bc

PRIME II (Deciphering the Past)

book_age18+
15.0K
FOLLOW
155.8K
READ
revenge
sex
boss
mafia
heir/heiress
humorous
mystery
brilliant
high-tech world
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Itinuring ng 20-anyos na binata na tinawag nilang Prime ang kanyang maskara na isang sumpa. Ninakaw ng maskarang iyon ang kanyang kabataan at patuloy nitong pinapaalala sa kanya ang hindi matatakasang tadhana. Simula pagkabata ay ganito na ang suot niya para itago ang kanyang pagkatao sa mga kaaway ng kanyang ama na isang Mafia Lord. Upang matikman kahit saglit ang isang normal na buhay, minsan ay hinuhubad niya ang kanyang maskara at tumatakas sa mansyon. Ang kanyang butler na si Dylan na kanyang tanging pinagkakatiwalaan at kaibigan ang syang nagsusuot ng kanyang maskara at nagpapanggap na Prime sa tuwing siya ay nawawala. Ang samahan ng dalawa ay nagkaroon ng lamat nang pareho silang umibig kay Sashna, ang babaeng may mahalagang papel pala sa nakaraan at tanging susi sa kasalukuyan.

chap-preview
Free preview
Morning Kiss
Sashna's pov: Sa dami na ng pinagdaanan namin, hindi ko akalaing aabot kami sa ganito. Ilang beses nga ba kaming nag-away? Ilang beses nga ba akong naasar sa kanya? Ilang beses din ba akong naiyak dahil sa kalokohan niya? Hindi ko na mabilang pero… sa maiksing panahon, ilang beses nya na rin akong niligtas. Ilang beses niya ng pinunasan ang mga luha ko, at ilang beses nya na rin na pinaramdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Aizen. I love you, Aizen. Agad kong naimulat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses kong sinasabi ‘yon sa aking imahinasyon. Halos mapabalikwas ako sa pagbangon dahil sa panaginip kong ‘yon. Napatulala ako sandali at pinakiramdaman ang puso kong mabilis na tumitibok sa loob ng aking dibdib. S-sandali! Hindi iyon panaginip! Totoong sinabi ko ang mga salitang ‘yon sa kanya kagabi! Sh*t! Halos lumuwa ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang ginawa ko. Napahawak ako sa magkabila kong pisngi at dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ay tinapik-tapik ko ang mga ito. “Urgh! Nakakahiya!” usal ko habang sinasaktan ang aking sarili. Ibinagsak kong muli ang aking katawan sa kama at saka nagbuntong-hininga. Haayyy! Paano ko siya haharapin nito ngayon? Muli kong ipinikit ang aking mga mata habang nakalatag ang aking dalawang braso. Sinariwa ko ang mga nangyari kagabi at hindi ko mapigilang mapangiti. Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala ko ang pag-amin niya na mahal niya ako at sinagot ko rin naman siya ng ganoon din. Habang iniisip ko iyon ay tila paulit-ulit kong naririnig ang kanyang boses sa aking isipan na paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang… ‘I love you, Sashna’. Lalong lumapad ang ngiti ko at ramdam na ramdam ko ang nag-uumapaw na kilig sa aking kalooban. Kinuha ko ang unan at itinakip sa aking mukha na ngayon ay pulang-pula na. Nagpabaling-baling ako sa magkabilaang parte ng kama habang pinapadyak-padyak pa ang aking mga paa. Yiihhh! Hindi ko mapigilan ang sarili kong h’wag ngumiti at kiligin kaya lang ay kumakawala talaga sila sa loob ng dibdib ko! Paano ako lalabas ng silid ko nito? Paano ko haharapin ang kumag na ‘yon ngayon? Muli akong bumangon at lumingon-lingon sa kwarto ko. Patalon pa akong lumapit sa parihabang salamin na nakatayo sa sulok at tinitigan ang itsura ko. Maganda naman ako, hindi ba? Hmn? Kinuha ko ang suklay at sinimulan kong ihagod ito ng marahan sa aking buhok. Nagpaikot-ikot din ako sa harap ng salamin at sinuri ang aking katawan. "I'm sexy, aren't I?" I asked myself while looking at my buttocks from the mirror. I looked at myself while facing the mirror then I pushed my breasts together to emphasize my cleavage from my spaghetti-strap top. My breasts aren't small, but why does he say I still need enhancement? That p*rvert! Hmp! Napabuntong-hininga na lang ako. Ano ba ‘tong ginagawa ko? Why did I suddenly become conscious of my appearance? Kahit ano pang gawin ko, si Aizen ay si Aizen! Aasarin niya ako kung kailan niya gusto at wala akong magagawa kung hindi ang mapikon na lang. Magbabago pa kaya ang gano’n niyang trato sa akin? Hmn? Imposible. Tinalikuran ko na ang salamin at malamyang lumabas ng kwarto ko. Napahikab pa ako kaya napapikit ako ng pilit at nagtakip ng aking bibig. Mmnn! Mataas na ang araw pero parang inaantok pa rin ako. Bakit nga ba hindi ako nakatulog ng maayos kagabi? Marahan akong naglakad papuntang banyo. Nakasara ang pinto at sa tingin ko ay may tao sa loob. Naiihi na ako, matagal pa kaya? Kakatok na sana ako ng pinto kaya inangat ko na ang aking kamay kong bahagyang nakatiklop ngunit hindi pa man lumalapat sa pinto ay bumukas na itong bigla. Napatulala ako nang tumambad sa aking harapan ang matipunong dibdib ni Aizen na may butil-butil pa ng tubig na gumuguhit paibaba. Napahinto din siya sa pagkusot ng tuwalya sa kanyang basang buhok nang makita akong nakatayo doon. Agad akong napatikom ng bibig nang mapatingin ako sa kanyang mga mata na halatang nagulat din ng kaunti. S-sh*t! “Sashna—" Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin nang bigla akong magtakip ng bibig at agad na tinalikuran siya. Bigla kasing kumabog ang dibdib ko nang makita ang gwapo niyang mukha at pakiramdam ko ay namumula na naman ang magkabilang pisngi ko! Naman oh! Patakbo akong pumunta ng kusina at iniwan siyang nakatanga sa akin. Hindi ako makaharap sa kanya dahil nakakaramdam ako ng hiya. Gusto ko siyang makita at makausap na tulad ng dati pero… parang naiilang na akong gawin ‘yon ngayon. Anong gagawin ko? Habang nakaharap ako sa lababo ay napapatulala ako sa gripo. Sinusubukan kong pakalmahin ang puso kong parang nagwawala na naman sa loob ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim ngunit sa pagharap ko sa aking likuran, ay nakatayo na pala sa may pintuan si Aizen! Sinundan niya pala ako?! B-bakit!? “Akala ko magbabanyo ka?” tanong niya na humakbang pa palapit sa akin. Nagsimula na namang dumagundong ang dibdib ko dahil alam kong lalapit siya sa akin at wala akong maatrasan dahil lababo na ang nasa likuran ko. Itinikom ko lang ang aking bibig at natatarantang umiling-iling bilang tugon. Mukhang kakaligo niya lang dahil nakatapis pa ng tuwalya ang ibabang parte ng kanyang katawan at wala pa ring saplot ang kanyang pang-itaas. Lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya. Bakit naman kasi hindi muna siya magbihis? Gusto niya ba talaga akong akitin!? Nangunot naman ang noo niya dahil hindi ako nagsasalita. Ang totoo ay ayoko talagang magsalita dahil hindi pa ako nagsisipilyo. Hindi naman ako ganito noon sa kanya pero ngayon… ewan ko ba! “Bakit ba hindi ka nagsasalita?” tila naiirita nyang tanong nang makalapit sa akin. Hindi ko naman siya matignan ng diretso kaya yumuko na lang ako ng bahagya. “H-hindi pa kasi ako nagsisipilyo.” Narinig ko ang tila pagngisi niya at hindi ako naging handa nang bigla na lang niyang pitikin ang noo ko. “ARAY!” bulalas ko nang maramdaman ang sakit. Napatingin tuloy ako sa kanya ng masama kaya lang nang makita ko siyang nakangisi sa akin ay agad na namang dumagundong ng husto ang puso ko. A-ano ba ‘to! Tzk! “So what?” he asked as he lifted my chin up and gave me a quick kiss that stunned me. Uhmp! He slowly parted our lips and my heart seemed to stop beating when I saw his beautiful ocean eyes looking at me as well. He licked the top of his lip and then grinned, "Your taste is still delicious." Tumalikod na siya at naglakad palayo samantalang parang hindi ko na mabawi pa ang aking hininga dahil sa ginawa niyang iyon. Sigurado akong mas mapula pa ngayon sa kamatis ang mga pisngi ko. Napayuko akong muli at tikom ang bibig kong itinakip ang palad ko sa aking mukha. Sira-ulo talaga siya! K-kainis!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
294.8K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.1K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
10.2K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.2K
bc

EASY MONEY

read
173.3K
bc

YOU'RE MINE

read
891.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook