Unang Bahagi: Kabanata 1

2759 Words
Paunang Salita Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Ang mga ibang pangalan ng mga karakter ay hango sa Mitolohiyang Filipino ngunit ang bawat kwentong nakaakibat sa bawat karakter na ito ay pawang kathang isip lamang. Ang mga tauhan, lugar at pangyayari ay pawang bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng awtor. © All Rights Reserved 2021 _________________________ ~1521~ O’, kay dilim ng paligid at katahimikan ngayon ang siyang namamayani sa buong Sihir. Gabi ngayon kung saan tinatakpan ng buwan ang kaliwanagan ng inang araw. Ang mga tagapangalaga ng Sihir ay nangagkakatipon ngayon sa kaharian ni Bathala o ang siyang tagapangalaga ng lahat ng mga nabubuhay. Siya ang pinuno ng mga tagapangalaga at itinuturing na pinakamalakas sa kanilang lahat. Ngunit nalalayo sa lahat, sa pinakamataas naman na bahagi ng Sihir o kung tawagin ay Tore ni Bathala ay naroon ngayon ang mag-inang sina Anagolay at Mapolan. “Hindi mo maaaring gawin sa akin ito Ina!” isang nakakarinding sigaw ni Mapolan ang umalingawngaw sa buong tore. “Mapolan, hindi lang ikaw ang mapapahamak nang dahil sa sanggol na iyan. Kaya’t hayaan mo na lamang ako na gawin ang iniuutos ni Bathala,” tugon ni Anagolay sa kaniyang anak. “Hinding-hindi ko ibibigay ang sanggol sa inyo Ina. Anak ko ito ina—anak ko at ni Alec ang siyang pinaguusapan natin dito. Magkakamatayan muna tayo bago niyo siya makuha sa akin,” pakling muli ni Mapolan na siyang itinago nga ngayon ang kaniyang kamay patungo sa kaniyang likuran. “Mapolan, hindi mo maaaring tutulan ang ibang mga tagapangalaga! Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan nating patayin ang sinumpang batang iyan!” bulalas ni Anagolay na mabilisang naglaho sa kaniyang kinatatayuan patungo sa harapan ni Mapolan. “Ibigay mo sa akin ang iyong palad at aking tatanggalin ang bata mula sa iyong katawan,” patuloy ni Anagolay sabay abot ng kaniyang kamay kay Mapolan ngunit natigilan ito at tumilapon nang gamitan siya ng mahika ni Mapolan. “Mapolan!” sigaw ni Anagolay na siyang nanlaki nga ang mata nang tuluyang naglaho ang kaniyang anak na parang bola. Ang naglahong si Mapolan ay lumitaw sa loob ng isang maliit na kubong makikita sa gitna ng kagubatan ng Sierra Madre. “A—alec,” unti-unting tawag ni Mapolan sa matikas na lalaki na ngayon ngay nakatalikod mula sa kaniya at kanina’y abala sa paghahalo ng mga mahika sa isang malaking palayok na pagmamay-ari ng mga Babaylang katulad niya. “M—mapolan? Ano ang iyong ginagawa rito aking mahal?” gulat na bungad ng lalaki sa tagapangalaga na agaran ngang tumakbo upang yakapin siya. “A—alec, kailangan mo kaming iligtas,” marahang ani ngayon ni Mapolan na siyang dahilan upang unti-unti ngayong bumitaw ang lalaki mula sa pagkakayakap sa kaniya. Kunot noong tinignan ni Alec si Mapolan dala ang pagtataka. “K—kami? Ano ang iyong ibig sabihin mahal ko?” nagtatakang katanungan nito sa tagapangalaga. “Ako at ang magiging anak natin Alec,” sagot ng tagapangalaga sabay buka ng kaniyang palad kasabay ng paglabas ng maliit na kulay lilang bilog na ilaw mula rito. Agad ngang nawala ang kunot sa noo ni Alec na siyang napalitan ngayon ng gulat. “Nais patayin ng ibang mga tagapangalaga ang ating anak Alec. At hindi ako makakapayag na gawin nila ito,” patuloy ni Mapolan dahilan upang mapabuntong hininga si Alec at muling yakapin ngayon si Mapolan. “Huwag kang mag-alala Mapolan, kahit anong mangyari ay hinding-hindi nila kayo magagalaw,” ani ni Alec habang marahang hinahaplos ang buhok ng tagapangalaga. “Dahil dadaan muna sila sa aming mga Babaylan bago pa man nila mahawakan o magalaw ang ating anak.” _________________________ “Hindi nila maaaring isilang ang sanggol na iyon!” sigaw ni Bathala na siyang kaharap ngayon ang ibang mga tagapangalaga. “Ginawa ko ang lahat upang pigilan ang aking anak ngunit sa kaniyang mga isinagot ay natitiyak kong hindi niya nais na galawin natin ang sanggol mahal na Bathala,” paliwanag ni Anagolay. Halos lahat ng atensyon ng mga tagapangalaga ay nakatuon sa direksyong kinatatayuan ngayon ni Anagolay kasama ang kaniyang asawang si Dumakulem. “Kung ayaw niyang ibigay ang kaniyang anak ay dapat ikinulong mo na lamang siya Anagolay nang hindi na siya nakarating pa sa mga Babaylan upang ihayag ang balita patungkol sa sanggol,” pakli ni Amanikable na siyang sinang-ayunan din naman ng ibang tagapangalaga. “Kalapastanganan ang ginawang yaon ni Mapolan! Ang nararapat sa kaniya ay maparusahan,” pakli naman ngayon ni Apolaki. “Ang dapat sa kaniya ay mamatay kasama ang isinumpang sanggol na iyon—“ “Apolaki!” pakli ng tagapangalaga ng buwan na si Mayari. Agad ngang ibinaling ni Anagolay ang kaniyang tingin kay Apolaki na siyang tagapangalaga ng araw. Halos hindi siya makapaniwala ngayon sa mga narinig niya mula rito. “Anagolay, lahat ng kaharian ay masisira sa oras na maisilang ang sanggol na iyon,” sambit naman ngayon ni Hanan, ang tagapangalaga ng umaga. Dahilan upang buntong hiningang ibinaling ni Anagolay ang tingin niya sa tagapangalaga. “A—alam ko! Nalalaman ko ang magiging kahihinatnan ng lahat-lahat ng ito. Ngunit hindi niyo pwedeng sabihin sa akin na patayin o parusahan ko ang aking sariling anak,” pakli ni Anagolay na siyang umalingawngaw nga sa buong Sihir. “T—tama ang aking anak. Hindi niyo maaaring patayin si Mapolan. Dahil kung kayo rin naman ang nasa lugar niya ay hindi niyo rin gugustuhing patayin ang sanggol na inyong pagmamay-ari,” pagsang-ayon ni Ikapati sa kaniyang anak na si Anagolay. “Hindi niyo ba talaga naiintindihan na sa oras na maisilang ang sanggol na iyon ay mawawasak ang lahat-lahat?” sarkastikong katanungan ni Apolaki na siyang walang kurap ngayong nakatingin kay Ikapati. “Hindi maaaring sirain ng sanggol na iyan ang lahat-lahat ng pinaghirapan natin,” pagsang-ayon ni Hanan na sinang-ayunan ng halos lahat ng mga tagapangalaga. “Magsitigil kayo!” bulalas ni Bathala na siyang nagpatigil sa mga bulong-bulungang namayani sa buong Sihir. Buntong hininga itong tumingin kina Anagolay at sa pamilya nito. “Ipagpatawad niyo ngunit kinakailangan nating mapatay ang sanggol na iyon bago mahuli ang lahat. At kung kinakailangang mamatay maging si Mapolan at mga Babaylan ay papayag ako,” sambit ni Bathala na siyang ikinagulat na husto nila Anagolay. “Bathala, hindi mo maaaring gawin ito!” bulalas ni Anagolay na siyang pinigilan nga ni Dumakulem sa akma niyang pagsugod kay Bathala. “Apolaki, nais kong ipatawag mo ang apat na Amatista at sa kanila ko ipagkakatiwala ang bagay na ito nang hindi madungisan ang kahit na anong kamay ng sino mang tagapangalaga,” patuloy ni Bathala na siyang tuluyan na ngang naglaho matapos sabihin iyon. “H—hindi! Hindi niyo maaaring gawin ito sa aking anak!” sunod-sunod ngayong sigaw ni Anagolay habang nanlilisik ang mga matang tinignan si Apolaki. Ngunit kasabay niyaon ang unti-unting paglaho ni Apolaki patungo sa Berbaza kung saan nakatira ang mga Amethysts. _________________________ “Apolaki, naparito ka?” gulat na bungad ni Aamadu na siyang pinuno ng mga Maginoos o ang mga tagapagpayo ng mga Amethysts. Bigla ngang lumitaw si Apolaki sa kaniyang harapan nang saktong binuksan niya ang pintuan ng kaniyang bahay upang lumabas mula rito. “Nais kong kausapin ang apat na Amatista para sa bagong misyon na ipinaguutos ni Bathala,” sambit ni Apolaki na siyang agad din namang tinanguan ng matanda. _________________________ “Nasaan ang tagapangalaga ng amethyst ng Geo?” tanong ni Apolaki kay Aamadu. Narito sila ngayon sa isang malawak na kwarto kung saan karaniwang nangyayari ang mga pagpupulong sa Berbaza. Narito na sina Ebraheem (Ang Amatista ng Fotia), Helios (Ang Amatista ng Aeras), at Afiya (Ang Amatista ng Nero). Ang mga Amatista ay ang namumuno at nangangalaga ng bawat Amethyst ng bawat kaharian ng Berbaza kung saan naroon ang iba’t ibang angkan ng mga engkanto. “Nasaan si Mahalia?” pabulong na tanong ni Aamadu kay Afiya. Si Mahalia ang siyang nangangalaga ng mga mortal na tao o kung tawagin ay Kaharian ng Geo. “Paparating na siya at sa limang segundo ay natitiyak kong narito na siya,” putol ni Helos sa usapan ng dalawa na siyang may kapangyarihang makaalam ng susunod na pangyayari mula sa kasalukuyan. Agad na napatango ang matanda at bumalik sa tabi ni Apolaki. At saktong limang segundo ang nakalipas ay lumitaw nga si Mahalia sa tabi ni Afiya. “Ngayong kumpleto na kayo ay hindi na ako magpapaligoy pa sa nais iparating ng Bathala patungkol sa bago ninyong misyon,” panimula ni Apolaki na siyang dahilan upang matuon ang buong atensyon ng apat sa kaniya. “Nais ng Bathala na patayin niyo ang isisilang na sanggol ni Mapolan mula kay Alec na siyang anak ng pinakamalakas na Babaylan,” patuloy nito na siyang dahilan upang matigilan ng husto si Mahalia. “A—ang anak ni Alec?” hindi nito makapaniwalang tanong sapagkat ang lalaking babaylan na ito ay isa sa mga matalik niyang kaibigan mula sa angkan ng mga babaylan. “Ang tagapangalaga ng pag-ibig at ang babaylan na ito ay magkakaroon ng anak na siyang tatawagin sa pangalang Shakir,” ani ni Apolaki. “Ang babaylan na magtatapos sa buhay ng mga mortal at ng mga engkantong katulad ninyo.” Agad ngang napatango sina Helios pwera kay Mahalia na malalim ngang nag-iisip ngayon. “Kahit na anong mangyari ay kailangan niyong mapagtagumpayan ang misyon na ito. Kahit pa na buhay ni Mapolan at ng mga Babaylan ang mawala,” saad ngang muli ni Apolaki. “Papatayin namin ang tagapangalaga ng pag-ibig? Ayos lamang iyon sa Bathala?” sunod-sunod na tanong ni Ebraheem na siya rin namang tinanguan ni Apolaki. “Kung iyon na lamang ang natitirang paraan ay bakit hindi?” sarkastikong sagot ni Apolaki. “Inaasahan kong magagawa niyo ang misyong ito sa ngalan ng mga tagapangalaga. Kami ay tuluyang nagtitiwala sa inyong apat kaya’t narapat lamang na huwag niyo kaming bibiguin,” huling sambit ni Apolaki na siyang tuluyan na ngang naglaho. “K—kailangan bang umabot sa pagpatay—“ “Mahalia, alam kong magiging tutol ka sa bagay na ito base na lamang sa iyong naging reaksyon kanina,” putol ni Ebraheem dito na siya ngang dahilan upang mapaiwas siya agad ng tingin. “Ang problema natin ngayon ay ang malakas na pwersa mayroon ang mga Babaylan at ng tagapangalaga ng pag-ibig. Hindi natin basta-basta magagamitan ng kapangyarihan si Mapolan dahil ang kapangyarihang meron kayong tatlo ay hindi kayang patayin o saktan ang sino mang tagapangalaga,” ani ngayon ni Aamadu na siyang marahang hinahaplos ang mga hibla ng puti at mahaba niyang balbas. “Malakas si Mapolan at ang mga babaylan. Ngunit sa oras na manghina ang tagapangalaga ay madali na lamang para sa atin ang patayin siya. At alam ko namang kapwa natin alam kung anong bagay ang makakapaghina sa tagapangalaga ng pag-ibig,” saad ni Helios. “Digmaan,” sambitla ni Ebraheem bilang tugon sa nais iparating ni Helios. “Tanging digmaan lamang sa pagitan ng mga tao ang bagay na nakakapaghina sa tagapangalaga ng pag-ibig.” “K—kung gayon ay gagawa tayo ng isang digmaan sa pagitan ng mga tao?” tanong ngayon ni Afiya na siyang tinanguan ni Helios “Kailangang gumawa ni Mahalia ng digmaan sa pagitan ng mga tao upang manghina si Mapolan at magawa natin siyang masaktan o mapatay. At sa oras din na magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga tao ay natitiyak kong sasali ang mga Babaylan dito dahil ang kanilang tungkulin ay protektahan ang mga tao. Kung wala ang mga Babaylan at mahina ang tagapangalaga ng pag-ibig—“ paliwanag ni Helios “Ay madali na lamang na patayin si Mapolan at ang anak nitong si Shakir,” patuloy ni Aamadu sa paliwanag ni Helios kasabay ng tuluyan niyang pagngisi. “Napakagaling mo talaga Helios!” “Hindi niyo maaaring ilagay sa kapahamakan ang mga tao!” Ngunit sa kabila ng pagsang-ayon ng maginoo ay tuwirang umiling at tumutol si Mahalia sa plano ni Helios. “Baka nakakalimutan niyong ako ang Amatista ng Geo at hindi ako makakapayag na may mamatay sa kanila at madamay sila sa gulong ito,” pakli ni Mahalia na sa galit niya ay ginamit nga ang kapangyarihan upang maglaho na parang bula. “P—papaano na iyan? Hindi natin magagalaw ang Kaharian ng Geo nang wala sa pahintulot ng tagapangalaga nito. At tiyaka natitiyak kong gagawa at gagawa ng paraan si Mahalia upang pigilan tayo,” buntong hiningang saad ni Ebraheem dahilan upang mapapikit si Helios at kasabay ng pagmulat niya ay ang pag-iiba ng kulay ng kaniyang mga mata at buhok, at ang unti-unting pagtubo ng itim na pakpak mula sa kaniyang likuran. “Susundan ko si Mahalia at kukumbinsihin siyang gawin ang aking ipinapagawa,” sambit ni Helios bago tuluyang maging ganap na isang ravena. Agad na nga itong lumipad patungo sa himpapawid upang puntahan ang hula niyang pupuntahan ni Mahalia. _________________________ “Anong ginagawa mo rito?” agad na tanong ni Mahalia nang maramdaman ang pagbaba ni Helios mula sa kalangitan. Nakatalikod siya ngayon mula sa binata habang nakadungaw sa kulay berdeng kalangitan o ang lugar kung saan naroon ang Sihir. “Mahalia, hindi mo kami maaaring iwanan sa misyon na ito,” sambit ni Helios na humahakbang na nga palapit sa dalaga habang unti-unting naglalaho ang anyo niyang ravena. “Helios, kahit na anong pilit pa ang gawin niyo ay tutol akong gamitin niyo sa dahas ang mga tao,” pakli ni Mahalia na siyang hinarap na ang binata. “Mahalia, hindi mo gugustuhin ang maaaring mangyari sa iyo sa oras na tumutol ka sa kagustuhan ng mga tagapangalaga,” saad ni Helios na walang kurap na nakatingin ngayon sa dalaga. “Baka nakakalimutan mo rin Helios na sila rin ang siyang nagtakda sa atin na pangalagaan ang bawat kaharian. At yaon ang gagawin ko! Iingatan at proprotektahan ko ang mga tao kahit pa na kamatayan ko ang maging kapalit nito,” sagot ni Mahalia na ngayon ngay unti-unti nang nagiging kulay berde ang mga mata at mga hibla ng bawat buhok niya. “Mahalia, hindi mo pwedeng irason yaon! Kapwa natin alam kung anong maaaring kahihinatnan ng lahat-lahat sa oras na magmatigas ka at hindi pumayag sa plano nila—“ “Gawin niyo,” putol ni Mahalia rito habang maraan na ngayong naglalakad palapit sa binata. “Gawin niyo ang plano niyo, ngunit huwag niyo akong idadamay rito. Dahil hinding-hindi ako papatay ng mga tao o kahit pa ng mga babaylan at tagapangalaga.” “Mahalia, mas maraming mamamatay sa sandaling mabuhay ang sanggol na iyon! Kaya mas mainam na lamang na magtaya ng kaonting buhay para maiwasan ang pangyayaring ito,” bulalas ni Helios na unti-unti na rin ngang nagiging kulay itim ang mga mata at buhok. “Ang sabi ko Helios ay gawin niyo kung nais niyong gawin ito. Ngunit pabayaan niyo rin akong gawin ang paraang gusto ko!” sigaw ni Mahalia na siyang umalingawngaw sa buong lugar. At saglit ngang natigilan si Helios nang tignang walang kurap ang mata ni Mahalia at mabasa nga ang hakbang na gagawin ni Mahalia sa susunod na limang segundo mula sa kasalukuyan. “M—mahalia! Hindi mo maaaring pakialaman—“ At hindi na nga tuluyan pang naituloy ni Helios ang kaniyang sasabihin nang tuluyan nang naglaho si Mahalia sa kaniyang harapan. “Mahalia bumalik ka rito! Hindi mo maaaring pakialaman ang oras Mahalia!” sunod-sunod na sigaw nito na siyang napatikom ng kaniyang kamao at buong pwersa nga itong isinuntok sa ere. _________________________ “Kailangan na nating isagawa ang digmaan,” bungad ni Helios kina Ebraheem at Afiya nang makabalik siyang muli sa kinaroroonan ng dalawa. “N—ngayon din?” naguguluhang tanong ni Ebraheem na agad ngang tinanguan ni Helios. “Kailangan nating maisagawa ang lahat-lahat bago tayo maunahan ni Mahalia.” “T—teka, ni Mahalia? A—anong gagawin ni Mahalia?” tanong ni Afiya. “Wala akong oras upang ipaliwanag ang lahat-lahat bagkus ay kailangan na nating isagawa ang plano. Kaya naman paparoon ako sa Sihir upang hingiin ang tulong ng aking ama,” saad ni Helios na siyang ngayon ngay mahigpit na ipinikit ang kaniyang mga mata. “Iyora Kustara,” buntong hiningang sambit nito na siyang dahilan upang madala ang kaniyang kaluluwa patungo sa Sihir. “Apolaki, dios ng araw at punong patron ng mga mandirigma,” tawag ni Helios sa lalaking kasalukuyang nakatalikod ngayon sa kaniya. “Nais ko pong hingiin ang inyong tulong.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD