Chapter 1

1311 Words
PINAGMAMASDAN lamang ni Saddie ang doctor habang binibigyan ng another dose ng gamot ang ina niyang nakaratay ngayon sa kama sa loob ng isang silid sa ospital kung saan isinugod kagabi ang kanyang ina nang atakihin ito sa puso dahil sa kondisyon na enlargement of heart. Saka naman lumapit sa kanya ang doctor para sabihan ng ilang bilin. “Ms. Villegas,” bati nito sa kanya ng binatang doctor na halatang may pagka-istrikto lalo na sa suot na specs. “Kumusta po ang ina ko?” malumanay na tanong ng dalaga. “Magiging maayos din siya, siguro kung sakaling magbuti-buti ang kalagayan niya maari na siyang i-discharge mamayang gabi, babantayan pa rin naman ang kalagayan niya,” sagot ng binatang doctor. Tipid na ngumiti si Saddie. “Salamat po, doc.” “I will go na,” saka lumabas ng silid ang binata. “Sige po.” Napasulyap naman si Saddie sa kanyang ina na nagpapahinga na ngayon sa kama nito, unti-unti siyang lumapit, suot na niya ang uniporme pampasok at doon na mismo sa ospital nagbihis dahil sa pag-aalala sa kanyang ina’y hindi na niya naisip na mag-almusal at pagod dahil may ilang oras lang ang tulog niya. Lately, sunod-sunod ang pagpasok at labas ng ina niya sa ospital dahil sa sakit nito lalo na’t tumatanda na rin. Ang ina na lamang ang nag-iisang meron siya kaya ginagawa niya ang lahat ng makakakaya niya para mapabuti ito at maibigay ang pinapangarap niyang buhay para sa ina. Dumilat ang ina niya nang makalapit siya. “Bakit na andito ka pa?” inaantok na tanong ng kanyang ina. “Baka ma-late ka pa, pupunta naman si Aleng Puring para bantayan ako rito.” “Pipilitin kong makauwi agad para kung sakaling makapagpaalam ako ng maaga sa boss ko, rito po ako didiretso agad,” wika ng dalaga kaya hindi na umimik pa ang kanyang ina. Yumuko siya saka binigyan ng maliit na halik sa noo, ayaw pa man niya umalis ngunit wala na siyang magagawa. Kinuha niya ang bag at lumabas na ng silid. Nagbilin pa siya sa isa sa mga nurse roon na bantayan ang kanyang ina at tawagan agad siya kung sakaling kailangan siya roon bago siya tuluyang lumabas ng hospital. Sakto namang tumunog ang phone niya agad niyang kinuha ito, agad na rumehistro ang pangalan ng kanyang boss kaya agad din niya itong sinagot. “Good morning, mister---” Hindi na siya pinatapos nito. [“What's good in this morning, Ms. Villages?”] bungad ng kanyang boss sa kabilang linya. Napapikit sa inis si Saddie, alam niyang ma-late siya sa ginawa niya at alam din niyang may importanteng gagawin ngayon sa kompanya. [“Wala ka sa table mo, in a minute mag-uumpisa na ang meeting with the board, I need you here right now dahil nasa sa ‘yo ang files ng presentation ko, I thought you send it already last night! Pero wala pa rin, where are you now?”] pataas nang pataas ang boses ng kanyang boss. Walang magagawa ang pag-sorry at paliwanag niya lalo na’t istrikto sa trabaho ang tatlong taon na niyang boss na si Maven Ildefonso. “Sir, I will be there in 10 minutes---” "No! Come here right now!” saka siya pinagbagsakan ng telepono. Kaya sa pag-aalala sa kanyang ina hindi na rin niya nagawa ang ilang trabaho na kailangan niyang gawin, gigil na gigil at tarantang-taranta siya nang mga oras na iyon. Laking pasalamat na lamang niya at ilang metro lang ang layo ng hospital na pinagdalhan sa kanyang ina sa kompanya kung saan siya nagtatrabaho. Agad siyang pumara ng taxi at sumakay doon. Halos pamadaliin niya ang driver ng taxi para lang makarating siya roon, habang nasa biyahe nakabukas ang laptop niya sa lap para lang i-send sa kanyang boss ang kailangan nito at agad nitong pinadalhan nang mensahe na nagsasabing nag-email siya. Hindi pa rin mawala ang pagkalabog ng dibdib niya dahil alam niyang masesermonan siya ng kanyang boss sa oras na matapos ang meeting kahit pa na-sent na niya ang kailangan nito, pagkababa niya ng taxi agad na siyang pumasok, may makailang bumati sa kanya na mga katrabaho niya sa Ildefonso Wines and Spirits, pangalawa sa sikat at tanyag na winery company sa buong Pilipinas, at humahabol international. Iilan lang ang kakilala niya sa loob lalo na’t malaki ang kompanya para kilalanin ang lahat naroon, mas kilala niya ang mga tao kung saan siya nag-opisina sa pangangalaga ng kanyang boss na isang director ng kompanyang ito na si Maven. Nang makasakay siya sa elevator hindi pa rin mawala ang takot sa kanyang boss. Sa tatlong taon niyang pagiging assistant slash secretary ng kanyang boss, wala na siyang inatupag kundi ang magtrabaho, maayos din ang pasahod at benefits na nakukuha niya ngunit ilang beses din siyang pumapalpak, ilang beses napapagalitan at nasesermunan. Ang problema ng team nila minsan siya ang sumasalo lahat ng galit ni Maven, nasanay na lamang siya lalo na’t kailangan niyang mahalin ang trabahong ito kahit pa hindi ito ang pinangarap niyang tatahaking trabaho, ngunit para sa ina kailangan niyang kunin para lang din mabuhay sila lalo na’t siya lang din ang inaasahan nito. Pagkapasok niya sa elevator at pagsara nito, agad niyang nakita ang repleksyon niya sa salamin. Pakiramdam niya walang nagbago after three years na nasa kompanya siya, siya pa rin si Saddie na nangangarap, abot hanggang siko ang haba ng buhok habang may silver clip sa gilid, maliit ang mukha, maputla kaya kailangan niyang mag-light make-up para lang magkakulay ang mukha niya, long sleeve na asul at puting pencil cut skirt habang hindi may suot na white two inches sandals na isang taong na niyang gamit, dahil kada-taon lamang siya kung bumili ng bagong gamit. She dreamed of becoming a fashion designer, she had to be realistic in life so she just chose to take up business administration. For her, she was just lucky to get into the IWS Company, she can't remember how she was selected in the interview when she was a newly graduated and there so much better applicants than her. Kaya yinakap na lamang ni Saddie ang swerte na iyon kahit pa sa unang taon niya sa kompanya at sa kanyang boss ay hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang umiyak dahil sa trabaho. She still wants to get to be a fashion designer kaya kasama iyon sa kanyang pinag-iipunang pera, she just needs to prioritize her mother and some of their needs. Bumalik siya sa realidad nang magbukas ang pinto ng elevator saka siya nagmamadaling lumabas, agad niyang binati ang ilang mga katrabaho sa floor na iyon, agad niyang sinalubong ang isa sa malapit niyang kaibigan doon, si Mia. “Mia,” tawag niya rito. Katulad ng dati parang mas papasa pang sikretarya ang kaibigan niya dahil sa maganda nitong pananamit at lumalabas lalo ang hubog ng katawan nito. Bahagyang nagulat pa ang kaibigan at agad na lumapit sa kanya na may hawak pang isang tasa ng kape. “Mabuti’t dumating ka na,” bulong nito saka siya hinila sa isang gilid. Nararamdaman na niyang hindi maganda ang balita ng kaibigan. “Nag-uumpisa na ba?” takot na takot na tanong ni Saddie. “Oo, nanggagalaiti nga sa galit kasi hinahanap ka, pero hayaan muna yon pag narinig naman niya yung rason mo hindi naman na iyon magagalit kung malaman niyang sinugod sa ospital ang mama mo,” pagpapakalma ni Mia sa kanya, “kumalma naman siya ng kaunti.” Ngunit ni isa sa mga ito walang binanggit si Saddie lalo na ang tungkol sa kondisyon ng kanyang ina dahil alam niyang hindi tatangapin ng kanyang boss ang mga rason niya. Parang galit sa buong mundo ang boss niya maliban sa matagal na nitong girlfriend na para bang mas maamo pa sa tuta kung kumilos sa oras na makita nito ang kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD