bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

book_age18+
45.2K
FOLLOW
398.0K
READ
billionaire
dark
possessive
arrogant
badboy
brave
CEO
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

WARNING: Mature Content!

SA edad na bente singko, walang naging nobyo si Yucefina. Walang gustong makipagdate sa kan'ya dahil angas at tapang na paguugali nito.

Nais n'yang magkaroon ng anak kahit walang Tatay dahil pinakiusapan s'ya ng kan'yang pinakamamahal na amain na gusto nyang magkaroon ng apo dahil tumatanda na ito.

Sa tulong ng kan'yang kaibigan, naka-hanap s'ya ng lalakeng gustong makipagtalik sa kan'ya. Doon n'ya nakilala si Logan Dela Fuesco—A Womanizer Millionaire. Sinaluhan nila ang mainit na mag-damag at nagkasundo na hindi sila magkitang muli.

Subalit hindi nabuntis si Yucefina. Negatibo ang lahat ng resulta. Dismayado s'ya sa nangyari. Sinubukan n'yang hanapin si Logan pero bigo ito.

Ngunit paano na lang kung nag-tagpo ulit ang landas nilang dalawa at naging Boss n'ya pa ang lalakeng palpak na kumuha ng kan'yang p-agkababae? Mabubuntis pa kaya s'ya o gagawin lang s'yang pampainit sa kama?

chap-preview
Free preview
TEASER
“WALA namang k’wenta ang s*perm ng lalakeng ‘yon, Veranica! Ni hindi man lang ako nabuntis! Guwapo sana pero baog naman!” sigaw ko sa kan’ya habang nilalantakan ang pancake. Mabilis kong nginunguya ‘yon dahil may trabaho pa ako ngayong alas nuebe. “Ano, wala ka bang balita sa baog na ‘yon ha?” “Sorry naman, Yucefina gurl. Kakuwi ko lang kahapon galing Hawaii. I couldn’t find Logan anywhere but by the way, bakit ka kayo lumipat sa City na ‘to? Thank goodness my condominium unit ang Tita ko rito kaya mabibisita kita,” maarteng usal n’ya habang sinisipsip ang straw para mainom ang grape juice. Nandito kami ngayon sa isang fancy restaurant. Naka-harap kami sa isa’t-isa habang ako ‘yong lumalamon. Dito kami nag-kita dahil hindi n’ya alam kung saan banda ang bagong apartment namin at baka maligaw daw s’ya. She’s my best friend, Veranica Vades. Anak s’ya ng Milyonaryo kaya ang arte nito pero okay lang, magkasundo naman kami. Simula college, partner in crime ko na ang babaeng ‘to ‘e. “I said, bakit kayo lumipat? Ang layo ng City na ‘to ha. Papahirapan mo pa akong bumiyahe para makita lang kita,” maktol n’ya. Huminga ako ng marahas at pabagsak na sumandal sa malambot na sandalan. “Alam mo na ang dahilan! Ang daming chismosang kapit-bahay. Lagi na lang ako napapaaway dahil sa kanila. Naiintriga sila sa love life ko porke iba-iba ang kasama kong lalake! Ni hindi pa nga ako naka-tikim ng t*ti— Okay, sabihin na nating nu’ng mga nakaraang buwan lang pero... simula nu’ng nagaaral tayo sa kolehiyo, lagi nila akong pinagdidiskitahan!” walang hiyang sigaw ko at napansin kong pinagtinginan kami ng mga taong kumakain dito sa loob. Ang yayaman pa naman nila tignan. Wala naman akong pake. “Hindi ka pa rin ba buntis hanggang ngayon?” malumanay n’yang tanong. Napa-hawak ako sa noo at marahas na sinabunot pataas ang mga hibla ng buhok ko ro’n dahil naiinis ako! “Paulit-ulit? Hindi nga ‘di ba?! Grabe pa naman ang pinagdaanan ko sa Logan na ‘yon! Halos magiba ang matres ko sa ginawa n’ya tapos hindi pala ako mabubuntis?! Wala naman kaming ginamit na proteks’yon!” iretableng usal ko pa na ikinatawa naman ng Gaga. “Nag-pirmahan pa kami ng kontrata na kahit mabuntis ako, wala s’yang pananagutan! Pero kinuha n’ya lang ang p*agkababae ko tapos wala naman palang nabuo!” May dahilan kasi kung bakit gusto kong magkaroon ng anak. Gustong-gusto ni Tatay na magka-apo dahil tumatanda na raw s’ya. Hindi ko s’ya totoong Ama. Pero for me, s’ya na ang pinakadakilang Ama sa buong mundo. Anim na taon lang ako nu’ng iniwan ako ni Mama dahil sa pesteng brain tumor. Simula nu’n, si Tatay na ang nag-alaga sa ‘kin at hindi talaga s’ya nag-kulang kahit napakabasagulera kong babae. ‘Yong totoo kong Ama, ewan ko kung saan s’yang lupalop ngayon dahil hindi pa nga ako lumabas sa puwerta ng Mama ko, lumayas na ang tarantado. Nahihiya naman akong tumanggi kay Tatay dahil ang laki ng utang na loob ko sa kan’ya. Pinaaral n’ya ako tapos nu’ng nakapagtapos na, doon ko na s’ya pinatigil sa pagtatrabaho bilang family driver ng isang mayamang pamilya. Magiisang linggo na kami sa City na ‘to at naka-tira na kami sa isang apartment sa malaking village. Nag-hanap agad ako ng trabaho at may napasukan agad. Natanggap ako bilang graphic designer sa isang publishing company. Tamang-tama dahil hiring sila. Pangalawang araw ko na ngayon. “Sana tinanong ko kung baog ang lalakeng ‘yon...” mahinang maktol ko sabay sumubo ng sunod-sunod para maka-alis na ako rito. Na’ng dahil kay Veranica, nakilala ko ‘tong baog na Logan. Magkakilala kasi sila ng Papa n'ya dahil nga parehas silang milyonaryo. Kinausap nitong kaibigan ko ang lalakeng ‘yon kung interesado ba s’ya sa offer ko. Nu’ng una, wala s’yang pakealam pero na’ng makita ang litrato ko... aba’t nag-bago ang isip ng hunghang! Nakipag-meet s’ya sa ‘kin tapos may contract na s’yang naka-handa para paniguradong labas na s’ya kapag nabuntis ako! Baldado ako nu’ng gabing ‘yon! Para s’yang uhaw na uhaw sa katawan! “Tiniis ko ang sakit lalo na’t ang laki ng berdugo n’ya tapos hindi rin pala ako mabubuntis?! Ilang pregnancy test na ang sinayang ko dahil every 2 weeks, sinusubukan ko pero walang senyales!” reklamo ko pa habang pinapakinggan lang ako ni Veranica. “Relax ka lang, gurl. Maghahanap na lang ako ng bago at sisiguraduhin ko na para buntis ka na agad!” maarteng sigaw n’ya. Pabagsak kong nilapag ang kutsarang hawak ko sa platong may lamang bawas na pancake. Huminga ako ng malalim dahil nanggigigil ako. Wala kasi akong mapagsabihan maliban sa babaeng ‘to. “Paano ba kasi, natatakot ang mga boys sa ‘yo dahil kasing init ng ulo mo ang ulo ni satanas. Wala tuloy gustong i-girlfriend ka! You’re so dope, pinagkamalhan ka pang tomboy kahit hindi ka naman lalake kumilos. Talagang terrifying lang pakinggan ang boses mo. Tapos dagdagan pa ang muscles mo sa braso!” naka-ngiwi n'yang sabi kaya inangat ko naman ang kanang braso ko para matitigan ang biceps ko ro’n. “Would you stop punching your punching bag at home?” Binalik ko sa kan’ya ang tingin ko. “Hindi naman ganoon kalaki ang muscle ko ah? Sakto lang, hihimatayin lang naman ang sasapakin ko kapag pinadapo ko sa kan’ya ang kamao ko. Isa pa, ang pagsusuntok sa punching bag ang paraan para marelease ang stress ko at pang self-defence na rin. Try mo kaya,” enganyo ko sa kan’ya pero mas lalo lang s’ya ngumiwi habang kapit-kapit ng dalawa n’yang kamay ang basong may lamang juice. “Hell no, gurl. I am doing fine. I am not depressed,” malambing n’yang sambit kaya inikot ko naman ang mga mata ko. Sadyang maarte lang ‘to kaya ayaw n’ya. “Bahala ka. Sige na, trabaho na muna ako.” Tumayo na ako sa upuan at kinuha ang sling bag na naka-lapag sa ibabaw ng mesa. “Hoy, ‘wag kang pupunta sa bar ngayong gabi ha. Malilintikan ka sa ‘kin kapag nalaman ko,” pagbabanta ko habang cellphone naman ang kapit n’ya ngayon. “Oo na. Alam ko, take care!” masiglang usal n’ya na’ng inangat ako ng tingin at kinindatan pa ako. Hindi na ako nag-salita pa at nag-lakad na ako palabas ng restaurant. Nag-abang lang ako ng taxi tapos na’ng may makita na ako, sumakay na agad para makarating na sa tinatrabahuhan ko. “Thank you po Kuya,” pormal kong sambit na’ng inabot ko na ang bayad sa unahan. Na’ng natanggap na n'ya, bumaba na ako sa taxi at humarap sa matarik na building na hangang 10th floor. Pinasok ko na ang entrance. “Good morning Yucefina! How’s your first day yesterday?” masiglang bati ng isa sa mga receptionist sa front desk. Naka-puwesto ‘yon sa left side habang nasa kanan naman ang waiting area. Sa ngayon, wala naman akong nakikitang bisitang naka-upo sa couch. Naka-tayo s’ya sa loob ng semi-circle desk habang may hawak-hawak na cup. Parang nagkakape yata s’ya. “Ayos naman, Drei! Ang dami ko pang gagawing book covers ngayon!” pabalik kong sigaw dahil ang lawak ng ground floor na ‘to. Patungo na ako sa elevator dahil nasa third floor pa ang designing department. Naka-sarado ng unang elevator kaya sa pangalawa na lang ako papasok. “Cancel my meeting tomorrow with Miss Kingsley.” Napa-hinto ako sa pag-hakbang na’ng may narinig akong pamilyar na boses sa bumukas na elevator. “Copy, boss.” Unti-unting namilog ang mga mata ko na’ng masilayan ang pamilyar na pagmumukha. Tumibok-tibok agad ang mga kaugatan ko sa ulo habang pinagmamasdan ang lalakeng dalawang buwan kong hinahanap. Mukhang hindi n’ya ako napansin dahil napa-titig s’ya sa wrist watch n’ya. Kinuyom ko ang mga kamao at humugot ako ng napakaraming hangin bago ko ibuga ‘tong mga lalabas sa bunganga ko. “HOY LALAKENG BAOG! LUMAPIT KA RITO SA ‘KIN AT MAY PAGUUSAPAN TAYO!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.7K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.3K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.7K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
285.7K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.0K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
430.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook