Kabanata 1

1678 Words
Warning: Rated 18+ Luna POV Maingay ang paligid at hindi ko alam itong pinasok ko subalit kailangan ko ‘tong gawin, ito na lang ang huli kong pag-asa dahil halos lahat nang tao ay nahingan ko na ng tulong pero wala ni isang tumulong sa akin at tanging si Mamang lang ang nag-alok ngunit may kapalit. Sa hirap ng buhay ng tao ngayon, kahit anong trabaho ay pinapasok upang kumita ng pera. "Luna handa ka na ba? Sigurado ka ba dito sa pinasok mo?” tanong niya sa ’kin. “Baka bigla kang mag back out ‘pag andoon na tayo kaya sabihin mo na agad para hahanap na lang ako ng iba,” sabi niya sa ‘kin. Si Mamang ay isang binabae na nakatira malapit sa tirahan namin at siya halos lahat ang takbuhan ng mga taong gipit sa pera. "Hindi po mamang, hindi po ako magba-back out, para po ito sa kapatid ko,” sabi ko sa kanya at tinatagan ang loob ko. "Oh, siya sige sakay na,” sabi niya sa akin at pinasakay ako sa kotseng dala niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, basta ang importante sa akin ay magkaroon ako ng pera ngayong gabi para sa operasyon ng kapatid ko bukas. Simula ng mamatay ang mga magulang namin dahil sa kahirapan, ako na ang tumayong magulang para sa kapatid ko at ngayong nasa ospital siya at nag-aagaw buhay, hindi ko siya papabayaan kahit pa na I-benta ko ang sarili kong katawan. Huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang mataas na gusali kaya bumaba kami at nagsalita si Mamang, "Oh, Luna nandyan ang se-serbisyohan mo ngayong gabi. Eto ang room number at ‘wag na ‘wag mo akong ipa-pahiya dahil nagbigay ng down payment ang taong nag-regalo sayo sa kanya,” sabi sa akin ni mamang at itinulak ako papasok sa loob ng isang magarbong hotel. Huminga na lang ako ng malalim at naglakad papasok sa loob ng hotel, tiningnan ko ang binigay sa akin na papel ni mamang na kung saan nakasulat ang room number ng taong pagse-serbisyohan ko ngayong gabi. Nanlalamig ang kamay ko nang pumasok sa elevator at pinindot ang floor number ng kwartong ibinigay sa akin ni mamang. Tiningnan ko ang repleksyon ng sarili ko sa pinto ng elevator, nakasuot ako ng isang fitted dress na sobrang ikli na may mababang neckline. Hindi katulad ng mga damit na sinusuot ko na mahahaba pati na rin ang mukha ko, nag-iba ang itsura dahil sa makapal na koloreteng inilagay ni Mamang para daw walang makakilala sa akin. Nang bumukas ang pinto ng elevator na sinasakyan ko, dahan-dahan akong lumabas at tiningnan ang bawat numero ng kwarto sa gilid ko upang hanapin ang kwarto ng taong pagsisilbihan ko ngayong gabi. Hindi ako sanay sa ganitong trabaho at ni minsan hindi sumagi sa aking isipan na papasok ako sa ganitong sitwasyon. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko na nag aagaw buhay ngayon sa ospital at kailangan ng pera para maoperahan, hindi ko ‘to gagawin. Pinalaki kami ng magulang namin sa malinis na paraan at kahit na nga ba mahirap lang kami basta sama-sama ayos lang, pero nagsimula lang maging komplikado ang lahat ng magkasakit ang tatay namin at nauwi ito sa kanyang pagkamatay na nasundan ng aming nanay kaya kaming dalawa na lang magkapatid ang naiwan dito sa mundong ibabaw. Maayos naman ang pamumuhay naming dalawa kahit na ako ang nagtatrabaho at siya na lang ang nagpatuloy sa pag-aaral dahil hindi namin kakayanin kung pati ako ay mag-aaral pa. Graduating na sana ako pero nang magkasakit ang itay, nagpasya akong tumigil sa pag-aaral para magtrabaho para matulungan sila at hanggang ngayon, hindi ko na sinubukang pang bumalik sa pag aaral dahil mas importante sa akin ang pagtatrabaho para mabuhay kaming dalawang magkapatid. Okay naman sana ang buhay namin ng masangkot lang ang kapatid ko sa isang aksidente nitong nakaraang araw lang kaya nasa ospital ito at nag aagaw buhay ngayon. Wala naman kaming ibang kamag anak na pwedeng lapitan at tanging mga kapitbahay lang, pero sa hirap nga ng buhay ngayon, ano nga ba ang maitutulong nila sa aming magkapatid. Ayokong gawin ‘to ngunit wala na akong magagawa dahil ito lang ang nakikita kong paraan sa ngayon. Nang makita ko na ang number ng kwartong nasa papel na binigay sa akin ni mamang, huminga ako ng malalim saka kumatok. "Kaya mo ‘to Luna," sabi ko sa sarili ko. Para ‘to sa kapatid ko. Nang walang sumagot at nagbukas ng pinto, kumatok ulit ako sa ikalawang pagkakataon. Kailangan ko ‘tong gawin at wala na ‘tong atrasan, ipinapanalangin ko na lang na sana walang gawing masama ang taong pagse-serbisyohan ko ngayon gabi. Nagulat ako ng bumukas ang pinto at iniluwa no’n ang isang matangkad na lalaki na may matipunong katawan. "Come in," sabi niya kaya pumasok ako sa loob ng kwarto. Hindi ko sukat akalain na ganito ang itsura ng se-serbisyohan ko ngayon. Ang akala ko isang matanda at may asawa na pero hindi pala dahil sa tantiya ko matanda lang siya sa akin ng ilang taon at mukhang binata pa. Madilim ang buong paligid ng kwarto kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki, pero isa lang ang malinaw sa akin ang maganda nyang kulay abong mata. Sinundan ko lang siya hanggang sa naupo siya sa kama at tumingin sa akin kaya nag iwas ako ng tingin. "Don't be shy," sabi nya at hinila ako para umupo sa tabi niya. Sa totoo lang, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko dahil hindi ko alam kung ano ‘tong pinasok ko at sana matapos na agad ito. Hindi ako sanay sa ganitong bagay pero para sa kapatid ko lulunukin ko lahat ng hiya ko. Unti-unti siyang lumapit sa ‘kin at hinawakan ang mukha ko para iharap sa kanya. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa at naaamoy ko ang mabango niyang hininga. Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha at ang maganda niyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pinili niya na kumuha ng isang babaeng katulad ko, kung iisipin kasi madaming lalapit sa kaniyang babae sa gwapo at sa tikas niya. "Magtititigan na lang ba tayo?" tanong niya sa ‘kin kaya lumayo ako sa kaniya at umiwas ng tingin. Agad naman niyang hinawakan ang bewang ko na nagbigay kilabot sa buong katawan ko. Ngayon lang may nakahawak sa akin ng ganito. "You’re shy. I thought that you are good with this kind of stuff," bulong niya sa tenga ko at bahagya niyang kinagat iyon kaya napaatras ako pero agad niya akong hinapit ulit dahil hawak niya ko sa bewang. "Don't go anywhere dahil sa pagkakaalam ko akin ka ngayon," bulong niya sa akin at nagsimula ng maglandas ang mga kamay niya sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano itong kiliting nararamdaman ko ng halikan niya ako sa leeg pababa sa dibdib ko. Napakapit na lang ako sa mga braso niya para kumuha ng suporta. Bigla siyang tumigil at tumingin sa mga mata ko. "You can leave if you want, ayoko ng may pinipilit!" sabi nya sa akin ng medyo pasigaw at pinakawalan ako pero andito na ako at kailangan ‘ko itong gawin para sa kapatid ko, kaya kesa umalis lumapit ako sa kanya at sinimulan siyang halikan. "You will never get away anymore woman," sabi nya at hinalikan ulit ako. Napasinghap ako ng bigla niya akong buhatin at iyon ang naging daan para maipasok nya sa bibig ko ang dila niya at pinaglaruan ang dila ko. Dahan-dahan siyang lumakad habang buhat ako at biglang lumapat ang likod ko sa malambot na kama at nag hiwalay ang mga labi namin. "You are mine tonight," sabi nya at sinimulan ng tanggalin ang mga saplot ko sa katawan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, basta ang alam ko na lang ay para ito sa kapatid ko at unti-unti ko ng dinadama ang mga ipinaparamdam niya sa akin na init sa katawan. Tumutugon ako sa mga halik niya hanggang sa parehas na kaming walang saplot na dalawa. He was massaging my breast na nagpalakas ng mga ungol ko. “Your moan sound music to my ears,” sabi niya at ipinapatuloy ang ginagawa niya hanggang sa bumaba ang mga labi niya sa dibdib ko at nilaro iyon. “Be ready, I will enter you,” bulong niya sa tenga ko at bahagyang kinagat ‘yon na nagpaungol sa akin kaya hinalikan niya ako at ipinasok ang dila sa loob ng bibig ko. Inihanda ko ang sarili ng pumosisyon siya sa harap ko at nararamdaman ko ang pagkalalaki niya sa bukana ng pagkababae ko na unti-unti niyang ipinapasok at ng maipasok niya kumawala ang luha sa mga mata ko. “Ahhh, ang sakit!” sigaw ko ng tuluyan na niyang maipasok sa akin ang pagkalalaki nya. “You’re a virgin,” sabi niya sa akin at hindi pa din siya huminto sa paggalaw sa ibabaw ko pero sa ngayon dahan-dahan na lang. Masakit pa rin pero nawawala rin naman ang sakit at hindi na katulad kanina na sobrang sakit. “I will go faster,” bulong niya sa akin at bumilis na nga ang mga paggalaw niya sa ibabaw ko kaya naman napakapit ako sa kanya at kumawala ang mga ungol ko. “Ahh!” ungol ko habang naglalabas-masok siya sa akin. Bumilis ang mga naging galaw niya sa ibabaw ko at nawawala na rin ang sakit na naramdaman ko kanina at napapalitan na ng sarap, hanggang sa nakakaramdam na ako ng kakaibang pakiramdam na parang may sasabog sa loob ko. “I need to pee, so stop,” sabi ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin at bumilis pa ang galaw niya sa ibabaw ko at sabay kaming nilabasan na dalawa. Hinahabol ko ang hininga ko at ganon din siya. “Thank you for the wonderful night,” bulong niya sa tenga ko at unti-unti na akong dinalaw ng antok at ang tanging naalala ko na lang ay ang kulay abo niyang mga mata bago ako mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD