2nd Generation of A Kiss with the Mafia Lord.
Bratinella, gan'yan ang impression ng mga taong nakapaligid kay Kassandra. Pagod na kasi siyang maging anino ng mabait at perpektong imahe ng kapatid na si Kendra.
Ngunit paano kung pati sa pagmamahal ay para itong multo na hindi niya kayang takasan at kakabit na ng kayang buhay?
Si Carl Mondego, isang bilyonaryo, ang lalaking nag-patibok sa puso ni Kassandra ngunit gusto rin pala ni Kendra.
Paano kung hilingin sa kan'ya ni Kendra na magparaya at kalimutan ang nag-iisang lalaking minamahal dahil dumating na ito sa puntong ito na lamang ang kinakapitan ng kapatid para mabuhay?
Magpaparaya pa rin ba siya alang-alang sa kapatid na kinuha na ang lahat sa kan'ya o ipaglalaban at aamin sa lalaking malamig pa sa yelo ang trato sa kan'ya at kahit minsan ay hindi siya pinakitunguhan ng maganda?