bc

Between You and Me

book_age16+
567
FOLLOW
2.5K
READ
family
CEO
heir/heiress
drama
bxg
city
office/work place
small town
realistic earth
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Happiness is depends on being free and it depends on our courage. Life is filled with a lot of challenges and problems, we should never be afraid to do things that will make us happy but in my case I can’t do that. I’m locked inside an invisible cage where I can’t express myself and no one is willing to help me out.

I want to have my own freedom where I can love freely and no one will control me. I want to fight for my rights but how can I do that if the person I trust betrayed me?

This is my battle for my freedom, love and family.

Will I be able to win this battle where no one believes in me?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1 - Anastasia Olivia POV
Maaga akong nagising ngayong araw kahit na wala naman akong pasok sa trabaho ngayon dahil holiday. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit maaga akong nagising ngayon kasi five o’clock pa lang ng umaga at ito ako ngayon nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Wala naman akong gagawin ngayong araw na ‘to pero kahit gustohin ko man na bumalik sa pagtulog, hindi ko na magawa dahil hindi na ako inaantok kaya bumangon na lang ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Ang dami kong gustong gawin sa buhay ko pero hindi ko magawa dahil maraming sagabal sa mga pangarap ko. Hindi ako masaya sa trabaho ko dahil hindi naman ‘yon ang gusto kong gawin pero wala akong magawa dahil para lang naman akong isang puppet na kailangan kong sumunod sa gusto ng nagpapagalaw sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit nabuhay pa ‘ko kung hindi ko rin naman masunod ang gusto kong gawin sa buhay ko. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na sa higaan ko at dumiretso sa lamesa ko para buksan ang laptop ko. Wala naman akong trabaho ngayon pero kung gusto ko na mapadali lahat ng gagawin ko sa opisina kailangan kong simulan ngayon ang ibang proposal na malayo pa ang deadline. Ganito naman ang ginagawa ko kapag may libreng oras ako kasi hindi naman ako pwedeng umalis ng walang paalam at kahit nga tunay na kaibigan wala ako dahil kailangan ko pang ipakilala sa kanila ang mga nakakasama ko at kapag hindi nila nagustuhan ang mga kasama ko magagalit sila sa akin at ikukumpara na naman ako sa taong wala naman na dito. Ganun sila kasama sa akin, sinasakal nila ako at wala akong sariling kalayaan. Nakakulong ako sa isang rehas na sila mismo ang gumawa. Kahit anong pag-intindi ko sa ginagawa nila sa’kin hindi ko pa rin sila maitindihan. Nakakasawa na pero hindi ako pwedeng sumuway sa utos at gusto nila dahil hawak nila ako at wala akong magagawa do'n. May pangarap ako pero hindi ko magawa ‘yon. I want to pursue my dream, but I can’t do that. Hindi nila ako pinapakinggan sa mga gusto kong gawin sa buhay ko kaya kahit na ayoko nitong trabaho ko at ng kursong pinagtapusan ko pero wala akong magawa. Hindi ako pwedeng magrebelde dahil lalo lang akong masasaktan, not physically but emotionally. Mas masakit pa ang mga salitang binabato nila sa’kin kesa sa physical na sakit na binibigay nila. Napatingin ako sa orasan dito sa kwarto ko ng may biglang kumatok sa pinto ko, dalawang oras na pala akong nakaharap sa laptop ko pero parang wala naman akong natatapos na gawin. “Ma’am pinapababa na po kayo,” sabi sa akin ng katulong namin. “Susunod na po ako,” sabi ko sa kan’ya at tumayo na sa upuan ko. Huminga ako ng malalim at pumasok ako sa banyo para ayusin ang sarili ko at magpalit ng maayos na damit. Kahit ang damit na sinusuot ko kailangan maayos, para akong may sariling stylist dahil sa gusto nila at hindi ko masuot ang mga damit na gusto ko. Nang makapagbihis na ako, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Naabutan ko sila na nasa living room at mukhang iniintay nila ako. “Let’s eat, we need to talk about something after breakfast,” seryosong sabi sa’kin ng ama ko. The way he said that was a little bit scary, but I’m used to it. Bata pa lang ako ganun na s’ya sa akin kaya wala ng bago. Ang hindi ko lang alam ay kung ano na naman ang ginawa ko na hindi n’ya nagustuhan ngayon kaya ganyan siya sa akin ngayon. “Don’t mind your dad,” sabi sa akin ng ina ko kaya tumango na lang ako. Sumunod na ako sa kanila papunta sa dining area namin at nakahanda na do’n ang mga pagkain namin kaya umupo na ako sa pwesto ko at nagsimula na kaming lahat na kumain. Tahimik lang kaming lahat habang kumakain at kahit isa sa amin ay walang gumagawa ng ingay bukod na lang sa ingay ng mga kubyertos na gamit namin. “Good morning everyone!” sabi ng isang tao na kakadating lang kaya natigilan kaming lahat. “Good morning too hijo, sit down and join us for breakfast,” sabi ni Dad sa bisita. “Sit beside our daughter,” sabi naman ni mommy dito kaya umupo ito sa tabi ko. Umayos ako ng upo at lumayo ng bahagya sa kaniya. I’m not comfortable sitting beside someone I’m not close with. “Good morning Oli,” bati n’ya sa akin. Ngumiti lang ako sa kan’ya at ipinagpatuloy na ang pagkain ko, kumain na rin s’ya at hindi ko na siya tiningnan pa. Pagkatapos namin kumain ng umagahan, dumiretso kaming lahat sa pabalik sa living room. Umupo ako sa tabi ni mommy pero umalis siya sa tabi ko at umupo s’ya malapit kay Daddy. “So, Tito why did you call me here today?” tanong ng bisita namin sa daddy ko. “You know Jaxon I’ve been seeing you as my child and you are a great businessman like your dad,” sabi ni daddy kay Jaxon. “Tito be straight to the point,” natatawang sabi ni Jaxon kay daddy. “I want you to help my daughter with our business because I think she is having a hard time,” sabi ni Dad kay Jaxon. “Dad I’m doing fine, and I can handle my job well!” sabi ko kay Dad at medyo tumaas ang boses ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na sumagot kaya tiningnan ako ni mommy ng masama, napayuko na lang ako dahil do’n. Gusto ko lang naman ipagtanggol ang sarili ko kahit ngayon lang pero hindi ko pala kaya. “Olivia don’t raise your voice on me, I heard that you screwed one of our projects yesterday, so I asked Jaxon here to help you with our business. He is a good man and I trust him so don’t disobey me and follow my orders!” mariing sabi sa akin ni Dad. “Tito you don’t need to get mad at her, I know Oli since we were in high school, and she can do her job very well. Maybe the project is not worth it or useless,” sabi ni Jaxon kay Dad. “She should have check it first or review it carefully so the team can change it,” sabi ni Dad. “Fine Dad. I will work with Jaxon if you really insist that,” sabi ko na lang kay dad para matapos na. Ayoko ng humaba pa ang usapan kasi hindi naman ako mananalo sa kanila at paniguaradong pagkaalis ni Jaxon at pagkatalikod ni dad papagalitan ako ng mommy at kung anu-ano na naman ang sasabihin n’ya sa akin. Nagsasawa na ‘ko dahil paulit- ulit na lang ang naririnig ko sa sermon n’ya sa akin na wala akong ginagawang tama. Iyon kasi ang tingin nila sa akin, wala akong ginagawang mabuti sa mata nilang lahat. Iyon ang tingin nila sa aking lahat. That I’m a useless daughter if they don’t get what they want from me and if I did not meet their expectations. This is my life, and this is how they treat me since I was a kid. I am Anastasia Olivia Montenegro and I want my own freedom.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook