bc

69 DAYS WITH MR. MILLIONAIRE

book_age18+
144
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
kickass heroine
dare to love and hate
twisted
bxg
lighthearted
female lead
realistic earth
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

It was all started sa isang isla kung saan dumalo sina Amihan at Exodus sa isang beach wedding. Nagkakilala sila at agad na nahulog sa isa't-isa, until Amihan gave her everything to Exodus. Parehas silang masaya at nagpakalunod sa kaligayahan ng 69 days. Not until, isang araw ay sinundo na si Exodus ng mga tauhan ng Papa nito which is isa pala itong milyonaryo. Shocked si Amihan, kasabay noon ang pagsundo rin sa kanya ng kanyang mga kapatid at ang bestfriend niyang si Damien. Masakit para kay Amihan na magkakahiwalay na sila ni Exodus that day kasi parang hindi niya kaya. Pero ang mas masakit sa dalaga ay naroon rin ang babaeng engaged na raw sa binata. Ano ang mangyayari sa kanilang sinumpaang pangakong sila lang hanggang sa huli? Niloko nga ba ni Exodus si Amihan? Paano makakalimutan ni Amihan ang 69 days sa piling ng milyonaryong si Exodus? Saan at kailan maghihilom ang pusong sugatan ng dalaga? Will they hate each other?

chap-preview
Free preview
Need to relax
Nakatanggap si Amihan ng isang invitation letter mula sa kaibigan niyang si Adlene. Mayaman ang mapapangasawa nito at masaya si Amihan para sa kanyang kaibigan. Isa rin siya sa mga maid of honors ni Adlene na gaganapin sa isang beach resort. At ayon kay Adlene noong tumawag kay Amihan ay pag- aari iyon ng mapapangasawa nito. "Excited akong dumalo mga bruha!" kinikilig na wika ni Alena ang palaging kasa-kasama ni Amihan bukod kina Adlene at Divina noon. "Palagi ka namang ganyan, excited basta may party!" pambubuska naman ni Divina. "Excuse me, malay mo may Afam doon or Papa, sugar Daddy!" nanlalaki pa ang mga mata ni Alena. "Hoy, ikalma mo nga 'yang kalandian mo Alena!" singhal ni Divina. "Tumigil nga kayong dalawa, naririndi ako!" awat naman ni Amihan. Iisang napatingin ang dalawa kay Amihan saka nila pinandilatan ito. "Ano? Nakapagdesisyon ka na ba tungkol sa ipinagtapat sa'yo ni Damien kahapon?" mataray na tanong ni Alena. Natahimik si Amihan at uminom ito ng kanyang juice. "Wala kang masabi? Bestfriend mo siya, ano bang lagay niya riyan sa puso mo?" sabi naman ni Divina. "Huwag niyo na nga munang isabad si Damien sa usapan. Naguguluhan ako sa totoo lang at saka, I'm shocked pa rin." matapat na sagot ni Amihan. Tumahimik naman ang dalawa nitong kaibigan at nagpatuloy na sa kanilang pagkain. Totoo, nagtapat si Damien kay Amihan kahapon tungkol sa pag- ibig nitong nararamdaman para sa dalaga. At gulat na gulat si Amihan as in dahil hindi nito inaasahan ang ginawa ni Damien. Bestfriend niya ito simula't-sapul bago pa dumating sa kanyang buhay sina Alena, Divina at Adlene. Kaya nga kinakapa niya ang kanyang puso kung ano ba talaga si Damien sa kanya. Kung parehas din ba sila ng nararamdaman o hindi. "Naisip kong mag- stay saglit sa beach resort ng mapapangasawa ni Adlene after the wedding para makapag- isip ako ng tama." Sabi ni Amihan maya-maya. Tumikhim si Alena saka tumitingin kay Amihan. "Tumpak 'yang naisip mo frenny! Lumayo ka muna at magmumuni- muni sa isang lugar. Mas maganda ngang mag- isa ka para mas matimbang mo ang iyong magiging desisyon." Ani nito. "Agree ako para no pressure!" sabad naman ni Divina. "Salamat sa suporta niyo!" masaya namang tugon ni Amihan. "Solid tayo eh!" wika naman ni Alena at nag- apiran na ang tatlo. Nakahinga naman kahit papaano si Amihan dahil tama ang naging desisyon niya. Ayaw niyang ma- pressure at mas lalong ayaw niyang masaktan agad si Damien. Kahit papaano ay pinapahalagahan ni Amihan ang kanilang pinagsamahang dalawa. Ilang kwentuhan pa at nagpasya na ang tatlo na magsi- uwian na rin. Dahil maghahanda pa sila patungong Isla kung saan gaganapin ang kasal ng kanilang kaibigan. "Magtatagal ka ba roon Amie?" tanong ng ina ng dalaga nang makitang nag- eempake ito. Natigil saglit si Amihan sa pag-aayos nito sa kanyang mga damit at tumingin sa Ina. "Siguro 'Ma, gusto kong magrelaks pagkatapos!" maalumanay na sagot ni Amihan. Napagod kasi ito maghapon, dahil talagang tinapos niya ang kanyang mga gawain bilang sekretarya ng boss niyang si Mr. Darwin Jimenez. "Hindi ba magagalit ang boss mo kapag mag- absent ka ng matagal?" tanong muli ng Mama nito. Bumuntonghininga si Amihan. "Sabi niya Mama, two months siya sa abroad kaya I'm free muna. Puwede naman daw akong sasaglit- saglit lang sa opisina saka tatlo naman po kaming secretary niya. So, ibinilin ko muna sa dalawa na sila ang bahala sa posisyon ko while I'm out." Paliwanag ng dalaga. "Wala akong magagawa kung iyon ang gusto mo. Alam naman namin kung gaano ka ka- workaholic sa trabaho mo. Kami pa nga ang nagpupumilit na magbakasyon ka paminsan-minsan. Kaya, maluwag ka naming papayagan basta huwag mong kakalimutang tumawag sa amin ha?" saad ng Ginang. "Salamat po! Huwag po kayong mag- aalala updated kayo." Masayang sagot ni Amihan sabay yakap sa Mama nito. Masaya naman ang Ginang na niyakap ang kanyang anak. Ngayon lang talaga kasi magbabakasyon ang kanilang anak after nitong magpakasubsob sa trabaho nito. Trabaho ang naghahanap kay Amihan at hindi siya dahil sa angkin nitong kakayahan. Kaya naman napakasuwerte ng kumpanyang pinapasukan nito dahil empleyado nila ang isang gifted na kagaya ni Amihan. Hanggang sa magkatuwang na ang mag- ina sa paghahanda sa mga kagamitan ni Amihan na dadalhin nito sa beach wedding. Kinaumagahan. Naliligo pa lang si Amihan ay dinig na nito ang boses nina Divina at Alena. Bagama't may sasakyan si Divina ay nagkasunduan nilang magsasabay silang pupunta sa event ng kasal. Makikisakay naman si Alena kay Divina dahil magkalapit lang ang dalawa ng tirahan. "Maganda ka na frenny kaya huwag ka ng magpaganda pa ng bongga!" sabi ni Alena nang lumabas si Amihan. Simple lang naman ang attire ni Amihan, isang floral dress na jumpsuit above the knee at kulay red kasi 'yon. "Ang puti mo na nga, naka- red ka pa!" sabi naman ni Divina habang hinahagod ang kabuuan ni Amihan. Isang mahinang batok ang natikman ng dalawa na ikinahagikhik ng mga ito. Natawa naman si Amihan sa dalawa niyang kaibigan na may pagkalukaret. "Mind your own business, puwede ba?" mataray kunwari na sagot ni Amihan. Muling tumawa sina Alena at Divina saka sila nagpaalam sa Mama ni Amihan na naroon. "Tutuloy na po kami Mama!" sabi naman ni Amihan sa ina sabay halik sa pisngi ng Ginang. "Mag- iingat kayo anak!" sagot naman ng Ginang at pagkatapos ay inihatid na nito nang tanaw ang sasakyan nina Amihan. Siya namang pagdating ni Damien sa bahay nina Amihan. "Naku, may pinuntahan sila! Sandali lang at may iniwangg sulat si Amihan para sa'yo." Sabi ng Ginang. "Ganoon po ba? Sige po, Aling Amira." Nahihiyang tugon ni Damien. Laglag ang balikat nito at malungkot ang kanyang mga mata. Umaasa kasi si Damien na isasama siya ni Amihan sa pupuntahan ng mga ito. Hindi na rin naman iba si Adlene para sa kanya pero alam ng binata na may mas malalim na dahilan si Amihan. Malungkot nitong kinuha ang sulat ng dalaga mula sa Ina nito at nagpaalam na siyang uuwi na muna. Pero hindi binasa ni Damien ang sulat ni Amihan sa kanya bagkus ay itinago niya iyon. Hindi pa handa si Damien na basahin ang nilalaman ng liham galing kay Amihan. Bibigyan ng binata ang dalaga ng time upang makapagdesisyon ukol sa kanyang hinanaing. Ayaw naman ni Damien na mapadali o mapabilis ni Amihan ang desisyon nito. Gusto niyang bigyan ng kalayaang makapag - isip ang dalaga nang hindi ito mape- pressure. Habang si Amihan ay nagpatugtog habang binabagtas nito ang daan papunta sa nasabing beach resort. Nakasunod naman sa kanya ang sasakyan nina Alena at Divina. Nahagip ng kanyang tingin ang isang sports car na alam niyang mamahalin, humaharurot ito sa bilis. Nainis tuloy si Amihan dahil kung magpatakbo ang nasabing driver ng sports car ay sa kanya na nito ang buong daan. At dahil sa inis ni Amihan ay tinapakan na rin nito ang kanyang silinyador at para na siyang pana na sumisibat. Hahabulin niya ang mayabang na driver ng sports car ipapakita ng dalaga na hindi lang ito ang marunong makipaghabulan kagaya ng mga napapanood sa television. Samantalang sina Alena at Divina ay panay ang dada at nerbiyos sa ginawa ni Amihan. Problema tuloy ng dalawa kung mahahabol ba nila si Amihan o hindi dahil hindi pa nila kabisado ang daan papunta sa beach resort.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook