LI XIE

1560 Words
Nang magising si Li Xie ay kaagad siyang napabalikwas at tumingin sa paligid. Nang mapansin niya na hindi siya pamilyar sa lugar ay napakunot ang kaniyang noo.   'Where the heck I am?' tanong niya sa kaniyang isipan habang inililibot pa rin ang kaniyang mata sa paligid.   Nakahiga lamang si Li Xie sa lapag at mukhang hindi rin naalagaan ang lugar kung nasaan siya ngayon. May iilang gamit ngunit hindi ito sapat para mabigayan ng init ang buong paligid. Napayakap na lamang siya sa kaniyang sarili nang mapansin niya na manipis lamang ang kaniyang suot at medyo nilalamig na siya.   "What the F is this? Where am I?" tanong niya sa kaniyang sarili.   Tatayo na sana si Li Xie ng bigla na lamang sumakit ang kaniyang ulo at napahawak siya doon. Ang pagbabalik ng kaniyang memorya. Ang lumang memorya na kaniya ay nahaluan ng isang hindi pamilyar na memorya mula sa ito ay magkaroon ng isip.   Napakunot at napabuntong hininga na lamang si Li Xie nang mapagtanto niya kung ano ang nangyari. Hindi man niya sigurado pero alam niya kung ano ang nangyari.   "Did my soul transmigrate and enter to this body? To think that we also shared the same name, well, I guess it's not bad at all. I still can live my life here," sambit ni Li Xie at tumingin sa paligid. "Is Muen here as well?"   Akma naman na tatayo ulit si Li Xie upang hanapin si Li Muen sa paligid dahil baka magkasama silang napadpad sa lugar na wala silang kaalam alam kung ano ang tawag. Si Li Muen na lamang ang nag-iisa niyang pamilya kaya naman hindi niya hahayaan na mawala pa ito sa kaniya.   Nang makatayo siya ay kaagad naman siyang natumba at napangiwi sa sakit ng buong katawan ni Li Xie.   "What the," napangiwi naman si Li Xie at tiningnan ang kaniyang buong katawan. "Who the hell did this to this body?" gulat na tanong ni Li Xie at hindi alam kung ano ang gagawin.   Doon ay napagtanto ni Li Xie na ang katawan na kaniyang inuukupa ngayon ay maraming galos, pasa, at may mga bali pang buto sa katawan. Hindi lang iyon, may naramdaman din si Li Xie na kakaiba sa kaniyang katawan ngunit hindi niya iyon mapagtanto.   “What the f—” sambit ni Li Xie.   ‘To think that those bastards even tried to rape her?’ hindi makapaniwalang sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan at napayukom na lamang siya ng kamao. ‘Thank goodness and it did not happen or else mahihirapan din ako na paghigantihan ang may-ari ng katawan na ito,’ dagdag pa niya.   “Xiexie’er…” tawag ni Li Xie sa palayaw ng dating may-ari ng katawan na ginagamit niya. “Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong lolo at lola pati na rin ang nag-iisang tiyahin mo na tumulong sa iyo simula ng mamatay ang iyong ina at mawala ang iyong ama. Sisiguraduhin ko rin na magsisisi ang iyong ikatlong tiyahin na wlang ibang ginawa kundi ang pahirapan ka, ang iyong lolo at lola, pati na rin ang iyong tiyahin na laging natulong sa iyo. Ililigtas ko sila at hahanapin ko ang iyong ama,” sambit ni Li Xie at naramdaman niya ang mahinang hangin sa kaniyang tenga.   “Thank you…”   Napangiti na lamang si Li Xie at saka naghanap ng matataguan. Alam niyang babalik pa ang mga ito dahil kailangan pa nilang ilibing ang katawan at hindi nila pwedeng iwan lamang ang katawan ni Li Xie sa lugar na iyon. Kahit na anong gawin ng mga tao, si Li Xie ay anak pa rin ng isang malakas na magic user at hindi siya maaring ipagsawalang bahala lamang.   Nang makahanap naman siya ng tataguan at nasiguradong hindi siya mahahanap doon ay kaagad naman siyang nahiga upang magpahinga at naghalughog sa memorya ng dating Li Xie.   “So this world has a magic and qi.” Ngumiti si Li Xie at halata ang pagkakaroon ng pag-asa sa kaniyang mukha. “I should make my name in this field, this is what I am asking for before anyway,” halata ang pagkasabik sa mga mat ani Li Xie dahil sa kaniyang mga nalalaman.   Nagsimula pang mangalap ng impormasyon si Li Xie sa dating ala-ala ng katawang kaniyang ginagamit ngayon.   Isang dekada na ang nakakalipas nang mawala ang ama ni Li Xie nang ipadala siya ng kanilang Emperor sa isang ekspedisyon kasama ang iba pang magic user. Sa kasamaang palad, sa tatlong daang magic user na sumama sa ekspedisyon na iyon, lima lamang ang nakabalik ng buhay. Dahil doon, nawala na ang ibang kaalaman patungkol sa magic at iilan lang din ang kayang magpalakas at iyon ay ang pamilya na kasama sa apat na malalakas sa Maqi Kingdom.   “Huh? Ibig sabihin ang mga normal na tao ay hindi kayang magpataas ng level kahit na may potensyal sila?” taas kilay na sambit ni Li Xie. “This is bad,” dagdag pa niya.   Nakalap din ni Li Xie sa kaniyang memorya na wala siyang pagkakakilanlan sa kaniyang ina at wala rin naman nagsasabi sa kaniya tungkol doon. Kumunot ang noo ni Li Xie at saka naningkit ang mga mata. Sa oras na iyon, alam ni Li Xie na may kakaiba sa pagkakakilanlan ng kaniyang ina dahil maski ang pangalan nito ay hindi totoo.   “What the f?” kaagad na reaksyon ni Li Xie. “Oh gosh, ang gulo ng mundong ito, ang gulo ng kinahinatnan ko,” dagdag pa niya.   Napag-alaaman ni Li Xie na sa isang tao ay isang elemento lamang ang kayang manipulahin. Apoy, tubig, lupa, at hangin. Ang mga magic user ay mayroon lamang isa sa mga nabanggit at kahit pa subukan nilang pag-aralan ang pagkontrol pa ng ibang elemento ay malabo sa kanila. Sa pagkawala ng mga matataas na antas ng magic user sa ekspedisyon na iyon ay malaking pagbagsak sa pag-unlad ng magic user dahil ang mga nawala sa ekspedisyon ay mga may abilidad na higit sa dalawa. Sa ngayon, ang iisang tao lamang ang kayang kumontrol ng mahigit sa isa. Ang lalaking ito ay may kakayahan na kontrolin ang apoy at tubig ngunti walang nakakakilala sa taong ito.   “Wew, e ‘di may chance na ma-achive,” sambit ni Li Xie. “Let’s see kung ano ang mga level dito.”   Pumikit si Li Xie at hinanap sa isipan ng dating may-ari ang memorya patungkol sa levels ng Magic. Ang magic ay nahahati sa walong pangkat at ito ay ang mga basic, specialty, graduate, elite, master, grandmaster, ancient, at godly. Ang unang limang lebel ay nasa ilalim ng basic stage, ang ika-anim hanggang sampu naman ay para sa specialty, ang ika-labing isa hanggang ika-dalawangpu na lebel naman ay nasa ilalim ng graduate, ang ikadalawampu’t isa hanggang tatlongpu naman ay sa elite, tatlongpu’t isa hanggang tatlongpu’t lima naman para sa master, at tatlongpu’t anim hanggang apatnapu’t lima ang grandmaster. Dahil sa nangyari sa ekspedisyon, ang pinaka mataas lamang sa magic user sa Maqi Kingdom ay Grandmaster at iyon ay ang Hari.   “Wew, this crisis is really something,” sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan.   Marami pa siyang nalaman tungkol sa Maqi Kingdom at nagulat naman si Li Xie sa mga kaalaman na meron ang dating may-ari ng katawan na ito. Kahit hindi siya pinagpala sa pamilya, at kahit na lagi siyang naapi ay mangha na mangha si Li Xie dahil marunong si Xiexie’er na mag-intindi ng mga usapan.   “This is going to be interesting,” sambit ni Li Xie sa kaniyang sarili.   Ilang sandali pa ay narinig niya na may mga tao nang pumasok sa loob ng sira sirang bahay na akala mo ay walang nakatira. Nang hindi makita ng limang lalaki si Li Xie ay kaagad silang natakot sa kung ano ang mangyayari sa kanila kapag nabigo sila sa pinagawa nila. Hinding hindi nila kayang makalaban ang taong iyon.   “Ano na ang gagawin natin? Buhay pa pala ang babaeng iyon! Sana pala hinampas ko na ang ulo niya!” galit na sambit ng isang lalaki.   “Hmp! Ano pa ang magagawa mo e mukhang nakatakas na!” sambit naman ng isa pa.   “Kasalanan ko pa ba?”   “Pwede ba manahimik na kayo. Ang mabuti pa ay hanapin na lamang natin dahil hindi pa naman ata nakakalayo iyon,” sambit naman ng isang lalaki.   Sa kabilang banda naman ay nakikinig lamang si Li Xie sa usapan ng mga lalaking iyon at hindi na alam kung ano ang gagawin. Narinig niya na may yabag na papunta sa kaniyang kinaroroonan at ang kabog ng dibdib na nararamdaman niya ay sobra na darating na sa punto na para siyang nasusuka.   ‘Sht! Hindi ako pwedeng makita!’ sambit ni Li Xie sa kaniyang sarili.   Nang mapansin ni Li Xie ang phoenix mark niya sa kaniyang kanang palapulsuhan ay kaagad naman siyang napangiti ng matindi.   ‘Swerte pa rin pala ako!’ sambit ni Li Xie sa kaniyang isipan.   Kaagad na pumasok si Li Xie sa kaniyang phoenix mark system at sakto naman na sumilip ang isang lalaki. Napakunot ang kaniyang noo dahil sigurado siyang dito magtatago si Li Xie base sa dugo na sinundan niya.   “Sht! Natakasan na ba kami?!” nag-aalalang tanong ng lalaki habang nakatitig sa dugo na nasa sahig. “Mukha atang makikipaglaro ka pa sa amin,” sambit pa niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD