bc

Caught and Burned

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
possessive
sex
pregnant
dominant
submissive
brave
female lead
slice of life
weak to strong
seductive
like
intro-logo
Blurb

Eve Del Rosario got her name from the first woman ever created, Eve. Though her life is not the same as Eve's as she realizes she's unwanted. She needs to live and fend for herself by working as a webcam model. A video performer who performs erotic acts online.

And by doing so, she knew she needed to give up on any chance to form a serious relationship with men. She knows no one will respect her once everyone found out her secret. And she knows she's a scarred person for the rest of her life until Adam Velasco came and started proving her beliefs wrong.

Come and join her on cam.

Disclaimer: This is a Filipino language story.

Content Warning: R18+, this story has mature scenes that contain graphic language and sexual content, which are not suitable for young readers.

chap-preview
Free preview
Prologue
Kung ang ibang mga tatay ay sobra sa pagprotekta sa kanilang anak sa oras na magsimula na itong magdalaga at magka-interes sa isang lalake, hindi kasali ang tatay ko sa mga klase ng tatay na iniisip ang kalagayan ng anak. Tahimik na naglakad ako pababa sa hagdang gawang-kahoy at ilang dagdag lang sa bigat ko ay maaari nang matanggal. Nangangati man ako sa ilang parte ng aking katawan dahil sa kagat ng mga lamok, hindi ko iyon pinansin at mas nag-ingat sa pagkilos para mapakinggan ng maayos ang mga tunog na likha ng pagkilos ni Papa mula sa kusina. Nang tuluyan akong makababa ay naglakad pa ako ng unti at tumigil nang mas marinig ko na ang mga tunog mula sa kusina. "Putang ina," rinig kong malutong na mura ni Papa. Mabilis na bumangon sa aking sistema ang takot dahil alam ko na kung ano ang ibig sabihin no'n. Alam na alam ko ang mga senyales tuwing galit si Papat at alam ko na rin ang mga susunod na mangyayari sa tuwing galit si Papa. Gusto ko man tumakbo paakyat ulit sa kuwarto, mas nanaig ang takot ko lalo pa at sinubukan ko na rin ang magtago... noon. "Putang ina," muling mura ni Papa na ikinaigik ko. "Putang ina talaga!" Nanginginig na napahawak ako sa kahoy na mesa sa aking tabi. Pakiramdam ko ay babagsak ang katawan ko sa sobrang takot habang iniisip ang mga susunod na mangyari. Pumasok sa aking isipan ang tumakbo nang mabilis palabas ng bahay o 'di kaya ay tumungo sa kuwarto at magkulong hanggang sa humupa ang galit ni Papa pero alam kong imposible ang kaligtasan ko kahit pa na gawin ko ang kahit ano sa dalawa. Iba magalit si Papa. "Eve, nasaan ka?!" sigaw ni Papa bago ko narinig ang ilang tunog ng kaniyang pagkilos. Lalong tumindi ang tibok ng puso ko nang lumabas si Papa mula sa kusina at tumigil nang makita ako . Nakasuot lamang ito ng simpleng t-shirt at shorts. May kulubot na ang balat sa mga tamang lugar dahil sa edad nitong forty-six. Bukod sa kulubot na balat, mas kapansin-pansin ang kapayatan nito. At alam ko ang dahilan kung bakit. Alam ko ang dahilan kung bakit ang Papa kong may kalakihan ang katawan noon ay binago ng dalawang taon para maging patpatin ngayon. "Putang ina, Eve! Ano? Tutunganga ka na lang diyan?" sabi ni Papa, halata ang panggigigil sa tono habang nakatingin sa akin na para bang gusto ako nitong sapakin. "Ulam pa ba ang tawag diyan? May pera ka, hindi ba?" Mabilis kong naintindihan na ang tinutukoy niya ang iniwan kong ginamos na binili at niluto ko simula kahapon. Hindi ko maintindihan ang pagkadisgusto niya sa ulam na noon naman ay gustong-gusto niya lalo pa at luto ni Lola Rea. Hindi ko rin alam kung bakit kailangang itanong pa sa akin iyon ni Papa samantalang alam naman niyang wala talaga akong hawak na pera. Si Papa ang may trabaho ngunit base na rin sa mga naririnig kong reklamo niya tuwing umuuwi siyang lasing ay hindi na rin maganda ang nangyayari sa kaniya doon. Madalas siyang wala dahil sa trabaho niyang pagko-construction ngunit dalawang taon na ang lumipas nang mapansin ko ang pagbabago kay Papa. Nagsimula ang mga pagbabago sa kaniya tuwing umuuwi siya nang lasing. Sa mga sunod na buwan, halos na hindi na rin siya umuuwi na dahilan para mag-isip ako na pinili siguro ni Papa na manatili sa site kung saan siya nagtatrabaho kahit na ang totoo ay may medyo kinakabahan na ako dahil sa pagdalas niyang uminom. May mga gabi na hindi ako nakakatulog dahil sa paghihintay kay Papa dahil ayaw kong mangyari na nasaraduhan siya ng pinto kung kailan siya umuwi. Madalas ay nagigising na lang ako na kinakabahan agad dahil baka umuwi na si Papa at hindi ko na napagbuksan ngunit lumipas na rin ang ilang buwan, napagtanto kong halos dalawa o tatlong beses na lang halos umuuwi si Papa sa loob ng isang buwan. Sa mga araw o gabi na nandito siya, doon niya lang rin ako nabibigyan ng pera na umaabot sa isang libo para pagkasyahin ko sa dalawa o tatlong linggo hanggang sa makauwi siya uli. Nagkakasya naman dahil halos lagi akong nasa bahay at hindi nag-aaral para may paggastusan ng kung anu-ano. Bumili na lang akong ng mga de lata at isang dosenang itlog kada week habang sa bigas naman ay isang takal lang ng bigas ang sinasaing ko tuwing umagahan at tanghalian. Dalawang takal naman sa gabi para kung sakali na umuwi si Papa ay may kanin siyang kakainin. Kung hindi naman siya nakakauwi, isinasangag ko na lang ang natirang kanin para sa agahan. Simple man ang naging routine ko sa ilang taon, hindi ako masiyadong na-boring dahil kahit hindi ako tumuloy sa pag-aaral, nanonood ako sa Alltube ng mga video na dapat ay inaral ko kung tumuloy ako ng senior high school. Pinalipas ko ang mga oras ko sa pag-aaral kaya hindi na rin boring sa akin. Hindi man ako nagtuloy sa pag-aaral, nagpatuloy naman ang pagkakaroon ko ng knowledge dahil naniniwala ako na dapat talaga ay may natutunan ang isang tao sa bawat araw na lumilipas sa kanilang buhay. Ngayon, hindi ko maintindihan si Papa. Lumaki ako na si Lola Rea nag-alaga sa akin hanggang sa dumating ako sa edad na disi-sais at namatay si Lola Rea dahil sa cardiac arrest. Si Lola Rea ay ang nanay ni Papa na kumukupkop at nag-alaga sa akin noong kakapanganak pa lang sa akin. Lumaki ako na wala si Mama at noong magkaisip, saka ko hinahanap si Mama kay Lola Rea. Ang tanging isinagot lang sa akin ni Lola ay wala na si Mama. Mabilis kong pinaniwalaan ang sagot ni Lola Rea dahil walang dahilan para magsinungaling sa akin si Lola Rea. Napakabait niya at maalaga kung kaya't malaki rin ang respeto ko sa kaniya. Noong una ay naniniwala ako sa sagot na natanggap ko ngunit isang gabi lang na narinig ko si Lola Rea, narinig ko ang mga sinabi niya na nakapagpabago ng aking pinaniwalaan. "Tumigil ka na, Evelyn! Paulit-ulit ko nang sinabi sa iyo ito. Wala sa akin ang anak mo!" Hindi ko sinubukang alamin kung sino ang kausap ni Lola Rea. Narinig ko na ang sagot mula kay Lola Rea. Ngunit aminado ako na matapos kong marinig ang galit niyang boses, malakas ang pakiramdam ko na may tinatago sa akin si Lola lalo na nang bigla rin bumisita sa amin si Papa at tila galit rin na nakipag-usap kay Lola Rea. Ilan sa mga narinig kong usapan nila ay tungkol sa pagtatago ng kung sino man na anak na hinanap ng caller kay Lola. Napakamahinahon ni Lola Rea kung kaya naman kung sino man ang tumawag sa kaniya, galit sa kaniya si Lola Rea. Pero ang mas nakapagpakaba sa akin ay ang mas malalang galit na nararamdaman ni Papa para caller ni Lola Rea. Lalo pa nang narinig ko na binanggit ni Papa ang pangalan ko. "Walang kukuha kay Eve sa akin, Ma! Ginago ako ng babaeng iyon kaya hindi ko siya mapapatawad!" Ang sinabi niya ang nakapagpaisip sa akin kung sino ba talaga ang tumawag kay Lola Rea. Ayaw kong mag-isip na baka nagsinungaling si Lola Rea sa akin kahit na may parte ng pagkatao ko ang umaasa na mayro'n akong buhay na ina. Ngunit ang mga pangyayaring iyon ay hindi na nagdutungan pa. Kahit na gusto kong magtanong ay hindi ko iyon magawa-gawa. Takot ako na magtanong ulit kay Lola Rea dahil ayaw kong isipin niya na hindi ako naniniwala sa kaniya. Hindi ko rin gaanong ka-close si Papa para magtanong ako sa kaniya tungkol sa ina ko. Alam kong hindi normal na makaramdam ng takot ang isang anak sa sarili nitong magulang kaya noong una ay sinubukan kong mapalapit kay Papa. Nasa puder pa rin ako ni Lola Rea at wala akong sariling cell phone para tawagan si Papa na nasa siyudad kung kaya naman ang ginagawa ko ay hinahantay lamang si Papa na mangamusta kay Lola Rea at pagkatapos ay makikimusta rin sa kaniya. Tanda ko pa ang mga nararamdaman ko no'n sa tuwing napapansin ko ang pagkatahimik ni Papa na para bang wala siyang masabi sa tuwing kami nang dalawa ang magkausap. Ayaw ko man mag-isip ng masama, ang pagiging malayo sa akin ng sarili kong ama ang naging dahilan na rin para sumuko akong sumubok. Nagpatuloy ako sa pananatili sa puder ni Lola Rea ng isang taon bago dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko at buhay ni Papa. Namatay si Lola Rea at kasunod no'n ay ang pagkakuha sa bahay ni Lola Rea na matagal na pala ipinaglalaban ni Lola Rea sa bangko dahil sa mga loan nitong hindi na kayang bayaran sa mahabang panahon. Naging dahilan iyon para ma-depress si Papa lalo na't nang malaman na marami pang pinagkautangan si Lola Rea na hinabol si Papa. Nabayaran ni Papa ang mga utang ni Lola Rea gamit ang mga naipon nitong pera sa ilang taon ng pagko-construction at isang taon ang inabot para matapos lahat ni Papa ang mga hindi natapos na bayarin ni Lola Rea. Masakit ang pagkawala ni Lola Rea. Hindi ko magawang maging masaya kahit na nasa puder na ako ng sarili kong ama. Disi-syete na ako nang malaman ko na may dahilan kung bakit sanggol pa lang ako ay nasa puder ako ni Lola Rea at hindi kay Papa. Nalaman ko ang dahilan nang isang gabi ay umuwi si Papa na lasing. Hindi siya naging bayolente habang lasing bagkus, iyon ang natunghayan kong pinakamalungkot na bahagi ni Papa. Umiiyak na sinabi ni Papa sa akin na hindi talaga siya mahal ni Mama. Na may ibang mahal si Mama at may relasyon pa kay Papa noong mabuntis siya. Sinabi sa akin ni Papa na walang kasiguraduhan kung sino talaga ang tunay ko na tatay at dahil do'n, nagkaroon ako ng galit kay Mama. Nagsimula rin akong maguluhan kagaya ng pagkagulo na nararamdaman ni Papa dahil sa ginawa ni Mama. Naawa ako kay Papa habang pinapanood lamang siya magpakalasing dahil sa sarili kong ina at sa pagkamatay ni Lola Rea. Mahal na mahal niya si Mama pero dahil sa galit niya, kinuha niya ako habang nanghihina pa si Mama sa ospital. Mahal na mahal ko si Papa at kahit may parte sa akin noon na gustong alamin ang katotohanan kung sino talaga ang tunay ko na tatay, pinili ko si Papa. Pinili ko na mag-stay at hindi na alamin pa ang mga bagay na tungkol sa sarili kong ina. Dahil iniisip ko na palipasin muna ang panahon para makausap ko nang mabuti si Papa. Pinili ko rin na hindi muna tumuloy sa senior high school kahit na huling taon ko na iyon na pag-aaral ng high school dahil sa kaalaman na naubos ni Papa ang naipon niyang pera. Sa private school ako pinag-aral ni Lola Rea ngunit hindi ko rin makuha ang report card ko dahil sa natitirang balanse pala ni Lola Rea. Walang problema sa akin na hindi ako nakapagpatuloy sa pag-aaral dahil ang mas iniisip ko ay ang kalagayan ni Papa at ang pagka-depress niya dahil sa lahat ng nangyari. Pinili kong samahan si Papa sa pagpahinga. Pero himbis na mapabuti si Papa habang kasama niya akong maghilom sa pagkamatay ni Lola Rea, nagbago si Papa... nang malaki. Matapos ang isang taon ng paghihirap ni Papa para mabayaran ang mga naiwang utang ni Lola Rea, nagsimula nang umuwi ng madalang si Papa. Naging malaki rin ang pagbabago sa pangangatawan nito sa loob lang ng dalawang taon na lumipas. Nagpatuloy sa pagpayat si Papa hanggang sa ang katawan nito ay halos madali na lang mapatumba kapag binangga. Noong una ay nag-alala ako dahil sa tila agresibong pagpayat ni Papa. Lagi kong napupuna ang mabilis na paglitaw ng buto ni Papa na noon ay natatakpan ng kalusugan niya. Sa sobrang pag-aalala ko ay nag-research ako tungkol sa mga sakit na maaaring makadulot ng pagpayat. Inalam ko ang mga sintomas at ang mga behaviour na maaaring ipinapakita na pala sa akin ni Papa tuwing umuuwi siya. Natakot ako. Nag-alala dahil si Papa na lang ang mayro'n ako. Laging pumapasok sa isipan ko na baka itinatago niya lang sa akin ang sakit niya kaya hindi na siya halos umuuwi ng ilang linggo. Iniisip ko na baka gusto lang ipakita na matapang siya sa kabila ng sakit na idinulot ni Mama at ng pagkamatay ni Lola Rea. Inakala kong may malubhang sakit si Papa para lamang magbago siya sa loob ng dalawang taon. Iyon ang pagkakamali ko. Dahil bukod sa mga sakit na maaaring makapagdulot ng pagpayat at pagbabago ng ugali, may isa pang bagay na maaaring makapagdulot sa kapayatan at pagbabago ni Papa. Walang iba kung hindi ang pag-take ng droga. "P-pa, wala na akong pera. Ubos na iyong binigay mo sa akin na no'ng huling uwi mo, Pa," kinakabahan kong sagot. Tila nainis si Papa dahil sa sagot kong iyon at dahil sa nakita kong reaksyon niya, muling bumalik sa akin ang mga alaala ng mga pangyayaring nasaktan ako ni Papa. Mga pangyayaring naging abot-langit ang takot ko sa kaniya. Noong una ay hindi ko pa alam na nagdodroga si Papa habang nasasaktan niya ako. Nalaman ko na lamang ang lihim niyang iyon nang isang gabi ay umuwi siya ng lasing at nakita ko sa bag niya ang isang supot ng plastic na akala ko pa noong una ay asin ngunit agad ko rin napagtanto kung ano ang hawak ko sa mga oras na iyon. Kahit na gusto ko iyon itapon ay hindi ko magawa dahil sa takot na maging trigger para maging bayolente si Papa. Dahil sa dalawang taon na iyon, naging sikreto ni Papa ang pagdodroga. Kaya pala ang bilis magbago ng mood niya. Kaya pala madalas ay iba ang pagiging iritado niya. Kaya pala simula noong matapos niyang bayarin ang mga naging utang ni Lola Rea ay nagsimula nang mamayat si Papa. Dahil simula no'n, sumuko si Papa sa kalungkutan at nakahanap ng panandalian na saya kahit na ang katapusan no'n ay sakit dahil sa droga. "Tang ina naman, Eve. Babae ka! Kayang-kaya mong gawan ng paraan iyang kawalan mo ng pera!" inis niyang sagot kapagkuwan ay natigilan. Nasa mukha niya ang biglang pag-iisip habang nakatingin sa akin. Nakataas ang isang kilay at nakakunot ang noo habang marahil ay iniisip kung ano ang dapat na gawin sa akin na ikinanginig ko. Naiintindihan ko ang gustong iparating ni Papa. Dahil na rin bente anyos na ako ay puwede na akong magsimula sa maliliit na sideline o kaya naman ay part-time. Lalo pa at pagkatapos kong hindi tumuloy sa pag-aaral ay halos lagi na lang akong nakakulong sa bahay. Kung hindi ko lang alam na nagdodroga si Papa ay noon pa ako nakapagsimula sa pag-aasikaso ng requirements ko pero dahil na rin sa takot na sinimulan niyang itanim sa akin, hindi ko magawang lumabas sa pinaghalo-halong rason. Dahil sa hiya na baka may nakakaalam na sa ginagawang krimen ni Papa. Dahil sa takot na baka umuwi na lang ako at nabalitaang patay na si Papa dahil sa pagkakasangkot nito sa droga. Mas tumatak sa utak ko na tulungan si Papa na magbago at tulungan siyang pigilan ang pagka-adik pa sa ipinagbabawal na droga ngunit dalawang taon na ang lumipas. Ang pagkagusto ko na tulungan si Papa ay hanggang ideya pa rin dahil noong unang beses pa lamang na kinompronta ko siya ay agad akong nakatanggap ng mahapding sampal mula sa kaniya. Wala sinabi sa akin si Papa pagkatapos niya akong sampalin. Basta na lang siya umalis kaya ang akala ko ay iyon lang ang magiging reaksyon niya. Sa isip ko ay baka galit lang siya sa akin at huhupa lang rin ang galit niya pero hindi ko inaasahan na sa mga susunod na uwi niya nagiging bayolente na siya sa akin. Ilang linggo pa rin bago muling umuwi si Papa noon pero bigla ay mas gusto ko na lang na mas matagal siyang hindi makauwi dahil sa mga sumunod na uwi niya, kung hindi pagwawala at pagbabasag ng mga gamit na kinabukasan ay ako ang naglilinis, sa akin niya ibinibuntong ang galit niyang hindi ko alam kung saan nagmula. Sampal, suntok, pasa, at sugat. Kung saan-saang parte ng katawan ko natamo ang mga binigay na iyon sa akin ni Papa. Nagsimula akong magkaroon ng takot sa kaniya lalo na at tuwing hindi nasusunod ang mga gusto niya sa mga araw o gabi na nandito siya. Sa takot na makatanggap ako ng panibagong sakit ay halos gawin ko na ang lahat dito sa bahay para pagkauwi niya ay wala na siyang mapupuna pa pero hindi ko alam na pati sa pagkain ay poproblemahin niya ngayon samantalang noon naman ay halos hindi nawawala ang ginamos kapag kumakain siya, sinabi sa akin ni Lola Rea ang parteng iyon ni Papa kaya ang akala ko ay matutuwa siya. Pero sa lahat ng inakala at pinagdasal kong kabutihan para kay Papa, lagi na lang akong bigo. Lagi na lang nalulungkot at nasasaktan na dinadagdagan naman ni Papa kung kailan niya gusto. Puwede kong iwan si Papa at hanapin na lang si Mama. Kapag ginawa ko iyon, awtomatiko na walang-wala ako. Wala akong trabaho. Hindi nakapag-aral at walang malalapitan. Hindi ko kayang hanapin ang ina ko kung totoo nga talagang buhay siya na wala akong sariling pera. Awtomatiko na rin na hindi ako tutulungan ni Papa sa gusto kong iyon dahil bukod kay Papa, tanging si Lola Rea na wala na ang tanging makakatulong sa akin sa paghanap kay Mama. Hindi ako nagpatuloy sa pag-aaral at nag-stay dahil sa kaniya. Alam na alam iyan dapat ni Papa dahil mahal ko siya at may pakialam ako sa kaniya. Ngunit mas masakit ang katotohanan na ang taong dahilan kung bakit ako nag-stay ang magbibigay sa akin ng sakit at trauma na alam kong hinding-hindi ko makakalimutan. Sobrang sakit na kung sino pa ang unang lalakeng minahal ko ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa sa kahit anong bagay. Kung sino pa ang ama ko, siya pa ang naging dahilan ng pananatili kong sugatan ngayon. Dahil sa kaniya, hinding-hindi ko malilimutan ang ilang gabing naging biktima ako ng pagiging adik niya sa droga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
31.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
89.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
65.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
29.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook