bc

A MOTHER'S WISH

book_age4+
27
FOLLOW
1K
READ
drama
bxg
realistic earth
tortured
affair
humiliated
prostitute
brutal
victim
Neglected
like
intro-logo
Blurb

FREE STORY. Heavy drama. Contains a lot of disturbing content. READ AT YOUR OWN RISK!

Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang ina para ipaglaban ang magandang buhay ng kaniyang anak.

Ang magpapatunay na ang pagmamahal ng isang ina ay walang katumbas na anumang bagay sa mundong ibabaw maging sa kabilang buhay.

chap-preview
Free preview
MAHIRAP ANG MAGING MAHIRAP
HEIDI "Taho! Bili na kayo ng taho!" "Hindi ka pa naghahanda. May pasok ka ngayon, di ba?" tanong ni mamang habang hinihila niya ang palangganang pagsasahuran ng tulo ng ulan mula sa bubong naming gawa sa yero na ngayon ay mayroon nang butas dahio sa katagalan. "Maya-maya, tinatapos ko lamang itong sinusulat kong diary," tugon ko. "Aba'y bilisan mo't baka hindi mo mamalayan ang oras dahil dyan sa ginagawa mo." Hindi na ako kumibo dahil minamadali ko na ang pagsusulat. Malakas ang buhos ng ulan ngunit hindi iyon hadlang upang kumayod ang mga taong katulad ko na nasa laylayan ng lipunan. -Ano kaya ang pakiramdam na maligo sa ilalim ng shower at hindi sa tubig-ulan?- -Ano kaya ang lasa ng mainit na sopas habang payapang nakikinig sa pagpatak ng luha ng kalangitan?- -Gaano kaya ang maibibigay na kasiyahan ng karangyaan? Gusto kong malaman. Gusto kong maranasan.- "Mang, anong ulam? Kakain muna po ako ngayon bago ako pumasok sa trabaho," ani ko pagkatapos kong itago ang pinaglumaang notebook na ginawa kong diary. "May gamit na mantika pa naman tayo't asin, iyan na muna ang iulam mo dahil wala na tayong pera. Hindi ko pa nasisingil si manang Puring sa pagpapalaba niya sa akin. Bukas pa ako makakapunta sa kanila. Iyong sahod mo ba kailan mo makukuha? Lagpas na ang kinsenas, akala ko ba tuwing sa araw na iyon ibinibigay ang sahod niyo?" Tumayo ako, dumiretso sa kusina upang kumuha ng plato. Binuksan ko ang kaldero, sinimot ang bahaw na kanin at binuhusan iyon ng kaunting mantika na sa sobrang gamit na ay bumubula na't nangingitim. "Susubukan ko pong hingin mamaya para may pambili po tayo ng bigas at ulam mamaya," tugon ko habang binubudburan na ng asin ang kaning may mantika sa ibabaw. "Pwede pa 'yan, pagtyagaan mo na. Tuyo lang naman ang pinaggamitan ko dyan kaya malinamnam iyan," ani mamang no'ng makita niya ang kulay ng mantika sa garapon. Imbes na sumagot, umupo na ako sa upuan, ipinatong ang plato sa mesang gawa sa kawayan at nagsimulang sumubo ng kanin gamit ang kamay. "Pasensya ka na, anak. Di bale, malaki-laki naman iyong suswelduhin ko kay manang Puring. Bibili ako ng galunggong sa palengke, papaksiwin ko," dagdag pa niya. "Ako na lang ang bibili Mang," wika ko habang punong-puno ng kanin ang bibig. Minamadali ko na ang pagkain dahil mahuhuli na ako sa aking trabaho. Masyado pa namang masungit ang boss namin sa mga empleyadong nale-late at ayaw kong maranasang mapagalitan niya. "Dahan-dahan naman at mabubulunan ka sa ginagawa mo," saway ni Mamang. Tumango ako dahil naubos ko naman na ang aking pagkain. Hindi ko na masyadong nginuya dahil hindi ko gusto ang lasa ng mantika. Hindi ko alam kung ilang araw na itong ginamit. Hindi naman ako makapagreklamo dahil iyon lang ang mayroon kami. "Ako na ang maghuhugas dyan sige na magbihis ka na." "Salamat po," sagot ko tapos dali-daling naglakad patungo sa aking kwarto na ang tanging harang lang ay ang kurtinang dating damit ng aming lamesa. Hinubad ko ang saplot sa aking katawan, pinalitan ng uiniporme namin sa restawran na pinagtatrabahuhan ko. Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na ako. Hindi na ako nag-ayos nang masyado, hindi ko rin kailangang magsuot ng make up dahil tagahugas lang naman ang trabaho ko. "Alis na po ako, Mang! Ingat po kayo!" "Ingat ka rin! Tingnan ang dinadaanan, ha! Maliit lang ang eskinita sa atin, Heidi!" babala ni Mamang. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas na ako ng bahay. Hindi ko na naisara ang pinto dahil nandoon naman si Mamang sa loob. Ginawa kong pamandong ang aking bag upang hindi mabasa ng ulan ang aking ulo. Dahil malapit lang ang pinagtatrabahuhan ko sa amin, ilang minuto lang ang lumipas at nakarating din ako. Pagkapasok ko sa loob nagsisimula nang magtrabaho ang mga kasamahan ko. "Late ka na, Heidi. Bilisan mo't baka makita ka ni boss," ani manang Mildred. Siya ang pinakamatagal nang nagtatrabaho rito. Siya rin ang nagturo sa akin ng mga dapat at hindi dapat gawin kapag bumibisita ang bossing namin. "Sige po. Ilalagay ko lang itong bag sa locker," paalam ko tapos tingkayad na nagtungo sa locker room ng babae. Kinuha ko ang susi sa aking bag, binuksan iyon tapos inilagay sa loob.. Maingat ko iyong isinara dahil malakas ang nagagawa nitong ingay dala ng kalawang. "Anong oras na, Heidi?" Nagulat ako noong pagkasara ko'y narinig ko ang boses ng aming boss. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkakataong ito. Sa sobrang takot, napayuko na lamang ako at humingi ng tawad. "Late ka ng dalawang minuto. Babawasan ko ng isang daan ang sahod mo," ani 'ya. Noong marinig ko iyon, kaagad kong itinaas ang aking ulo, nagmamakaawang wag niya iyong gawin. Napakaliit ng dalawang minuto para sa malaking parusa. Lumuhod ako, muling humingi ng tawad at nangako na hindi na iyon mauulit. "Hindi mo na talaga mauulit dahil tatanggalin na kita kapag na-late ka pa! Bumalik ka na sa trabaho mo at marami kang huhugasang plato!" galit nitong bulyaw bago ako talikuran. Pinigilan ko ang luha na pumatak. Nanghihinayang man sa isangdaang kaltas, wala na akong magagawa. Mas mainam na iyon kaysa mawalan ako ng trabaho. Ang hirap maghanap, ang hirap makakuha ng trabaho lalo na kung mababa lang ang pinag-aralan katulad ko. Dahil salat sa pera, at maagang iniwan ng ama... tanging Grade 6 lamang ang tinapos, hindi pa nagkaroon ng diploma dahil kailangan kong tumigil para magbalat ng buto. Pumasok ako bilang katulong sa edad na labingdalawa. Iyon ang una kong trabaho ngunit hindi ako nagtagal doon dahil manyak ang amo kong lalaki. Tinangka niyang pasukin ang kwarto ko noong nagpapahinga ako. Wala ang kaniyang asawa noon pati na ang kaniyang anak, kami lamang ang naiwan sa bahay. Noong hindi ko siya pagbuksan ng pinto dahil alam ko ang mangyayari, pinagbintangan niya akong nagnakaw ng alahas na hindi ko naman ginawa. Nagmakaawa ako sa pamilyang pinasukan ko, isiniwalat ko sa kanila ang ginawa ng amo kong lalaki sa kaniyang asawa ngunit imbes na makinig, pinagtawanan ako nito't kinaladkad palabas ng kanilang bahay. Dahil hindi ako pwedeng tumigil dahil may sakit noon ang aking ina dahil sa lungkot, ako lang ang aasahang maglalatag ng pagkain sa hapagkainan at susuporta sa kaniyang gamot. Pumasok ako bilang tagatinda ng basahan sa kalsada, naging dispatcher, tagatinda ng sigarilyo at kendi. Lahat ng pwede kong pasukan, pinasukan ko. Wala akong pake kung panlalaki basta kaya ko... pinapasok ko. Napakahirap ng pinagdaanan ko. Iyong tipong gusto mo na lang bumitaw, gusto mo na lang tumigil dahil sa pagod pero kapag nakikita ko ang mukha ni mamang, nawawala ang lahat. Hindi ako pwedeng sumuko, hindi ako pwedeng tumigil. Kapag naaalala ko ang panahong iyon, walang palya, lumuluha ako. "Tahan na. Wag mo na lang gagawin ulit dahil talagang tototohanin ni boss ang kaniyang sinabi," ani manang Mildred. Tumango ako habang sinasabon ang plato. "Tatlong daan lang ang araw natin dito manang. Kung babawasan niya pa ano na lang ang mabibili ko sa dalawang daan? Naggagamot si mamang, napakamahal pa ng bigas." "Ay... ganoon talaga, anak. Mahirap talagang maging mahirap. Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan natin at hinayaan ng Diyos na malagay tayo sa ganitong sitwasyon, lalo na ka, napakabata mo pa para kumayod. Labingwalo ka lang pero ang katawan mo ay puno na ng muscle. Ang kamay mo'y puno na rin ng kalyo, senyales na marami ka na talagang pinagdaanan. Naaawa ako sa iyo, anak. Alam kong ganoon din ang nararamdaman ng mamang mo. Masakit para sa isang ina na makita ang anak nito na kumakayod imbes na mag-aral," mahaba niyang lintanya. Ngumiti ako, mapait iyon. Masakit din at mahirap para sa akin na tanggapin na ito na siguro ang itinakda para sa akin, ang magbalat ng buto hanggang sa mamatay ako. "Kung gusto mo anak kumita ng pera... bakit hindi ka pumunta kay Aling Myrna? Sa kabila. Nag-aalok siya ng trabaho para sa mga kagaya mong dalaga na wala pang karanasan. Malaki ang bigayan... bakit hindi mo subukan? Kahit isang beses lang, kikita ka ng limang libo sa isang gabi," ani 'ya. Tiningnan ko si Manang Mildred, puno ng pag-asa at pasasalamat ang aking mata. "Talaga po? Ganoong kalaking halaga sa isang gabi lamang? Ano pong gagawin ko?" tanong ko sa kaniya. Tumahimik ito. Kinagat niya ang ibaba niyang labi bago sipatin ang paligid kung mayroong tao. "Alam mo ba ang trabaho ng pagbebenta ng katawan?" tanong niya sa akin. Umiling ako. Anong klaseng trabaho iyon? Ibibigay ko sa kanila ang lamang-loob ko? Hindi ba ako mamamatay roon? "Hay... mainam na magpunta ka kay Aling Myrna nang siya na ang magpaliwanag sa iyo. Mamaya pag-uwi, dumiretso ka sa kaniya, maliwanag? Iyon ay kung gusto mo lamang kumita ng malaking halaga nang hindi na magtiis sa trabahong ito," ani 'ya. Tumango ako ng tatlong beses. "Maraming salamat po, manang Mildred!" masaya kong bulalas nang may matamis na ngiti sa mukha. Imbes na matuwa, hindi ko alam kung bakit bigla na lang niyang iniwas ang kaniyang tingin na para bang nagsisisi siya sa sinabi niya sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

POSSESIVE MINE

read
967.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.5K
bc

His Obsession

read
63.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook