bc

Possession & Obsession

book_age18+
8.5K
FOLLOW
27.5K
READ
billionaire
dark
possessive
polyamory
age gap
dominant
self-improved
bxg
realistic earth
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa utang na loob at pagmamalasakit na rin sa matandang babae na nagpalaki at nag-alaga sa kanya simula nang mamatay ang mga magulang, tinanggap ni Addison ang isang misyon na walang kasiguraduhan. It's just a mission for her. Nothing more, nothing less.

Not until she met the two island guys that make her world upside down.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"GUSTO niyo raw po akong makausap Señora?" marahang inilapag ni Addison ang tray na may lamang tsaa at slice ng cake sa mesa nang makapasok siya sa library ng mansyon ng mga Herrera kung saan siya nakatira. Nakangiti namang bumaling ng tingin sa kanya si Señora Luisa Herrera, ang tumatayong legal guardian niya, mula sa pagkakatanaw nito sa tanawin sa labas ng bintana ng library. Bakas pa rin ang kagandahan sa mukha ng babae kahit may katandaan na ito. Pero sa kabila ng kakirtan na iyon, mababakas din ang kalungkutan sa mga mata nito. "Addison, hija. How many times do I have to tell you na 'Mamita' na lamang ang itawag mo sa akin. Hindi ka na rin naman iba sa akin. I'm treating you like my own granddaughter." saad ng babae sa kanya. Inalalayang maglakad ni Addison and matanda hanggang sa makaupo ito ng maayos sa couch. Malaki ang utang na loob niya sa matandang babae. She was so thankful to her dahil simula ng maulila siya sa magulang na parehas namatay sa aksidente noong sampung taong gulang pa lang siya, ito na ang kumupkop at nagpaaral sa kanya. Parehas kasi na dating naninilbihan ang mga magulang niya sa matanda. Kasambahay ang nanay niya at hardinero naman ang tatay niya. Natandaan pa niya na pauwi na sana ang mga magulang niya galing sa dinaluhan ng mga itong kasal sa probinsya nang mabalitaan na lang niya na parehas na nasawi ang mga magulang niya noong nahulog sa bangin ang bus na sinasakyan ng mga ito. Halos hindi niya matanggap ang nangyari sa mga magulang niya. Hindi siya makatulog at makakain ng maayos. Halos pabayaan na niya ang sarili niya dahil sa sobrang lungkot. Wala naman siyang ibang kamag-anak kaya ang Senyora Luisa na lang umasikaso sa kanya maging sa pagpapalibing sa mga magulang niya. Nasa tabi rin niya ito noong mga panahong nagdadalamhati pa siya. Sobrang bait ng matanda sa kanya kaya napalapit na rin ang loob niya dito. Kaya ginawa talaga niya ang lahat para makabawi man lang sa kabaitan nito. Nag-aral din siyang mabuti dahil ayaw naman niya itong ma-dissapoint sa kanya. Pagkatapos niya makapagtapos sa kursong Criminology sa kolehiyo at pumasok sa training, at ilang taong serbisyo niya mula sa pagiging pulis, she decided na mag-resign na lang sa serbisyo para maging personal bodyguard na lang siya ng matanda. Isa si Señora Luisa sa pinakamayaman na babae sa buong asya. She owned a lot of high class hotel and restaurant chains. Sa sobrang yaman nito kaya rin siguro maraming nagtatangka na isahan, perahan at pabagsakin ang matanda. Nabahala na rin kasi siya nang malamang nakakatanggap ito ng mga death threats mula sa mga hindi kilalang tao. And she's willing to risk her life for her. "Addison? Are you alright hija?" untag sa kanya ng matanda. "Sorry po. Hindi lang ako sanay Mamita." she chuckled. "Bakit niyo nga po pala ako pinatawag?" "I know how dedicated you are to your job, hija. At alam ko na medyo alanganin itong ipapakiusap ko sayo pero ikaw na lang talaga ang natitira kong pag-asa." Kinuha ng matanda ang isang brown envelope nakalapag sa table at ibinigay ito sa kanya. Nang buksan niya iyon ay nakita ang pictures ng namayapa nitong nag-iisang anak na lalaki kasama ang asawa nito. May nakita din siyang picture ng dalawang batang lalaki. Sa tantiya niya ay mga nasa apat na taong gulang ang mga ito. "I know it's been a long time mula ng mamatay ang aking anak at ang manugang ko but still, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mahanap ang mga apo ko." pinagsalikop ng matandang babae ang mga kamay nito na tila nagmamakaawa sa kaniya. Napansin din niya ang panunubig ng mga mata nito. Punong-puno rin iyon ng kalungkutan at pangungulila. Alam naman niya ang istorya ng buhay ng senyora. Namatay ang kaisa-isa nitong anak na lalaki kasama ang manugang nito years ago. Magbabakasyon daw kasi ang buong pamilya at sakay ang mga ito ng yacht na pagmamay-ari mismo ng mga Herrera ng sa hindi inaasahang pagkakataon, nasira ang makina ng yate, na stranded ang mga ito sa gitna ng dagat and sadly, bumagyo ng mga panahong iyon. Natagpuan wasak ang buong yate, pati na rin ang bangkay ng mag-asawa pero walang natagpuan ang mga rescuers na katawan ng dalawang batang lalaki. "Sa ngayon, sayo lang ako may tiwala Addison. Gusto kong makita ang mga apo ko bago ako mawala sa mundong ito. Please, nakikiusap ako, hanapin mo sila." napabaling ang tingin ni Addison ng bumukas ang pinto ng library at pumasok doon ang personal na abogado ng matanda. "I'm sorry if I'm late, Señora Luisa." sabi ng abogado nang makalapit ito sa kanila. "Atty. Enriquez, nasabi ko na kay Addison." umiiyak na turan dito ng matanda. Tumango si Atty. Enriquez at may inilapag na mga papeles sa harap niya. "I've been monitoring you hija, at masasabi ko na hanga ako sa mga skills mo pati na rin sa katapatan mo kay Señora Luisa kaya ako mismo ang nangumbinse sa kanya na sayo ibigay ang assignment na ito. It's been twenty-six years simula ng mawala ang kambal. They are Ysmael and Matteo Herrera. Sila ang hahapin mo, hija." sabi ni Atty. Enriquez sa kanya. "Hindi naman ho sa nagrereklamo ako pero bakit ho ako? May mas professional pa po kaysa sa akin sa ganito--" "Like what we said, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan namin hija. Maraming kalaban si Señora Luisa na hindi niya kilala. We've been hiring a lot of private investigators to find the heirs but they all failed. At mayroong posibilidad na may nagbayad sa mga iyon para sadyang hindi mahanap ang mga apo ng Señora." "P-pero, paano ko ho hahanapin ang kambal? Like you said, it's been twenty-six years. Mahirap maghanap ng mga taong ang picture lamang ay noong four years old pa lamang sila." "Sa Puerto Princesa sa Palawan natagpuang wasak ang yate ng mga Herrera, so may possibility na baka inanod o tinangay ng alon ang kambal papunta sa iba pang parte ng isla. Doon ka nagsisimulang maghanap Ms. Francisco." paliwanag ni Atty. Enriquez "Fraternal twins sila at kamukha sila ng anak kong si Robert pati ng manugang kong si Elise, mayroon din silang mga suot na silver dogtags na may naka engraved na pangalan nila. Please hija, nakikiusap ako sayo." saad naman ng matanda sa kanya. "If you accept the offer, may parte ka sa pamana na ibibigay ni Señora Luisa at mas malaki ang makukuha mo kapag nahanap mo ang kambal." dagdag pa ng abogado. She's speechless. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya ngayon. Napatingin siya sa mukha ng matandang babae. Wala naman siyang pakialam sa mana na sinasabi ng abogado nito kung sakali. Bakas sa mukha nito ang hirap at sakit na nararamdaman. "Paano po kayo Mamita kapag umalis ako?" wala din kasi siyang tiwala sa mga tao sa paligid nito. Lalo na ang nag-iisang pinsan ng matanda na si Mr. Raul Dominguez. Masyadong sakim at matapobre ang lalaki. May mga pagkakataon rin kasi na nakakatanggap na ng mga absurb death threats ang donya. She's not sure kung sino ang nasa likod ng mga iyon pero may prior suspect na siya. "Don't mind me hija. So it means tinatanggap mo na ang offer ko?" she sighed. Dahan-dahan siyang tumango sa matanda bilang pagsang-ayon. Napadako ang tingin niya sa pictures ng kambal. Ysmael and Matteo Herrera, where do I find them? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook