bc

You Are Just a Dream

book_age18+
1.9K
FOLLOW
21.4K
READ
others
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
humorous
serious
like
intro-logo
Blurb

"Sa sobrang taas nang tingin mo sa iyong sarili Amira Casimiro tila nalulunod kana sa tagumpay na iyong tinatamasa. Pero gagawin ko ang lahat para talunin ka sa laban na ito, Kung ito lamang ang tanging paraan para maibaba kita diyan at matutong sumunod sa mga kagustuhan ko!"----ALEXANDER YBAÑEZ

"Kung magagawa mo akong talunin Alexander! Tulad nga nang iyong sinabe nalulunod na ako kung nasaan man ako ngayon! Pero bibigyan kita ng pagkakataon para talunin ako sa Kompetisyon na magaganap ngayon! Pag natalo mo ako gusto ko na maglaho ka sa landas ko!! Pero pag hinayaan mo naman ako Manalo kapalit naman nun ang katawan ko!! Kaya ngayon Alexander mamile ka? Hihilahin mo paba ako pababa sa Kabayo na sinasakyan ko na siya ring nagdala kung nasaan man ako ngayon na siya rin ang dahilan ng aking tagumpay! O Ibibigay mo ang iyong pagkatalo para tuluyan mo akong maangkin?!!"---- AMIRA CASIMIRO

chap-preview
Free preview
Embrace from disaster
Quotes; "LIFE IS BETTER WITH A HORSE AROUND" "Alexander!!!"" Woooohh Stop pls!!! Wooohh!! Paulit-ulit ko na pakiusap kay Alexander na aking sinasakyan na Kabayo, Kahit anong hila ko sa tali niya ay ayaw niya makinig sa akin. Nakakaramdam na ako nang takot, Dahil nakapasok na kami sa masukal na gubat. Ilang araw ko nang sinusubukan na ikondisyon ang kanyang sarile dahil malapit na ang huling kompetisyon na aking sinalihan. Kung saan ako ang representative. At ako rin ang Inaasahan na mananalo nang mga taong malaki ang tiwala sa akin lalo na si daddy. Ilang bansa na din ang aking napuntahan ko at lahat naman ay aking napagtagumpayan Kaya Lalo naging proud sa akin si Daddy. Dahil hinde niya Inaasahan ang dating pinangarap lang niya ay ako pala ang tutupad. Kaya mas lalo ako naging porsigido sa aking tinatahak na landas. Dahil sa mga taong nakapalgid sa akin dahil alam ko na proud sila sa akin. "Wooohh!! Pls! Alexander My buddy! Stop Your Running Right now!!" Lalo ako natakot dahil tila hinde siya nakikinig sa akin, Nanlaki na ang mata ko kasabay ang labis na takot dahil tila bangin na ang tinatahak ni Alexander. "Alexander!!!!!!" Halos buong lakas ko nang hinila ang kanyang tali para lang hinde siya umabot sa bangin. Pero dahil sa ginawa ko nagulat din siya, Kaya mas lalo siya naging agresibo dahilan para umikot siya at maihagis niya ako paalis sa kanyang likod. Kaya ako na ngayon ang nakatalikod sa bangin. Pero bago naman mangyare iyon may naramdaman ako na may matigas na braso ang tila sumalo sa katawan ko para hinde tuluyan na tumilapon papunta sa malalim na bangin. Yakap ako nang kanyang katawan habang nagpagulong-gulong kami paibaba sa Isang bahagi na bangin na hinde naman kalaliman. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, Narinig ko pa ang mahinang binigkas niya na tila nasaktan siya dahil sa patuloy na pag-gulong namin. "Ahh Shiit!!!!" Naramdaman ko narin na tumigil ang aming katawan sa pag-gulong paibaba sa bangin. Pero nanatili na nakayakap pa din siya sa akin. Kaya ako na mismo ang pilit na kumawala sa matipuno na katawan niya. Alam ko kahit hinde ko pa nakikita, Alam ko matikas ang katawan niya dahil ramdam ko ito habang yakap niya ako, Dahil halos sakupin nang buong katawan niya ang slim na katawan ko. "Ahhh Mister ok na po tayo bitawan muna ako!" Mahinang sabi ko sa kanya. Naramdaman ko naman na unti-unti naman lumuluwag ang pagkakayakap niya sa katawan ko. Nang tuluyan na niya ako binitawan kaagad ako tumayo at pinagpag ang buong katawan ko dahil ang daming damo at malilit na sanga ng puno na kumapit sa kasuotan ko pati na din sa mahabang buhok ko. "Salamat!" Sabe ko sa kanya. Sabay talikod ko sana palayo. Hinde ko na siya pinag-aksayahan ng oras para tignan dahil alam ko na isa lang naman siya sa mga naninirahan dito sa labas nang Hacienda. "Ganyan ba talaga ang ugali ng Isang Amira Casimiro? Kahit iligtas na ang kanyang buhay! Hinde parin bukal sa loob niya na sabihin ang salitang SALAMAT!" Unti-unti ako napalingon sa kanya dahil sa kanyang sinabe, At ang boses niya ay tila kakaiba para sa akin. Matigas, brusko, At alam ko na hinde siya tagarito dahil sa boses niya kung paano siya magsalita. Nakita ko ang unti-unti narin niyang pagtayo na tila nahihirapan pa siya dahil sa kaliwang paa niya na ina-alalayan pa kanyang Isang kamay. Habang tila nahihirapan siya tumayo, Tumingin na siya sa akin, Nagtama na ang aming mata. Tila nababasa ko sa mata niya na parang may inis, pero parang may pilit na itinatago sa mata na iyon, Tila paghanga, Sabik dahil tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ko. Kaya napakunot-noo ako sa kanyang inasal. Pero hinde nakaligtas sa aking paningin ang White polo niya na nasira sa magkabilang braso kaya nakita ko duon ang maraming galos. Sigurado ako na pati ang likod ng kanyang suot ay sira din. Dahil iyon ang naging pananggalang sa katawan ko para hinde ako masaktan. Kakaiba ang itsura niya para sa akin. 5'9 or 5'10 ang height niya. Moreno siya at alon-alon ang kanyang buhok. Ang kanyang mata ay may pagka singkit. Matangos ang kanyang ilong at ang mata niya ay tila nangungusap, Nakita ko na napangiwi pa siya na tila parang may iniinda. Kaya nabaling ang aking tingin sa kamay niya na nakahawak sa kanyang tuhod na tingin ko ay may umaagos na dugo. Kaya nakaramdam naman ako nang habag kaya bigla ako lumapit. At pinunit ang kapiraso ng laylayan na suot ko na damit. Lumuhod ako sa kanya, Nakita ko ang bahagya niya na Pag-atras. "Pls don't move!! Kailangan mapigilan ang paglabas ng dugo dito sa sugat mo" Sabe ko sa kanya habang maingat kong tinatale nang paikot sa tuhod niya ang kapiraso na damit ko na pinunit ko. Nang masiguro ko nang maayos ko natakpan ang sugat niya tumayo na ako sa harapan niya. Muntik pa ako mapamura dahil muntik nang magdikit ang mukha namin dahil nakayuko siya habang nakatitig pala siya sa akin, Na habang nakaluhod naman ako sa harapan niya kanina. "Kaya mo bang maglakad?" Tanong ko sa kanya. Pero nakatitig parin siya sa akin kaya nagsalubong na ang kilay ko. Dahil nakakaramdam na ako nang inis sa kanya. Dahil kanina tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngayon naman ang lagkit nang kanyang tingin sa akin. Sanay na naman ako sa mga ganitong klase nang tingin sa akin. Dahil marami narin ang nagtangka na ligawan ako. Pero sa umpisa pa lang pinaprangka ko na sila na ayoko sa kanila.kaya dahil sa sobrang ilap ko daw naisipan na pag-pustahan pa ako nang nag-aaral pa lang ako ng College. Isang grupo sila nang mag-barkada at ang dalawa sa kanila ay nanligaw ng sabay sa akin. Minsan Isang araw nasa Canteen ako ng hinde nila alam habang nasa likuran nila ako. At narinig ko na ako ang pinag-uusapan nila. Kaya gumawa ako ng Plano para makaganti sa kanila. Sabay ko sila pinapapunta sa labas ng aming Hacienda at sinabe ko na isa sa kanila ay sasagutin ko na. Pagdating nila sa sinabe kong lugar. Habang kasama ko ang dalawang tauhan ni Daddy na dala ang dalawang kabayo. Sinabe ko rin sa kanila na kailangan nilang sumakay sa kabayo nang sabay at kailangan magkarera sila, At kung sino ang makarating sa Finish line na pinalagay ko isang tauhan ni daddy ay siya ang magiging boyfriend ko. Nakita ko sa kanila ang takot pero nakita ko din sa kanilang dalawa na parehas silang porsigido sa kanilang pustahan. Kaya nakita ko na sabay silang sumakay at sabay din na pinatakbo ang kabayo. Kasabay din nun ang pagtalikod ko habang sakay ako ni Alexander na regalo sa akin ni Daddy nang 18th birthday ko. Hinde pa ako nakakalayo sa kanila narinig ko na ang parehas na malakas sigaw nila, Na tila humihinge ng saklolo. Dahil alam ko na ititilapon sila nang dalawang kabayo, Dahil ang dalawang kabayo na iyon ay sadyang pinili ko na dalhin dito, Dahil sadyang mailap ang mga iyon na tanging si Daddy lamang ang may kakayahan na mag-paamo at sumakay. Habang nakatingin pa din sa akin ang lalake na ito na nasa aking harapan, Bigla ko naman naalala si Alexander ko, Ang kabayo ko. "Si Alexander ko nga pala ano nangyare sa kanya?" Bigla ko nasambit habang napatingala pa ako sa itaas. Kung saan nanggaling kami kanina habang gumulong naman pababa dito sa kinaroroonan namin. "Ok naman ako, Nandito ako sa tabe mo ngayon" Narinig ko na sagot ng lalake na nasa harapan ko...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook