bc

You're My Precious Lady

book_age4+
44
FOLLOW
1K
READ
badboy
student
highschool
virgin
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Isang masipag na working student si Elise at Nagtatrabaho ito upang kahit papaano ay makatulong ito sa kanyang ina sa gastusin at ang kanyang ina ay Matagal ng nagsisilbi  bilang isang katulong sa mayaman na pamilya.

Isang Rich kid si Angelo mula sa mayamang Angkan ng kanilang pamilya at ng dahil sa yaman na iyon maraming gahaman sa kanilang pamilya at nagagawa ang Lahat para lamang Maangkin ang kayamanan.

Sa amerika unang magtatagpo ang dalawa dahil sa paghahanap ni Elise sa kanyang nakaka tandang kapatid na babae at nagbabakasakali sa magandang kapalaran ng kanyang buhay sa amerika.

Hindi inaasahan ni Elise na makikita niyang muli ang lalaking nakilala niya sa amerika at makaka sama pa niya sa iisang eskwelahan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Tirik na tirik ang araw ng nasa beach si Angelo at malalim itong nag iisip habang nakatutok ito sa shower sa labas bago ito lumusong sa beach. Noong araw ng flight ko papuntang states may sinabi si kuya sa akin. "FLASHBACK" "Mag-aral? Hindi mo kailangan pagbutihan, Huwag kang mag aral kung gusto mo, gawin mo lang ang gusto mo huwag kang masyadong mag isip o mag alala ganon lang dapat ang attitude ng Rich kid, hindi na kailangan magkaroon ng pangarap at kung pwede lang sana huwag kanang babalik dito." mahabang pahayag ng nakaka tandang kapatid ni Angelo habang nasa loob sila ng study room sa mansyon at tahimik lang na naka yukong nakikinig si Angelo sa Mga bilin ng kanyang kuya. Nung sandaling iyon naintindihan ko na, pinapunta nila ako sa amerika hindi para mag aral kung di para i-exiled sa pamilya dahil sa maaari kong makuha na mana. At si kuya sinigurado niya na maaangkin niya ang mga bagay na pwede kong maagaw sa kanya. Ang malalim na iniisip ni Angelo habang humihigop na ngayon ng mainit na kape at kasama ang isang amerikanong lalaki na kaibigan niya sa amerika sa labas ng coffee shop na harapan ng beach kung saan lagi siyang tumatambay. "END OF FLASHBACK" "More coffee?" ang tanong ng isang babaeng waitress sa coffee shop ng lumapit ito sa kanila na may hawak na electric kettle at nilapit naman ni Angelo ang kanyang baso sa waitress at mabilis naman na nilagyan ng mainit na kape ang baso ni Angelo. "You not blame them? Your brother who hate you, and your mother give birth you and your father he never heard your side?" Sunod sunod na tanong ng lalaking amerikano kay Angelo ngunit hindi niya ito sinagot at malalim na nag iisip habang nakatingin sa beach. "Wala akong panahon para magalit sa kahit na sino sayang lang ang oras ko." ang seryosong sabi ni Angelo sa kanyang isipan. Nasa School sa isang silid ang mayabang at aroganteng si Edward na nakaupo sa isang silya ng paaralan habang mayroon siyang pinagtitripan na kapwa niya mag aaral na nakatayo sa wall ng classroom. Takot na takot na nakayuko ang isang lalaki na nasa harapan ni Edward na may kalayuan ng kaunti sa kanyang kinauupuan. Habang binabato ang isang tennis ball sa wall kung saan naka tayo ang lalaki na takot na matamaan ng tennis ball habang naka ngiti lang na nanunuod ang dalawa nitong kasama. "Dude anong gagawin mo sa vaccation?" magiliw na tanong ni james na kasama ni edward habang naka upo ito sa lamesa ngunit hindi sinagot ni edward ang tanong ng kanyang kasama na patuloy parin ito sa pagbato ng tennis ball sa wall na nag e-enjoy ito sa kanyang ginagawa. "Mmmmmm Matagal tayong hindi magkikita niyan, mamimiss kita." pang aasar na pagkasabi ni edward sa lalaking pinag titripan nito na nanginginig sa takot ang lalaki. "Bakit hindi mo ako mamimiss? Ito para mamiss mo ako." ang seryosong sabi ni Edward sa lalaki at malakas na binato ang tennis ball sa braso nito na ikina sigaw ng lalaki dahil sa naramdaman nitong sakit sa pagka bato ng bola sa kanya at nagtawanan naman ang magka tropa. "Araaaay Aaa Aaa." ang sigaw na daing ng lalaki habang hawak hawak nito ang kanyang braso na nabato ng bola habang patuloy na nagtatawanan mag magtropa. "Parang sumasablay na ang tetching mo Edward Ah, Ingat ka naman dude." pabirong sabi ni james kay Edward na kina salubong ng kilay niya. "Baka sabihin ng iba binubully natin siya hahahaha." pabiro ding sabi ng isa nilang tropa na si baron na tumawa pa at nakitawa din si james. "Talaga? Ikaw kaya ang tumayo doon?" seryosong sabi nito na matalas na tingin si edward kay james at sinenyasan niya na pumunta rin sa wall ng classroom. Kaya't napahinto sila sa tawanan. "Ano?" takang tanong ni james na hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang tropa. "Ikaw naman ang tumayo doon." seryosong sabi ni Edward kay james. "Sandali dude wala namang ganyanan." mabilis na pag awat ni baron sa kanyang tropa kaya napabaling ang tingin ni edward kay baron na naka salubong na ang kanyang mga makakapal na kilay kaya't napa hinto siya sa pag awat. "Gusto mo ikaw nalang?" masungit pang tanong ni baron kaya't mabilis na nagsalita si james dahil sa tensyon na nangyayari. "Ah dude Sige na tatayo na ako dito gaya ng gusto mo, O bato na." natatawang pilit ni james ng pumunta ito sa wall at mabilis niyang inabot ang bola kay edward. "Pero sinabi ko bang ako ang magbabato sa sayo? Maging fair naman tayo sa friend natin, dude." ang sabi ni edward at sinenyasan niya ang lalaking kanina pa niya pinag titripan kaya't nanginginig na humarap ang lalaki kay edward. At takot na lumapit ang lalaki sa kanya ngunit tinulak ni james ang lalaki para makalapit ng kaunti kay edward. "O ikaw naman, ikaw ang bumato." naka ngiting sabi ni edward sabay abot sa tennis ball at mabilis naman nasalo ng lalaki ang bola. "Pero edward." nanginginig na sabi ng lalaki kay edward kaya't napatawa si edward sa reaskyon ng lalaki. "Oh ano, gusto mo ikaw ang binabato o bigyan ka namin ng chance na bumato? Im sure masasaktan ka parin, kayang kaya kang bugbugin na kahit na sino sa amin hindi ba? But you know what your real problem is? Mangyayari parin ito sayo hanggang sa tumanda ka, bakit? dahil sigurado ako kami rin ang magiging boss mo." mahabang pagpapaliwanag ni edward sa lalaki na lagi niyang pinagtitripan kaya't sa narinig ng lalaki lalo itong natakot at nanginig sa kanyang kinatatayuan. "O ano na? Do it." naka ngiting sabi ni edward sa lalaki at unti unting humihigpit ang pagkakahawak ng bola ng lalaki sa kanyang kamay at malakas na binato malapit sa kinaroroonan ni edward at tumama ito sa salamin kaya't nabasag ang malaking salamin sa loob ng silid. Tumawa naman ng malakas si edward sa ginawa ng lalaki. "Ohooowooyyy matapang karin ah." nakatawang sabi ni edward habang naka upo pa ito at sabay na lumapit ang dalawang tropa nito sa lalaki at kinwelyohan nila ito. "Mataas parin pala ang pride mo kahit mahirap kalang, alagaan mo ang sarili mo,o pano mag ready ka na ah palakasin mo pa ang katawan mo, woohhh natatakot ako sayo alis na ako, see you next sem, enjoyin mo nalang ang maikling bakasyon mo." at tumayo na ito sa kanyang kinauupuan at sinuot na niya ang bag at lumabas na ng silid "Ingat ka dude." maikling sabi ni baron sa kanya at tinaas naman ni edward ang kanyang kanang kamay na senyales ng kanyang pagsang ayon. Pagkalabas ng silid ni edward nagsimula na ang dalawa na walang awang binugbog ang lalaki kaya't napuno ng daing ang loob ng silid. "Muffler,handles,headlight at ang lahat ng inorder mo naka kabit na sir atsaka imported lahat ng parts na yan kaya medyo tumaas ang presyo." mahabang pagpapaliwanag ng manager kay edward habang binubusisi ni edward ang kabuuan ng kanyang inorder na mamahaling motorcyle. "Im sure malaki ang kickback niyo." seryosong pagkasabi ni edward habang patuloy na binubusisi ang motorcyle. "Ah hindi naman masyado sir." nahihiyang sagot ng lalaki at ngumit. "Ang camchain nga pala napalitan ko na." mabilis pang habol ng lalaki. "Para ma-satisfy sa pag ubos ng pera ko? Nakuuuu" ang sabi ni edward na nakatuon parin ang pansin niya sa kanyang motorcycle na binibili. "Hindi naman ganoon sir." mabilis na pag tanggi ng lalaki sa sinabi ni edward. Maingat na tinulak ni Elise ang glass door ng motor shop at mabilis na pumasok sa loob habang hawak hawak nito ang isang box ng pizza. "Ito na po ang pina deliver niyo sir." magalang na sabi ni Elise sa lalaking kausap ni edward habang seryoso paring nagbubusisi si edward sa kabuuan ng motorcyle. "Doon nalang sa dulo iha." mabilis na sabi ng lalaki at tinuro ang kinaroroonan ng mga kasama nito sa shop kaya't mabilis naman tumungo sa dulo si Elise. "Hoy bayaran niyo ang delivery." sigaw ng lalaki sa mga kasamahan nito sa shop. "Opo." maikling sagot na kasamahan ng lalaki. Tuluyan ng nakalapit si Elise sa mga employee ng shop at maingat na pinatong ang isang box ng pizza sa glass table. "16 dollars and 21 cens. Po." magalang na sabi ni Elise sa naka upo sa dulo ng shop. "Eh bakit may butal pa iha? pambili mo ng candy?" natatawang pagbibiro na tanong ng lalaki kay Elise kaya't napa buntong hininga si Elise sa biro ng lalaki. "Ito ang sukli, Ang bayad niyo?" abot nito sa sukli na kanilang inorder at sabay palad na nag aantay ng bayad. "Matalinong deliver girl ha, high school?" naka ngiting tanong ng isang lalaki kay Elise at walang ganang tumingin sa relong suot ni Elise at napa buntung hinga. "Nasa loob ng kahon ang resibo niyo." mabilis na sabi ni Elise sa dalawa. "Anong oras ang uwian mo? Gusto mo bang sumakay sa motor ko?" pagmamayabang na paanyaya ng lalaki kay elise habang malawak itong naka ngisi. "Ayoko." mabilis na pagtanggi ni Elise sa alok ng lalaki at naiinis na ito sa kakulitan ng dalawa. "Ang bayad niyo." tanong muli ni elise sa dalawa na nag aantay parin ito sa kanilang bayad. "Ayyyy huwag kana ngang pakipot, kung gusto mo susunduin pa kita." pangungulit pang sabi ng lalaki kaya't tuluyan ng hindi makapag pigil si elise sa kanyang inis na nararamdaman. Kaya't mabilis na binuksan ni Elise ang kanyang cellphone at may idinial na numero.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook