ng dalaga. Nagpatuloy ang dalaga sa pagsasalita, “porket ba iwas ako sa mga tao, ako na ang pumatay? Ako na ang salarin, bakit hindi ninyo tignan yong mga kamag-aral ko na maraming koneksyon, na kilala sa campus, na maraming kaibigan, sa tingin ninyo mas normal sila sa akin. Sinasabi ko sa inyo, nagkakamali kayo sa iniisip ninyo, baka may nakakalimutan kayo sa imbestigasyun ninyo.” Hindi nakapagsalita si Alex sa kinatatayuan niya, nakita na lang niyang papalayo na ang dalaga sa kanya, maraming tanong sa isipan niya, mukha ba siyang nakakalimot sa mga steps na ginawa niya para masolusyunan ang bagay na ito, baka nga may mali siya, baka may mga ibedinsya pa siyang hindi nakikita, mga bagay na hindi niya binigyan ng pansin, pero malakas ang kutob niya na si Agatha ang mamamatay tao sa campus nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD