Chapter 1

1813 Words
"Just prepare yourself, isa sa mga araw na ito ay mamamanhikan na ang lalaking nakatakda mong pakasalan." ang mariin ngunit malumanay na wika ng ama kay Maria Crizza habang nasa terrace sila. "Sorry Dad but I don't want to. I don't even know that guy!" seryosong sagot ni Crizza sa ama at umalis na ito para magtungo sa kanyang kwarto. "MC, whether you like it or not you have to marry him." pahabol ng ama bago pa man ito makaalis sa kanyang paningin. 'No way! Dapat makaalis na ako sa pamamahay na ito bago pa dumating ang araw na maikasal ako sa kung sinoman siya. Bahala na!' wika ni Crizza habang nage-empake ng kanyang mga gamit para sa pag-alis ng kanyang ama ay aalis na rin siya sa kanilang bahay. Nang makaalis na ang ama para magtungo sa opisina ay dali-dali siyang bumababa para puntahan ang sasakyan at magpakalayo-layo muna siya gamit ang perang nasa savings account niya. Nasa bar si Crizza ng gabing yun at doon niya ibinuhos ang sama ng loob sa ama dahil wala na siyang kalayaan. Lahat na lang ay ayon sa mga plano ng ama nito para sa buhay niya, ngayon pati pagpili ng taong makakasama upang pakasalan ay gusto pa pakialaman ng ama niya. "Manang Lily nasaan si MC pakitawag dahil may sasabihin ako." wika ng Don sa katulong. Agad namang tinungo ng katulong ang kwarto ng dalaga pero laking gulat na lang niya na wala ito doon at may nakitang sulat na nakalagay sa mesa "For Dad" nakasulat sa labas ng sobre. Kaagad namang kinuha ni Manang Lily ang sulat para ibigay sa Don, ama ni Crizza. "Sir, wala po si MC sa kwarto niya pero may sulat po akong nakita." Binigay ni Manang Lily ang sulat sa Don at agad naman itong binuksan. 'Dad, sorry sa paglabag ko sa mga kagustuhan mo pero hindi pa ako handa sa lahat. Please pabayaan ninyo muna ako. Mahal na mahal kita Dad kayo ni mommy.' -MC Galit na galit ang Don sa ginawa ng anak kaya agad niyang tinawagan ang family lawyer nila. "Hello Benjie i-paclose mo lahat ang bank account ni Maria Crizza pati ang tatlong condo nito at pakitrace ang kotse na gamit niya sa lahat ng checkpoint at bawiin sa kanya!" galit na utos ng Don sa kausap na abogado. "Yes Sir!" tanging naisagot nito sa takot, kahit hindi niya alam ang buong panyayari. 'Oh well, what shall I do?' sa isip ni Crizza. Pauwi na si Crizza sa isa sa kanyang mga condo unit ng may humarang sa kanyang mga pulis ng makapasok na siya ng kanyang kotse. "Yes Sir?" sabay bukas ng bintana ng kotse. "Ma'am sorry pero pinag-uutos ng Daddy mo na kunin namin sa'yo itong kotse mo." wika ng pulis. "What? Why?" sigaw ni Crizza sa mga pulis, dahil wala din naman siyang magagawa kasi nakaharang ang mga ito sa harapan ng kanyang kotse kaya pinaubaya na niya ito sa kanila. "Ok fine!" tipid na sagot ni Crissa na tonong nainis. Nagtaxi na lang siya at pumunta sa isa niyang condo unit. Nang marating niya ito, "Shit, bakit ayaw gumana ng card key ko?" "Sorry Ms. Dela Vega your unit is closed." sabi ng attendant doon. "What the hell are you talking about? I own this unit.Why can't I go inside?" galit na tanong ni Crizza. "You are not allowed to come inside Ma'am, your Dad ordered us to close all your condo units. I'm so sorry!" matapos magsalita ay umalis na ang attendant at iniwan si Crizza na nakatayo sa labas pinto ng kanyang unit. Wala na siyang ibang maisip kundi ang maghotel, pero bago siya magpunta sa hotel ay kailangan niya muna magwithdraw para di siya magipit sa gastusin niya. "What? No! Not this one too. Ano na gagawin ko ngayon?" sigaw ni Crizza ng di gumana ang lahat ng kanyang card dahil pinaclose rin ito ng Daddy niya. Napaupo na lang siya sa isang tabi habang problemado pero hindi pa rin siya babalik sa kanila para sundin ang kanyang ama. May pera pa naman siya kaya yun muna ang gagamitin niya at sa susunod na araw susubukan niyang maghanap ng trabaho. Sa isang mumurahin na Inn lang ang kanyang nirentahan para matuluyan ng makatipid dahil kaunti na lang ang perang hawak niya. Maagang umalis si Crizza sa kanyang tinutuluyan para mag-apply sa mga law firm, pero di siya natatanggap dahil lahat ng mga kumpanya na applyan niya ay napagsabihan na ng kanyang Daddy kaya walang tumanggap sa kanya. Pagod at gutom na gutom na si Crizza pero dahil kailangan niyang magtipid minabuti na lang niyang magpatuloy sa paghahanap ng trabaho, pero kahit anong posisyon ang applyan niya ay hindi pa rin siya natatanggap. Hanggang sa di kalayuan may nakita siyang 'Wanted Housemaid' sa isang agency. No choice na siya kaya susubukan niya mag-apply pero gagamit siya ng ibang pangalan para matanggap sa trabaho. 'Bahala na kaya ko naman siguro na maging katulong.' nasambit niya sa sarili bago pumasok sa agency na kanyang nakita. "Good morning Ma'am!" bati niya sa babaeng nasa front desk. "Yes, what can I do for you?" tanong naman ng babae sa kanya. "May nakalagay po kasi na hiring kayo ng Housemaid baka po pwede akong mag-apply?" tanong ni Crizza sa babae. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa na parang di makapaniwala na katulong ang gustong applyan na trabaho ng kanyang kaharap. Sa ganda, tindig at pananamit nito ay parang isang prinsesa sa paningin. "Lynn!" sigaw ni Matthew sa secretary niya at agad naman itong pumasok sa opisina ng binatang amo. "Yes Sir?" tanong nito kay Matthew. "Ano, wala ka pa ba nahahanap na kasambahay na para sa akin?" tanong ng binata dahil lahat ng mga katulong nito sa bahay ay galing sa agency para sigurado siya na totoo lahat ng personal na impormasyon ng mga ito. "Wait lang po Sir, tatawagan ko lang yung agency ng tita ko baka may nag-apply na." Matapos magsalita ay umalis din kaagad si Lynn sa opisina ni Matthew. "Ok saglit lang ha sasagutin ko lng tong tawag." wika ng babae sa front desk agency kay Crizza. "Oo meron na. Ano kukunin niyo na ba? Sige sasabihin ko na magsisimula na siya bukas. Mamaya ipapasa ko sayo." yan lang mga narinig ni Crizza mula sa kaharap habang nakikinig lang siya. Matapos makipagusap sa telepono ay siya naman ang hinarap nito. "Give me your resume para macheck ko." At agad naman ito binigay ni Crizza gamit ang ibang pangalan. Sinulat niya ang pangalan niya bilang 'Maria Vega'. Ito lang ang paraang alam niya para matanggap siya siya sa trabaho, ang gumamit ng ibang pangalan at pinaghandaan na niya ito para wala maging problema. "So you are Maria Vega." Yan ang ginamit niyang pangalan short name sa buong pangalan niya. "Yes po!" sagot niya. "Tanggap ka na. Bukas ng maaga punta ka dito at may susundo sayo para dalhin ka sa iyong bagong bahay at magpapakabait ka doon mayaman ang amo mo at malaki din ang sahod mo." wika ng babae. "Maraming salamat po! Sige po bukas maaga akong pupunta dito." sabay talikod ni Crizza at nagtungo na sa kanyang inuupahang Inn. 'God please help me. Sana makayanan ko ang trabahong pinasok ko. Wala na akong ibang alam na paraan para mabuhay ng hindi umaasa sa magulang ko.' bulong ni Maria sa sarili habang inaayos ang kanyang mga gamit para maaga siya makapunta sa agency bukas. Kinabukasan, maaga nagtungo si Maria sa agency at doon na naghintay ng driver na susundo sa kanya. "Andiyan ka na pala Maria siya ang susundo sa'yo para ihatid ka sa bahay ng magiging amo mo." wika ng babae. "Hello po!" bati ni Maria sa matandang lalaki. Umabot sila ng isang oras sa daan dahil sa traffic kaya natagalan sila sa byahe. Dahil Sabado, tanghali na pumasok sa opisina si Matthew. "Nandiyan ka na pala Densio. Saan galing ang sinundo mo at sino naman yang kasama mo?" sunod-sunod na tanong ni Aling Dida sa asawa. "Ano ka ba naman Dida, siya ang sinundo ko sabay turo kay Maria. "Ha? Siya ba? Akala ko kaibagan siya ni Sir. Katulong ba talaga ang papasukan mo Neng?" pagtatakang tanong ng matandang babae. "Opo, Manang!" magalang na sagot ni Maria at pinapasok na siya sa loob ng bahay. "Hintayin mo lang si Sir Matthew, mamayang konti magigising na yun para siya na ang kumausap sayo." ani Aling Dida na naghahanda ng almusal para sa binatang amo. "Ganun po ba? Sige po Aling Dida, hintayin ko na lang po si Sir para alam ko rin po mga gagawin ko." magalang na sagot ni Maria. "Ano pala pangalan mo Neng?" tanong ni Aling Dida. "Maria Cri... Maria Vega po!" muntik na siyang madulas doon buti na lang maagap siya. Papasok na sana si Matthew sa loob ng kusina nang may narinig siyang nag-uusap at nakatalikod ang dalawa sa may pintuan kaya hindi agad nakita ni Maria ang amo. "Good morning Sir!" bati ni Aling Dida kay Matthew. "Good morning Manang. Sino po siya?" agad na tanong ni Matthew sa matanda. Humarap naman si Maria at nagtama ang kanilang paningin. "Sir, si Maria po. Siya yung bagong katulong na pinasundo mo." wika ni Aling Dida dito. Tiningnan naman ni Matthew mula ulo hangang paa ang dalaga. Nahiya naman si Maria kaya yumuko na lang ito. "Are you sure na katulong ang papasukan mo at hindi entertainer sa bar?" tanong ni Matthew dahil sa suot nitong jeans at tube blouse. Anong magagawa niya, wala siyang damit na pambahay at di na niya naiisip na bumili dahil wala na siyang pera. "Housemaid po Sir ang papasukan ko." sagot ni Maria kay Matthew. "Don't use that kind of clothes inside my house. Your work here is to prepare all my things. Ayaw ko ng tatanga tanga at maarte. Lahat ng gamit ko dapat masinop na nakaayos at laging nakahanda kapag kailangan ko. Gumising ka ng maaga para lahat ng documents na natapos ko ng gabi sa library maibaba at maiayos mo na sa sala para nakahanda na pagpasok ko ng opisina. Naiintidihan mo ba ako? Sabihin mo lang kung hindi mo kaya at makakaalis ka na." seryosong saad ni Matthew kay Maria. "Ok po Sir! Masusunod po." sagot ni Maria na kinakabahan pa dahil baka hindi niya magawa ng maayos ang mga utos nito at mawawalan na agad siya ng trabaho. "Ok good! Ang kwarto mo sa Maid's Quarters din. Manang Dida, paki turo mo na lang mamaya sa kanya ang mga dapat niyang ayusin sa room ko. At kung hindi ka marunong magbasa, huwag mo kung saan-saan ilalagay ang mga gamit ko." Inis na inis si Maria sa asal ng amo. Minaliit pa siya nang amo at sinabihang hindi marunong magbasa samantalang Bar Topnotcher pa siya. Wala siya masabi dahil kailangan niya ilihim ang totoo niyang katauhan para mabuhay sa sarili niyang paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD