bc

Mine to Love

book_age16+
13
FOLLOW
1K
READ
second chance
heir/heiress
bxg
lighthearted
slice of life
love at the first sight
stubborn
like
intro-logo
Blurb

“You wanted freedom more than you wanted my love. And I am willing to give you that freedom to show you how much I love you”.

-------------

Milani Icel Sandoval is not your ordinary rich girl. Ang motto niya na “What Icel wants, Icel gets” ay kanyang pinaninindigan sa kahit kanino. Malapit na rin niya makuha ang pangarap niya na makatakas at makalayo sa kanyang pamilya. Ngunit hindi inaasahan na magkukrus ang landas nila ni Markus Ice Sebastian. Ang lalaki na naging ultimate crush niya at gagawin niya ang lahat upang pati ito ay kanyang makuha. Pero ano nga ba ang pipiliin niya, ang pangarap o ang reyalidad? Sa mundo ng walang kasiguruhan kaya nga ba niyang pumusta at itaya ang lahat-lahat para sa lalaki na mahal? O mas matimbang ang pangarap niya na makalaya sa mga magulang?

Markus Ice Sebastian, nagmahal ng hindi inaasahan. Pilit man niya na pinaglabanan na mahalin ang babae na nagpapasakit ng ulo niya sa huli ay bumigay rin siya. Naglakas ng loob na sumubok magtiwala at nangako na gagawin ang lahat para sa babae na mahal na mahal niya. Ngunit kaya niya nga ba na isuko ang lahat para sa babae na mahal niya kahit kapalit nito ay ang sarili niya na kaligayahan?

They met in the most unexpected way. When two worlds collide will there be a possibility that in the end both can say that they are each other’s “Mine to Love” or will this be just another sad love story?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“One Double Caramel Frap for Ice!” Nagulat ako ng imbes na ‘yun order ko ay isang malambot na kamay ang nahawakan ko. Nang tignan ko kung kanino na kamay iyon nagulat ako sa nakangiti na babae sa harapan ko na nakahawak na ro’n sa order ko. “Uhmmm, I think, this is mine.” Nakangiti na wika nito sa akin. ‘Di ako nakasalita sa halip napatulala lang ako sa kanya. Ang ganda nang babae sa harap ko, simple pero ang lakas ng dating. Medyo maputi siya na chinita, wavy ang hanggang balikat na buhok at nag-aagaw ang kulay ng kanyang buhok na mamula-mula na may streak ng pagka-violet. Pagnakangiti parang anghel ang mukha niya. “One Double Caramel Frap for Ice.” Parehas kami na napalingon sa tawag na ‘yun ng barista at may nilapag ulit na isa pa na kaparehas na frap malapit sa harapan namin. “Uhmmm, that’s probably yours? Or you’d prefer this one? Sorry inangkin ko na, I never realized meron ako na kapangalan at kapareho pa ng order.” Natatawa na sabi pa ng babae. Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Ang lambot ng mga kamay niya. Ang sarap hawak-hawakan. Gumalaw ang kamay niya sa baso na hawak kaya ro’n lang ako natauhan na nakahawak pa rin pala ako sa kamay niya. “Sorry about that, yeah, but your choice, kahit ano okay lang sa akin.” Nangingiti na pagpapaumanhin ko sa kanya sabay bitaw sa malalambot na kamay niya. Muli niya ako na nginitian. “You can have the new one, it’s the same anyway.” Pagkibit-balikat pa rin nito habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko alam ano ang nangyayari at hindi ko magawa na ialis ang pagkakatingin ko sa kanya, siya rin naman ay nakangiti na nakatingin lang din sa mga mata ko. Para kami na may instant connection na hindi ko maintindihan. “Ice, are you done?” Parehas kami na napatingin sa boses ng lalaki na tumawag ng pangalan ko. Akala ko si Jax ito kaya nagulat ako sa paglapit ng isang lalaki na may katangkaran sa babae na kaharap ko. Tinitigan agad ako nito ng masama bago humarap muli sa babae na kanina ay kausap ko. “Is he bothering you?” Ah, probably the boyfriend mukhang masyado ang pagka-possessive eh. Nakipagsukatan din ako ng tingin sa lalaki na bagong dating dahil hindi rin nito inaalis ang masama na pagkakatitig sa akin na parang nanghahamon. Napansin iyon ng babae kaya muli ito na nagsalita, “Back-off Lane, will you? He’s not bothering me, okay. Take a chill pill!” Muli na humarap sa akin yun babae at ngumiti ng pagkatamis-tamis. “Sorry about that ICE, got to go and see you around.” Sabay kindat nito sa akin bago hilahin palabas ng coffee shop ‘yun lalaki na Lane raw ang pangalan. Sinundan ko pa sila ng tingin bago muli na humarap sa counter at tingnan ‘yun isa pa na order ng frap na inilapag ng barista kanina. Parehas na parehas nga, parehas ang order namin at pangalan na nakasulat sa cup. So the name’s Ice, huh. She’s pretty kaso may bakod na agad. Anyway I don’t intend to do anything. But nonetheless ang lakas ng karisma at hatak niya. “Ice, ang tagal mo.” Napalingon ako sa bago na boses na tumawag sa akin habang inaabot ‘yon order ko, pagharap ko nakita ko si Jax na pala ‘yun at pinuntahan na ako rito sa loob. “Ito na nga palabas na, nagmamadali na naman. Dumating na ba si Rain?” Pagkakuha ko ng order ay sabay na kami na lumabas ng coffee shop. “Wala pa,” sagot lang nito sa akin. Paglabas namin nakita ko ‘yon babae na nakasabay ko kanina na nakasandal sa isang kotse sa may parking sa tapat ng coffee shop kasama pa rin niya ‘yon lalaki na sumundo sa kanya sa loob at may dalawa pa na iba na lalaki na kasama. Napasulyap ako bago sumunod na umupo sa lamesa kung nasan nakaupo si Jax kasama si Lance. “Ang tagal mo mag-order Ice naghanap ka na naman siguro ng target,” sabi ni Lance pagkaupo ko. Napabalik ako ng tingin do’n sa babae at pinagmasadan ko ito ng mabuti. ‘Di katangkaran sa tantya ko mga 5’1 or 5’2 lang ang tangkad nito. Naka-ripped shorts at cropped top blouse na nakalaylay sa balikat ang isang manggas. Naka-white converse ito, at sexy na sexy ang dating. Itinaas na nito ‘yon kanina na nakalugay na buhok niya. Wala ito na masaydo na make-up parang lipstick lang at pulbos ang meron pero dahil maputi siya medyo mamula mula ang pisngi niya. Nakita ko pa na inakbayan ito no’n Lane, ‘yon lalaki na sumunod sa coffee shop kanina, habang ‘yon isa na lalaki ay ginulo ang buhok nito kaya tinabig nito ang kamay. Napa ‘tsk’ nalang ako at nailing, hmm puwede rin, sabi ko nalang sa sarili ko. Maya-maya ay narinig ko na ang pagdating ni Rain. “Bad trip ang traffic.” Salubong ang kilay nito habang naupo sa may tabi ko. Magkakaklase at magkakabanda kami sa kolehiyo na pinapasukan namin sa Saint Roche’s College. Hobby namin itong pagbabanda at dahil madalas kami napipili na mag-perform sa mga school events ay napagdesisyunan na namin na buuin ang Tribe, pampalipas oras at sabi nga ni Lance panghatak ng mga chicks. Hindi pa namin alam kung saan kami dadalahin ng pagbabanda na ito, wala rin naman kami na balak na sumikat at pasukin ang entertainment world sa pagbabanda. Ang pangarap namin ay makapagtayo ng isang recording company. Bukod pa ito sa kanya-kanya na kumpanya na patatakbuhin namin lahat kapag graduate namin ngayon taon. Kaya sa ngayon kuntento na muna kami sa pa-gig-gig sa mga ilang bars at sa mga programa sa eskuwelahan.   Tribe ang pangalan ng banda namin ako ang lead vocalist at lead guitarist, si Jax naman as Bassist, si Rain as drummer at si Lance sa keyboards. Magkakilala na kami ni Jax high school pa lamang. Si Rain naman at Lance ay nakilala namin pagdating ng kolehiyo. At ‘yon na naging magkakabarkada at tropa kami. “Oy, Ice! Walanghiya natulala ka na riyan,” ani Rain na tinabig ako sa balikat. “Sabi ko ano ang plano sa gig sa next week?” Hindi ko namalayan na nawala na pala ako sa paguusap at nakatingin pa rin do’n sa babae at sa mga kasama nito. “Paano na ‘di matutulala maganda naman pala talaga ang tinititigan.” Singit ni Jax na ng lingunin ko nakasunod na rin pala ang tingin sa babae na tinitingnan ko. “Call sana ko ng dibs kaso mukhang ‘di na pwede, ang dami na kasama.” Natatawa na singit pa ni Lance na numero-uno na babaero sa grupo namin. “Tsk, ano ang ginagawa niya rito?” mukhang inis agad na sabi ni Rain. Nang lingunin ko ay ro’n na rin pala ito nakatingin sa babae kanina. “Huh?” Taas-kilay ko na tanong sa kanya. “Kilala mo?” gulat na tanong din ni Jax na nasabay pa sa pagtatanong ko rin. “Icel Sandoval,” sagot nito habang kinukuha ang cellphone niya sa bulsa. “Ano? Anong Icel?” balik tanong ko sa kanya. “Icel Sandoval ang pangalan ng babae na iyan na pinagkakatitigan mo,” Seryoso na wika nito sabay tipa sa cellphone niya na may tine-text. “Oo. Kilalang-kilala ko, pero off-limits na mga bro.” Naiiling na tumayo ito at lumakad paalis sa lamesa namin na ikinagulat namin tatlo. “Saan ka pupunta, dude?” habol na tanong naman dito ni Lance, ngunit hindi na ito sumagot pa. Sinundan namin ng tingin ang papalayo na si Rain at papalapit do’n sa grupo nang babae. “Off-limits?! Walanghiya, si Rain pala talaga matinik”. “Bakit ‘di ko alam na may girlfriend si Rain?” namamangha na tanong naman ni Jax. “Off-limits lang ang sinabi girlfriend na agad sa inyo? Baka nililigawan pa lang,” sabi ko naman na ro’n pa rin nakatingin sa kanila. “Pero bro, off-limits na nga raw kaya tigilan mo na ang kakatitig mo. Bro’s before hoes.’” Natatawa na sabi pa ni Jax habang tinapik pa ang balikat ko. Naiiling nalang ako na uminom sa frap ko. Napatingin ako sa hawak ko na baso ng maalala ko ‘yon nangyari kanina at kung paano nahawakan ko ang malambot niya na kamay. Napangiti ako sa sarili ko ng maala ko ‘yon at maisip ko rin ang mala-anghel niya na ngiti habang nakatitig sa akin kanina. Walanghiya attraction at first sight ba ito? Attracted ka lang Ice, maganda siya oo pero hanggang do’n na lamang ang atraksiyon na ‘yon na nararamdaman ko para sa kan’ya. Napabalik ako ng tingin kay Rain ng makita na nakalapit na ito sa grupo no’n babae. Halata ang gulat sa mukha ng babae ng makita si Rain sa harapan niya, bago ito umalis sa pagkakaakbay no’n lalaki na kasama kanina at lumapit kay Rain sabay yakap dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook