bc

Lez Girls 2

book_age18+
1.3K
FOLLOW
10.1K
READ
love-triangle
sex
second chance
badgirl
bitch
dare to love and hate
CEO
sweet
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Sabi nga nila, nothing is more than powerful than regret.

Laging nasa huli ang pagsisisi. At ang hirap hirap non sa part naming nang-iwan.

Kung tutuusin, mas mahirap ang nang-iwan sa naiwanan. Because you always have that regret inside your heart and that holds you from moving on.

You always have that doubt, 'yung "sana."

Sana hindi ko siya pinakawalan.

Sana pinili ko na lang siya.

Sana sinuklian ko 'yung pagmamahal niya.

Sana masaya pa kami hanggang ngayon.

Sana ako pa rin ang mahal niya.

Sana lumaban ako.

Sana pinaglaban ko siya.

Sana, sana, sana...

Ang daming "sana." At sobrang sakit. 'Yung nanonoot sa buto ang sakit. 'Yung bawat gabi ay umiiyak ka because you always have that regret.

'Yung marerealize mo kung gaano siya kahalaga kapag nawala na siya.

That regret of losing the one you love.

The one that made you feel the imposible things that you can't feel to anyone else but her.

Siya lang.

Siya lang ang makakapuna at makakabuo sa 'yo.

Sa part namin, sila lang ang makakabuo ulit sa amin.

Ang mga babaeng nagpabalikwas sa amin, ang nagturo sa aming 'wag matakot mag mahal ng kapwa mo babae dahil wala namang mali do'n, dahil nagmamahal ka lang naman. Love is love ika nga nila.

Pero alam niyo 'yung the time is not right for us? Gano'n ang nangyari sa amin.

Our love story ay nasa napaka maling pagkakataon, sa maling time frame.

Sana lang pagdating ng tamang panahon, magkaroon ulit kami ng second chance.

Sana naudlot lang ang love story namin.

Sana lang. Sana lang talaga..

At alam namin na nakagawa kami ng mali sa mga taong minahal namin, pero sana kapag dumating na 'yung pagkakataong 'yon, sana...

Sana mahalin pa rin nila kami. At sana mapatawad nila kami.

Sana...

- Lez Girls.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Princess
Hi Again, My Queen.             ***  Princess Ramos. 2 YEARS LATER. "Ate! Dito!" I can't explain my happiness when I saw Prince waiting for me at the arrival area of NAIA Terminal 3. Nag-excuse ako sa mga taong madadaanan ko at literal na tinakbo ang naghihintay kong kapatid kasama ang Nanay a Tatay namin. Halos matumba kami nang masalo niya ako. Dinamba ko lang naman kasi siya. Natatawa sina Mama at Papa sa amin lalo na ang ibang mga taong nakakasaksi sa amin. "Oh my! Ang baby boy ko, ang laki-laki na," Masayang ginulo-gulo ko ang naka-brush-up na buhok nito. Natatawa naman niyang inayos ang buhok niyang ginulo ko. "Oo naman anak, matapos nang matagumpay na surgery niya two years ago, tuloy-tuloy na ang progress ng kapatid mo," Nakangiting niyakap ko si Mama pati na rin si Papa. "Salamat anak ha? Nang dahil sa 'yo, natupad ang matagal na nating hinahangad para sa kapatid mo." Something inside me snap at that. I felt like I've been slap in the face. Because the thought of Queenie Hartman came into my mind like always in every day for the past two years. Ngumiti na lang ako nang pagak kay Mama at hinimas ang pisngi ni Prince. "Ate, dala mo ba ang mga chocolates ko at pinabili kong Xbox?" excited na tanong ni Prince. Kumikinang pa ang mga mata niya nang dahil sa saya at excitement nito. Nakangiting napapalatak si Papa. "Ikaw talaga, Prince. Kakarating lang ng Ate mo, tsokolate at laruan agad ang tinanong mo." Nanggigigil kong pinisil ang pisngi ni Prince. "Oo naman baby boy, makalimutan ko na ang lahat 'wag lang ang mga hinabilin mo," Prince squeal in happiness. Napasuntok pa ito sa ere. "Hay naku, tigilan mo na 'yang Ate mo, Prince. Pagod ang Ate mo sa byahe niya. Halika na anak, may kaunting hinanda kami para sa iyo sa bahay. Sana magustuhan mo," "Syempre naman 'Nay, magugustuhan ko 'yan for sure." Niyakap ko si Mama at naglakad na kami patungo sa exit. Nasa gilid ko si Prince at niyakap nito ang kamay niya sa bewang ko. Si Papa naman ang nagtulak sa trolley cart ko. "Ate kumusta na pala si Ate Queenie? Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. Magmula rin nang umalis ka, hindi ko na rin kasi siya nakita. I missed her." Bigla akong natigilan, si Mama at Papa ay tinignan ako nang maka-hulugan. Bigla din nanlamig ang buong katawan ko. Sumabat si Mama. "Ahm, Prince. Huwag mo na munang tanungin ang Ate mo, pagod siya 'di ba? Samahan mo muna ang Papa mo na buhatin ang bagahe ng Ate mo sa likod ng sasakyan." Mag po-protesta pa sana si Prince nang bahagyang itulak ni Mama ito kay Papa. Nang mawala sila sa paningin namin, niyakap kaagad ako ni Mama. "Hindi niya alam, anak. Pasensya ka na kung natanong niya 'yon." Napalunok ako nang madiin at pilit na ngumiti kay Mama. "O-okay lang po, Ma." I sighed with a smile. "Tara na, Ma. Gusto ko nang makakain ng luto mo," My Mom smile warily at me then nod her head in understanding. ****** Pagdating namin sa bagong bahay na pinagawa ko, nagpaalam kaagad ako kay Mama na papasok muna sa kwarto ko at magpapalit ng damit. At ngayon, isang oras na akong nakakulong lang sa kuwarto ko habang nakamasid sa dating cellphone ko, sa mga pictures namin ni Queenie. "Princess, halika na anak, kakain na tayo." Agad kong itinago ang cellphone at nagpunas ng mukha dahil hindi ko na pala namamalayan na umiiyak na ako. "Opo, Ma. Palabas na po ako," Pilit kong pinasigla ang boses kong sagot kay Mama sa labas ng kwarto ko. Mabilis ang galaw na nagpalit ako ng damit pagkatapos ay naghilamos para hindi mahalata ang mugto ko nang mata. I even put a light make-up para walang bakas nang kalungkutan ang mababasa sa mukha ko paglabas ko ng kuwarto. Nandito kasi lahat ng kamag-anak namin pati na rin ang mga bagong kapitbahay namin inimbita din ni Mama. For the last two years, marami na akong naipundar, kasama na itong bahay at kotse na binili ko para sa pamilya ko. Meron din akong maliit na business na itinayo, isang coffee shop exclusive for LGBTQ+. After I finished college which is isang taon lang ang itinagal dahil bago ako umalis, isang semester na lang naman ang kinailangan kong tapusin para makapagtapos ako ng College, pero sa University na pinagdalhan sa akin, isang taon ang inabot ko para matapos ako sa kurso kong Business Management dahil kinailangan ko pang kunin ang mga course nila na wala sa course ko dati sa Hartfield. Right after I graduated, nagtrabaho agad ako sa isang malaking kumpanya sa New York, kung saan ako nag-aral at nakapagtapos. Kung tutuusin, hindi ko na kailangan umuwi pa dito sa Pilipinas dahil sa maganda na ang trabaho at buhay ko sa New York, dahil isa na akong General Manager sa kumpanyang pinag ta-trabauhan ko. Pero umuwi pa rin ako dito to fulfill my promise. Because I'm going to win back the girl who once been mine. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako ng kuwarto ko at sinalubong ako ng pagbati at yakap ng mga kamag-anak ko, pati na rin ang mga kapitbahay naming hindi ko kilala. But I still put a smile in front of them, I still put a good joke to make them laugh and I still pretend like I'm okay even if I'm not. After all the greetings and such, kumain na nga kaming lahat at ang sarap ng kain ko at talagang napasubo ako sa sarap ng mga pagkain na niluto ni Mama. Namiss ko 'to. After kong kumain, I got a call from my friends. Excited akong nagpaalam kay Mama at sa mga bisita na papasok lang ako sa kuwarto ko para sagutin ang videocall. Pagsara ko ng pinto ng kwarto ko, doon na bumungad sa paningin ko ang mga mukha ng mga kaibigan ko. "Girls! Sh*t! Namiss ko kayo!" I wave my hand in front of the camera habang ang laki ng ngiti ko sa pagkakakita sa kanila after months of not talking with each other. Dahil sa mga busy schedule namin, once in two months or once in 6 months na lang kami nagkaka-usap. "Princess! Gosh, ang ganda mo! Hindi kita nakilala agad. Kundi lang sa boses mo pagkakamalan kita as the newly crown Miss Universe." I chuckle to Georgina's remark. Maraming nagsasabi na kamukha ko ang nanalong Miss Universe ngayon. Kaya kapag lalabas ako, it's either may magpapa-picture or autograph. It cracks me everytime I'll tell them I'm not Demi Leigh. "Thank you, George," I wink at her dahilan para matawa siya pati na rin ang iba pa naming kaibigan na ang lalaki ng ngiti sa labi. Winonna looks like she's still in bed. Gabi ata kung nasaan siya ngayon. While Amina looks like she's at the Art gallery of Violet. Tasha was in the bed too. Mukhang kakagising pa lang pero ang ganda-ganda pa rin. Then Sarah looks like she's in the jet plane. Mukhang kakalapag pa lang nang sinasakyan nito. "Sarah, where are you?" Tanong ko. "Oh, I'm outside the base, we visited some wounded folks then I tried to connect to the internet dahil alam niyo naman dito sa Afghanistan ang hirap makasagap ng signal." "Hindi ka pa ba uuwi, Sarah? Winonna, Tasha and I are going home in three days. While Amina will come home the day after our flight." Georgina asked. "I'm here at least another week. Then after that I can go home. Why? You miss me already?" Sarah asked in a teasing tone. She even wiggle her perfectly shaved eyebrow dahilan para matawa kaming lahat. "Yeah kinda," "Whoa fancy. Is that a british accent I hear from you, George?" Sarah teased her again. Nangingiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko. "Whatever, Lacarte. Anyway, Cess, maiba ako? Kumusta ang transfer mo d'yan sa Philippine branch ng kumpanya n'yo?" I hum, "Well, malalaman ko pa lang mamayang gabi. My boss didn't inform me the details. He said later. Which is New York working time." Winonna whoop. "Sana all general manager." I laugh at Winonna. "Oo nga. Manlilibre ka pagdating namin, ha?" I rolled my eyes playfuly at Tasha's. "Tash, you're a senior marketing manager. Just one step closer to my position." Ngumiti lang si Tasha. Actually kaming lahat ay magaganda ang naging trabaho. Like I said, Tasha is a senior marketing manager sa isang sucessful company sa Spain, while Winonna is now the Department Head or the Senior Manager in LAVA; a very prestigious Architecture company in Germany and she has her own business right now where she is the wedding planner. Hindi lang siya pipitsugin na wedding planner, ha? Because her clients are high profile people, her recent client is a royalty in Norway. While Georgina is the youngest leading prosecutor in Manhattan, New York, but she finished law school in Oxford. While Sarah is expecting a rank-up in the Army after her mission. From Lieutenant Colonel to Lieutenant General. Then there's Amina, ang tagapagmana ng Silvanus Shipping Company. Her father is a Baron in Portugal. Noong ngang nalaman namin iyon ay talagang na shock kami. But Amina is working as an assistant and a photographer to Violet in France right now. "Princess, birthday mo na bukas. So, what's your plan?" Napatanga ako do'n. "Bukas na ba 'yon?" Nakangiting tinignan ko 'yong phone ko at tama nga si Winonna. It's my birthday tomorrow. "Ay grabe ka girl, sariling birthday kinakalimutan," Amina shook her head in disbelief. Napahalakhak naman silang lahat. "Sorry naman, maybe kakain lang kami sa labas ng pamilya ko. Wala pa rin naman kayo bukas so, hindi na muna ako maghahanda. Kapag na lang nakarating na kayo rito." Ilang sandali pa ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko dahil nakaramdam ako ng matinding pagod nang dahil sa jetlag. Matutulog muna ako. Gumising ako 1 hour before my business meeting with my boss. Nakasuot na ako ng corporate attire with the skirt and blazer while my hair is being tied in a bun. I need to be presentable kahit sa video call lang kami magkikita ng boss ko. As expected, when the time comes in, my boss appreared on my MacBook. We said our pleasantries and then he told me about my transfer details here in the PH branch ng kumpanya namin. But what I didn't expect is about my transfer. "About your transfer, well there's a major change that we recently came into terms. My boss decided to transfer you into Hartman Industries. Don't worry you'll have the same job, and rest assured that you will have the same benefits and salary. By tomorrow, you'll report to the CEO of the Hartman Industries, which is Miss Queenie Hartman." Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig. I gulped three times. "Wait, Sir? You said, Queenie Hartman?" My boss smiled kindly at me. "Yes, Queenie Hartman, the new CEO of Hartman Industries. Anyway, goodluck and thank you for your excellent work here in New York branch, Miss Ramos. Have a nice day ahead. 'Bye." Parang akong natuklaw ng ahas. Ang lamig na rin ng buong katawan ko sa aking nalaman. "Are you f*cking kidding me?" I whispered under my breath then the smile on my lips grew wider and wider. And because I'm too overwhelm, hindi ko na namalayan na napasigaw na ako. Kumatok agad si Mama sa pinto ng kwarto ko at tinanong kung okay lang ba ako. "Okay lang po ako, Ma!" Sigaw ko. "Okay na okay na ako, Ma." Hindi ko na namalayang napahiga na lang ako sa kama ko habang ang laki-laki ng ngiti sa labi ko. "Sh*t, the universe provides." Sa sobrang saya ko, kinuha ko ang isang unan ko at napatili na lang doon. ****** Magmula sa pagka-bun ng buhok ko, hanggang sa pagkakaayos ng pencil skirt and blazer ko hanggang sa hawak kong LV bag. I once checked myself to my full body mirror here in my room. "Tama ba ang make-up ko?" Tanong ko sa sarili habang chinecheck kung may sobra o kulang ba sa make-up ko. I need to look good today because finally after 2 years, makikita ko na rin ulit si Queenie. I want to impress her. Sana tanggapin niya ulit ako. Sana hindi na siya galit sa akin. Napabuga ako nang malalim na hininga and with one last look on the mirror, I fetch my car keys at nagpaalam na sa pamilya ko na papasok na ako, hindi na rin ako nakakain. Dinala ko na lang ang starbucks coffee tumblr ko. Magmula nang mag trabaho ako sa busiest city in the world, swertehan na lang kung makakakain ako ng matinong breakfast. Madalas, coffee and bagel lang ang kinakain ko. Lalo na nang nag-aaral pa ako sa NYU. Pagdating ko sa kotse ko, huminga muna ako ng ilang beses before I started the engine. Kinakabahan ako. This is the first time after 2 years na makikita ko si Queenie. After what her father made me do 2 years ago, tinupad ko ang pangako na hindi ko guguluhin si Queenie. We have an agreement na kami lang ni Mr. Hartman ang nakakaalam. Well, pati na rin pala ang Nanay at Tatay ko. He used my parents para mapapayag ako lalo sa gusto niya. He even throw the free surgery card to my brother para wala na akong kawala sa bitag niya. Partly, naintindihan ko naman kung bakit niya 'yon ginawa. Malapit nang bumagsak ang kumpanya nila noon, and he hardly needs his heir to take over. Queenie is a very good leader. Mas pinagkakatiwalaan pa siya ng mga nasa business world kaysa sa kanya. Same goes with Sabrina. He said that I'm a huge distraction to Queenie and he also said that, Queenie needs to focus on running their company that's why he also gave me the scholarship in NYU. Sinagot na rin niya ang bahay at allowance ko kasama ang granted na free surgery ng kapatid ko; na matagal nang inaasam ng parents ko, siyempre pati narin ako. Who am I to say NO to all of that? It's a choice that I painfuly take kahit sobrang labag sa loob ko na iwan si Queenie without informing her. Masakit of course. But I have to endure it and I have to fight in order for me to survive and I promise to myself that I'll be back and get her back. Kaya naman, pagdating ko sa company building ng mga Hartman. After kong ma-i-park ang kotse ko sa designated parking lot ng General Manager, I gather all my stuff and took a long sigh before entering the company. I stopped at the reception area and said that Miss Hartman is expecting me today. Tinignan ng receptionist ang kabuuan ko at halata ang paghanga sa mga mata nito habang nakangiti sa akin. I reciprocated her smile. "Of course, Miss Ramos. Here's your visitor's badge. The elevator is that way, just press the 15th floor." Turo niya sa apat na elevator na pinapasukan at nilalabasan ng mga taong busy-ing-busy sa kanilang kanya-kanyang ginagawa. I smiled at her and get my badge and thank her after. Inipit ko ang badge sa gilid ng blazer ko at nagtungo na sa elevator. I sipped my coffee then pressed the 15th floor just like the receptionist said. Mabuti at ako lang ang laman ng elevator. Magsasara na sana ang elevator nang may sumigaw sa akin. "Wait! Please hold the elevator, Miss!" Agad ko namang iniharang ang kamay ko sa papasarang elevator door. Aligaga namang pumasok ang isang babaeng sobra sa pagka-sofisticated at kagandahan. Lalo na nang ngumiti ito sa akin. "Phew! That was close. Thank you, Miss. You're a real gentlewoman." Ngumiti ako sa kanya. "Your welcome." She mirror my look. "You're new here?" She asked. Her voice is really beautiful and it resembles kindness. "Yes. I'm being transfered here by my recent company in New York." Her mouth forms an 'O' shape, "Oh, impressive. New York huh?" I chuckles, "You can say that." "I guess you're the new GM," hindi patanong, kundi isa itong statement dahilan nang pagkunot ng noo ko in curiousity. I wonder why she knew that I'm the new GM of this company? Nang makita ko ang dala niya. Napangiti ako. "Coffee and flowers for your boyfriend?" Napatingin siya sa akin at napatawa. "Yes and no. Girlfriend ang meron ako." Ako naman ang namilog ang bibig. Hindi dahil sa pagka-bigla na girlfriend ang meron siya, kundi dahil sa marunong din pala siyang magtagalog. I forgot to mention that she's pure foreign woman. Based na rin sa blonde nitong buhok, sa blue nitong mga mata at sa mala porselana nitong kutis. "What a thoughtful girlfriend." Nanunudyong sabi ko with a playful smile on my lips. I don't usually talk to strangers, I mean you know where I came from, where people don't give a sh*t about other people. But I'm somewhat comfortable with her presence. She breathes then let out a melodious laugh. "Thanks. I'm trying. It's our anniversary and I plan to get her out of here for a date. But she has an important meeting to attend to so I just decided to surprise her today." Magsasalita na sana ako nang bumukas na ang pinto ng elevator. Bigla naman kumabog ang puso ko knowing that I'm getting nearer and nearer to Queenie. "'Bye and thank you again for what you did earlier." She wink at me then storm to I don't know where. I'm too preoccupied of seeing Queenie again kaya naman hindi ko na siya nabigyan ng formal goodbye. Again, I took a long breath first before stepping out of the elevator. My heels are clicking into the floor and every click I hear coming from my heels, dumadagungdong naman sa pagkabog ang puso ko. When I made it to the secretary's table, nanlaki ang mga mata nito sa pagkakakita ulit sa akin. "Oh my god, Princess?! Ikaw na ba 'yan?" Napatayo si Zoila sa kanyang upuan at saka ako dinamba ng yakap. Zoila is Mr. Hartman's secretary and we somewhat became friends noong naging girlfriend ko si Queenie. "Gosh, kumusta ka na? Ang tagal kitang hindi nakita, ha? Saan ka ba nagpuntang babae ka?" I laugh at her questions. Halata talagang namiss niya ako. Well, the feeling is mutual. "Okay naman ako, heto still trying to survive. I've been to New York, USA." Her eyes glint in amazement. "Wow, New York. Ibang-iba ka na girl, huh." I just smile at her. "Thanks. Ahm, is Queenie inside? She's expecting me today." Her mouth forms an 'O' shape, "Oh, you're the new GM?" I just nod my head while smiling at her. "Yes, she's expecting you. Wait, I'll just check if she's alone at the moment." Tumango lang ako nang magsignal siyang aalis lang siya. Matiyaga naman akong naghintay dito. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Zoila with a shy smile on her lips. "She said that you can enter her office now." I nod my head and walk towards the office na tinuro sa akin ni Zoila. Bago ako kumatok sa pinto, Zoila called my name. "Ahm, Princess?" "Yeah?" I can see that she's hesitating to say something. "Ahm, good luck." Nginitian ko ito. "Thank you, Zoila." I really need that. Bulong ko sa loob-loob ko. I knock three times and when I open the two leather door, sumalubong sa akin ang dalawang bulto ng katawan. They were so close and what shock me more is they were kissing. Napahiwalay tuloy sila sa kanilang ginagawa nang sabay pa silang tumingin sa gawi ko. Parang akong tinuka ng ahas at hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko nang makita ang babaeng nakasalamuha ko sa elevator kanina at ang babaeng gustong-gusto kong makuha pabalik. Queenie's eyes made contact with mine. "Oh, hi! Ikaw 'yung babae kanina sa elevator, right? Nice to meet you again, I'm Cammie, Queenie's girlfriend." Inabot nito ang kamay niya sa akin. Pero heto ako parang na estatwa sa kinatatayuan ko. I'm Cammie, Queenie's girlfriend. Queenie's girlfriend. Queenie's girlfriend. Queenie's girlfriend. Parang sirang plakang nagpaulit-ulit ang sinabi niya sa utak ko. F*ck. "Ahm, are you okay?" Pinilig ko ang ulo ko at nag-offer ng ngiti sa babae at professional na shinake ang kanyang kamay na nakalahad. "Nice to meet you, I'm Princess Ramos." She let out an huh-sound. "Princess Ramos. So, you are my girlfriend's ex, huh." Her kind smile never falter. She don't even look at me funny, just like other girl who find out that their girlfriend's ex will work with her girlfriend. Now I'm starting to like her. "Anyway, I'll leave you two to it. I'll be going now. Queenie?" Queenie's eyes shifted at her. "Hmm?" "Don't forget about later, Luv. 'Bye!" She winked at Queenie then her eyes landed at me again. "Nice to meet you again, Luv. And thank you again for what you did in the elavator earlier." That's all she said before she exited the office of the CEO. Naiwan kaming tahimik dito. I don't know what to do nor even say now. I'm too blown away by what I find out and by what I saw few seconds ago. I was bring back to my own reverie when I heard Queenie cleared her throat to get my attention. I decided to forget what I just saw for a while and put a professional smile to Queenie's. "Welcome to Hartman Industries, Miss Ramos." Lumapit ako sa kanya at kinuha ang nakalahad nitong kamay. "Thank you, Miss Hartman." We shook hands but I can't seems to let go of her warm and cotton-like hand. The feeling of touching her again brings a jolt of emotions in me. I missed it. She tried to get her hand back but I'm pulling it more. I didn't know that I'm doing that anyway until she spoke, "Can I have my hand back?" Agad kong binitawan ang kamay niya. Her smile is screaming professionalism as she sat to her swivel chair. "Please sit down and let's discuss what needs to be discuss today with your transfer here in our company." Humugot ako nang malalim na hininga bago umupo sa upuan kaharap ng grand table niya. The whole time that we're talking about business matters, parang unti-unti rin nauupos ang pag-asa sa puso kong makuha siya pabalik. My presence seems nothing to her though. At habang magka-usap kami, I can see the glint of happiness in her eyes and I painfully know that I'm not the reason of that happiness anymore. Hanggang sa matapos ang meeting namin, at hanggang pagdating ko sa kotse ko, nasa loob na ako ng kotse at hindi ko na napigilang ibuhos ang hikbing kanina ko pa pinipigilang gawin. Napayuko na lang ako sa steering wheel at doon ako umiyak nang umiyak. F*ck. Ang pinapangarap kong babaeng makakasama ko sa habang buhay, page-aari na ng iba. Happy birthday to me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K
bc

NINONG II

read
616.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.4K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
450.7K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook