bc

El viento de 1960

book_age16+
910
FOLLOW
1.2K
READ
contract marriage
heir/heiress
bxg
lighthearted
brilliant
ancient
love at the first sight
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

"Ikaw lang ang tangi kong mamahalin, Aquilina. Magmula noon hanggang wakas."

-Basilio Ynarez Valencia

Ang hangin man ay dadampi at lilisan, ito'y nangangakong magbabalik upang magparamdam. Ang pag-iibigang nabuo, pinanday at pinagtibay ng panahon atin nang masisilip sa ngayon.

chap-preview
Free preview
KAPITOLO 1: ANO ANG KONEKSYON?
Sa isang tagong lugar sa Carmona, matatagpuan ang Barrio Milagrosa. Tanyag ito dahil sa masaganang anihan ng tubo, niyog, at palay dahil sa napakataba nitong lupa. Halos kalahati sa mga lupa sa Barrio ay pagmamay-ari ng pamilyang Rimas, isa sa mga tanyag na pamilya sa lugar. "Aquilina, wag kang masyadong magtatakbo at baka ikaw ay madapa. Pagmasdan mo nang maigi ang iyong lalakaran dahil baka ikaw ay masugatan," babala ng isang Ginang na kung susumahin ay naglalaro sa apatnapu hanggang limampu ang edad. Kaagad namang sinunod ng bata ang payo ng kan'yang Ina at maingat na sinipat ang bawat sulok ng bahay. Hindi napigilan ng bata na hindi mapahanga dahil ngayon lamang ito nakapasok sa ganoong klaseng bahay. Dahil dito, nasabik siya nang labis dahilan upang makalimot siya sa sinabi ng Ina. Masaya itong nagtatakbo, sinasalat ang pader na gawa sa tisa. Dahil ito ay siyam na taong gulang pa lamang, ang lahat ng bagay na nasa loob, mapa-dekorasyon o mga kagamitan sa kusina ay bago sa kaniyang paningin. Naagaw ang atensyon ng bata noong makakita ito ng malaking puting tela na nakatakip sa pader. Dahil sa mapaglarong kuryosidad, hindi ito nagdalawang-isip na alamin kung ano ang nasa ilalim nito. Dahil maliit ang kan'yang mga kamay, kinailangan niyang kumuha ng matangkad na silya upang maabot ang tela. Mabilis itong tumakbo at naghanap ng maaaring gamitin dahil nasasabik siyang madiskubre ang bagay. Hindi naman nahirapan ang bata sa paghahanap dahil may nahagilap agad siyang umpok ng silya sa kusina. Kaagad siyang kumuha ng isa tapos maligalig na hinila ito pabalik sa sala kung saan niya nakita ang malaking tela. Maingat siyang tumapak sa taas nito, at buong lakas na tinanggal ang nasabing bagay. Nanlaki ang mga mata ng bata noong tumambad sa kaniyang harapan ang malaking painting ng dalawang tao na magkayakap. Nalaglag ang kaniyang panga sa nakakamanghang tanawin na nasa kan'yang harapan. Tila siya ay napasailalim sa matinding hipnotismo dahilan upang hindi niya maialis ang kan'yang mata roon. "Nakong bata ka! Bumaba ka riyan nang madali!" tarantang tawag ng kaniyang Ina. Maingat itong sumunod, ngunit nanatili siyang nakatingala habang pinagpapantasyahan ang larawan. AQUILINA "Tama na ang kakatitig mo riyan sa ating litrato, Aquilina. Kanina mo pa pinagmamasdan iyan," ani Ina habang iwinawagayway ang kaniyang abaniko na buhat pa galing Tsina. "Opo, Ina. Pasensiya na po kayo, ako ay labis lamang na humahanga sa pambihirang pagkakapinta ng ating mga mukha. Hindi ko inaakalang ganito ang kalalabasan ng mahigit isang oras nating pagkakaupo sa silya," magalang kong tugon. "Nagagalak ako na naibigan mo iyan, Anak. Huwag kang mag-alala dahil sa susunod na anihan ay magpapalilok naman ako ng iyong imahe upang mailagay sa iyong silid," ani Ina. Natuwa ako sa kaniyang tinuran ngunit may lungkot na kumurot sa aking dibdib dahil naalala ko na aalis pala sila ni Ama sa makalawa. Paniguradong maiiwan na naman ako sa puder ni Tiya Cynthia, kapatid ni Ama na ayaw kong mangyari. Labis akong hindi sumasang-ayon sa ideyang iyon noon pa man, at pinipilit ko si Ina na mas gusto kong manalagi na lang dito sa bahay kasama ang mga kasambahay kaysa mapunta sa puder ni Tiya Cynthia. "Ina, gaya po ng sinabi ko sa inyo kanina. Maaari po bang pagbigyan ninyo ang aking kahilingan? Nangangako po ako na hindi ako gagawa ng ikasasakit ng ulo ni Nanay Badeth kapag umalis na po kayo ni Ama. Hindi ko po kasi naiibigan ang mga pagkaing inihahanda sa akin ni Tiya Cynthia at madalas po ay pinagbabantay niya po ako ng palay na nakabilad sa initan. Ayaw ko po noon, Ina," sumbong ko. Pagkarinig niyon, mabilis na ibinaba ni Ina ang hawak-hawak na abaniko at lumapit sa akin. "Tama ba ang aking narinig, Aquilina? Ang iyong tiyahin ay inuutusan ka ng mga bagay na ginagawa dapat ng isang trabahador? Aba'y hindi iyon nararapat, anak! Isa kang Rimas, at isa tayo sa mga mayayamang pamilya na naririhan dito sa Barrio Milagros, naiintindihan mo ba iyon?" Mabilis akong sumang-ayon sa tinuran ng aking Ina dahil sa takot. Nanlalaki na naman ang mga mata nito, at ako ay labis na nag-aalala dahil baka mahulog sa sahig ang mga ito. "Hindi ko naman po labis na ikinasusuklam ang mga bagay na iyon sa tuwing ako ay malalagi sa tahanan ni Tiya Cynthia. Ang sa akin lamang po Ina, tila iba po ang turing sa akin nito lalo na ng kan'yang mga anak," mabilis kong tugon. "Ah basta, Aquilina! Patawarin mo ang iyong Ina dahil hindi ko kaagad nalaman ang tungkol sa bagay na iyan. Huwag kang mag-alala, pagsasabihan ko 'yang tiyahin mo nang makatikim ng latigo na nararapat sa kan'yang kapangahasan," sabi nito. Ako sana ay magsasalita pang muli dahil hindi ko nais na umabot sa ganito ang lahat, ngunit nagmamadaling umalis ang aking Ina at noong sinubukan ko siyang habulin, ako ay pinandilatan ni Nanay Badeth dahil bawal akong tumakbo sa loob ng bahay. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan na lang ang aking Ina na kasalukuyang naglalakad sa labas. Sinipat ko ang malaking bilog na orasan sa aking gilid at nakita kong alas nuebe na pala. Ganitong oras naglilibot ang aking Ina upang tingnan kung anong ginagawa ng mga magtatabas ng tubo sa aming hacienda. "Nanay Badeth, uuwi po ba ngayon si Ama?" tanong ko sa aking yaya. Lumapit ito at mabilis na umiling. "Pasensiya ka na Senyorita, ngunit kanina lamang ay nagpaalam ang iyong Ama kay Donya Salume na hindi siya makakauwi dahil may lupa itong balak na bilhin sa kabilang Barrio." Isang buntonghininga ang pinakawalan ko dahil nais ko sanang ipakita sa kan'ya ang panyong binurdahan ko ng kan'yang pangalan. Sabik pa naman akong ipagmalaki iyon kay Ama dahil ilang gabi ko iyong pinagpuyatan. Nagsinungaling pa ako kay Nanay Badeth na ako ay matutulog na, ngunit ang totoo ay masigasig kong tinatapos iyon dahil alam kong malapit na muli silang lumuwas muli. "Huwag kang mag-alala, Senyorita Aquilina, baka hindi naman magtagal ang iyong Ama roon at bukas ay makabalik din siya. Sa ngayon, kailangan mong kumain dahil ako ang napapagalitan ng iyong Ina. Ngayon nga lamang ay tanghali ka na namang nagising! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa iyo, sapagkat maaga naman kitang pinapatulog tuwing gabi,"sabi nito. Lingid sa kaalaman ni Nanay Badeth na inaabot ako ng hatinggabi kakaburda kaya tanghali na ako nagigising. "Opo, Nanay Badeth. Pasensiya na po kayo kung napagalitan kayo ni Ina ng dahil sa akin. Bibigyan ko na lang po kayo ng tsokolate na natira mula sa pasalubong ni Ama noong nakaraan." Sumimangot si Nanay Badeth at mariing tinanggihan ang aking alok. Hinawakan niya ang aking kamay at marahang nagtungo sa kusina kung saan naroroon ang hapagkainan. "Huwag na, Senyorita. Ibigay mo na lang iyon sa mga kabigan mo. Paniguradong magugustuhan nila iyon lalo na at mga imported ang mga pasalubong na inuuwi ng iyong Ama," tugon niya. "Ngunit Nanay Badeth, ako po ay walang kaibigan. Lagi akong nilalayuan ng mga batang kasing-edad ko dahil ako raw ay isang Rimas. Hindi ko po maintindihan ang kanilang rason at sa palagay ko ay hindi lamang iyon ang nagpipigil sa kanila kung bakit nila ako nilalayuan," mabilis at mahaba kong sagot. "Naku! Sila lamang ay napupuno ng inggit sa iyo, Senyorita, dahil ikaw ay anak mayaman at sila ay tamang nasa gitna lamang. Huwag mo na lang silang intindihin kung ayaw nila. Naririto naman ako, si Lolo Patricio mo, si Nana, at si Patis na iyong alaga, hindi ba? Hindi mo kailangan ang mga katulad nila sa iyong buhay. Oh, siya hala! Ikaw ay kumain na at ako naman ay magsasampay pa sa labas." Tumango ako at pinagmasdan siyang lumabas ng pinto bago magsimulang kumain. Hindi talaga maatim ng aking utak kung ano ang pagkakaiba ng mayaman, mahirap, at nasa katamtamang uri. Bakit malaki ang epekto nito sa pagkakaroon ng kaibigan? Pare-pareho rin naman kaming tao, may buhok, may dalawang mata, may dalawang kamay at paa. Bagot kong pinagmasdan ang tinapay, puting keso at gatas na nakahain sa lamesa. Dahil wala akong kasamang kumain, at nais kong sundan si Ina, napagpasyahan kong baunin na lang ito nang mapagsaluhan namin habang pinapanood ang hacienda. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naghagilap ng maaaring ipambalot sa tinapay. Sakto naman dahil dumating si Lolo Patricio na siyang nag-aalaga sa mga hayop sa aming sakahan. "Lolo Patricio nais niyo po bang kumain?" alok ko sa matanda. "Naku, Senyorita! Salamat na lamang ngunit ako ay kumain na. Ano ba ang iyong ginagawa at nakatayo ka riyan? Hindi mo ba ibig ang iyong almusal?" tanong nito. Umiling ako tapos sinabi ko sa kaniya ang aking pakay. Hindi ito sumang-ayon at binalaan niya ako na huwag nang ituloy iyon. "Ngunit Lolo, hindi naman po ako magtatagal. Parang awa niyo na po, may nais lamang po akong sabihin sa aking Ina at isa pa, sabik din akong malaman kung ano ang nangyayari sa hacienda," aking pangangatuwiran. "Kahit na, Senyorita. Kapag nakita ka ng iyong Ina tiyak na hindi niya ito magugustuhan. Kami naman po ang mapapagalitan kapag hinayaan naming makalabas ka ng bahay ng hindi nila pinahihintulutan," tugon nito. Hindi na ako sumagot pa at pigil-pigil ang sariling ilabas ang pagkadismaya. "Pasensya ka na. Talagang mahigpit na ipinagbabawal nina Don Felicio at Donya Salume na huwag kang hayaang makalabas ng bahay dahil delikado---", "Dahil isa akong Rimas kaya bawal akong lumabas, tama po ba? Lolo Patricio?" pamumutol ko. Malungkot ako nitong tiningnan at hindi na binalak pang tapusin ang kan'yang sasabihin. "Para rin naman sa iyong seguridad iyon, Senyorita. Kapag ikaw ay lumaki, alam kong maiintindihan mo rin kung bakit kailangang gawin sa iyo ito ng iyong mga magulang," dagdag pa nito. "Ano po ang koneksyon niyon, Lolo Patricio? Pantay-pantay rin naman po ang lahat ng tao. Ang sabi po sa akin ng aking Guro, lahat ng tao ay may pantay na karapatan, damdamin, at kaalaman. Pero hindi ko po maintindihan kung bakit ako na isang Rimas ay hindi pwedeng makihalubilo sa mga taong nasa lansangan. Hindi ba't sila ay tao rin kagaya ko? Kaya ako walang kaibigan at mag-isa dahil ang akala nila, ang bagay tungkol sa kapangyarihan ay importante sa akin. Kung ang pagkakaroon ng kapangyarihan ang magtutulak sa mga tao upang layuan ako, ayaw ko po niyon," mahaba kong lintana. Saglit na natahimik si Lolo Patricio, tila nag-iisip siya kung papatulan niya ang sinabi ng isang batang katulad ko. "Naiintindihan ko ang iyong punto, Senyorita, ngunit ang kaalaman mo ay sadyang mababaw pa. Sa mundong ito, kung wala kang kapangyarihan ikaw ay kawawa. Ipagpasalamat mo na lang ngayon na kahit walang gustong makipagkaibigan sa iyo, ikaw ay may buong pamilya, kumakain nang tama, at may bahay na tinitirahan," tugon nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook