bc

THE SURGEON and THE NURSE

book_age18+
602
FOLLOW
3.3K
READ
sweet
serious
surrender
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang taong tinatakasan mo ay siyang magiging iyong amo? Paano mo siya pakikisamahan? Paano kung malaman mo na matagal ka na pa lang nakakulong sa maling akala na ikaw rin ang may gawa? Maitatama pa kaya or huli na ang lahat?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kalalapag lamang ng eroplanong sinakyan nila Liza, akala niya ay hindi na siya babalik pa sa Pilipinas, pero no choice siya dahil nandito ang kanyang puso para magtrabaho. Matagal na rin siyang nagtatrabaho sa ibang bansa, kung saan niya piniling manahimik. Ngayong pakiramdam niya na kaya na niyang harapin ang lahat ay nagdisisyon na siyang bumalik na sa bansa. Dahil wala naman talaga silang bahay sa bansa kaya sa condo siya titira may sapat na ipon naman siya para sa kanyang sarili. Nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang, ayaw naman niyang tumira sa bahay nila Leon.Tama na sa kanya ang tumira sa condo dahil mag-isa lang naman siya. Bukas na bukas din ay magre-report siya sa isang kilalang hospital sa bansa, kung saan siya magta-trabaho, matagal na siyang pinagre-report kaso nasa ibang bansa pa siya, ngayon ay nandito na siya kaya ito na ang kanyang pagkakataon para may hindi siya mabakante kaagad. Matapos siyang nag-ayos ng kanyang mga gamit ay nagpahinga na rin siya para bukas ay may lakas siya. Kinabukasan, maagang gumising si Liza para ayusin ang sarili para pumunta sa hospital kung saan siya mag-report muna. "OMG! anong oras na Liza, maaga na tayong gumising pero ambagal naman natin gumalaw, male-late na tayo nito." sermon ni Liza sa kanyang sarili. Kaagad siyang pumara ng taxi dahil ma-late na talaga siya. Pagdating niya sa hospital ay kaagad siyang pumunta sa opisina kung saan siya pinapupunta may nakakasalubong siyang mga pasyente na mga sugatan, at tinatakbo sa emergency room, halos kinilabutan na naman si Liza sa mga nakita, ito ang kahinaan niya ang makakita ng dugo, noon pa man ay takot na talaga siya sa dugo, matagal na niyang bilalabanan ang sarili na maging matapang kapag makakita siya ng dugo kaso, mahina pa rin talaga siya. Nagmamadali siyang pumasok sa opisina kung saan siya mag-report, sa taranta niya ay hindi na siya kumatok pa. "Yes?" gulat ng isang babae ng biglang pumasok si Liza na hindi man lang kumatok. "Ah' sorry, Ma'am." hinging paumanhin ni Liza na hiyang-hiya ito. "Ikaw ba si Liza?" tanong ng babae. "Yes po." magalang na sagot ni Liza. "Maupo ka." anyaya ng babae. Nag-usapa naman sila tungkol sa trabaho. Matagal din silang nag-usap, at lahat naman ay maliwanag kay Liza at pabor din sa kanya. "Ha? as in bukas na po ako magsisimula?" gulat na tanong ni Liza. "Yes, kailangan na namin ng ibang staff." sabi ng babaeng kausap ni Liza. "Ah's sige po, walang problema." payag ni Liza. "Good. Puwede mo ng daanan ang uniform mo." sabi ng babae. Tumango si Liza, at tinanong niya kung saan niya kukunin ang kanyang uniform. Tinuro naman ng babae kung saan. Maluwang ang hospital na iyon kaya kinakabisa pa ni Liza kung saang mga department siya pupunta. Baka mamaya iba ang mapapasukan niya, kung bakit naman kasi bukas na kaagad siya mag-uumpisa.Tuloy natataranta na siya. Pagkatapos niyang nakuha ang mga uniform niya ay nagpasya muna siyang libutin ang hospital na iyon para alam niya at hindi siya maligaw-ligaw kapag masgsimula na siyang magtrabaho bukas. Pagkatapos niyang nilibot ang ibang lugar at department ay nagpasta na siyang umuwi na napagod din siya, hindi pa siya nakakabawi sa pagod niya sa beyahe bukas kaagad may trabaho na siya. Napapailing na lang si Liza. Dahil kulang pa sa gamit sa bahay si Liza ay nagpasya muna siyang mag-grocery baka wala na siyang time kapag may pasok na siya nine to nine pa naman ang pasok niya tiyak mawawalam siya ng time. Wala man lang kakilala si Liza, at kaibigan hiling lang niya na may makilala man lang siya. Tulak-tulak na niya ang kanyang cart ng may nakasalubong siyang sure niyang kilala niya ito. "Phrylle?" tawag ni Liza. "Liza?" gulat ding tawag ni Phrylle sa kanya. "Kumusta?" nakangiting tanong ni Liza sabay yakap kay Phrylle na tinuring na niyang matalik na kaibigan. "Ok lang, ikaw kumusta ka na, kailan ka pa rito?" sunod-sunod na tanong ni Phrylle. "Kahapon lang ako dumating, at bukas na bukas rin ay papasok na ako sa work ko." nakangiting balita ni Liza kay Phrylle. "Wow, congrats." masayang bati ni Phrylle kay Liza. Nai-kuwento na ni Liza ang buhay niya kay Phrylle noon. "Thank you, mabuti at nandito ka na pala." ani Liza kay Phrylle. "Yes, matagal na." ani Phrylle, nagkayayaan silang dalawa na mag-coffee muna para makapag-kwentuhan sila ng matagal. Masayang-masaya silang pareho dahil nakahanap silang dalawa ng kakampi, ngayong at masayasilang dalawa. Pagkatapos nilang mag-kwentuhan ay nagpasya na silang umuwi na dahil gabi na rin. Pangako nilang kapag may time sila pareho ay magkikita at magbonding ulit sila gaya noon. -- -- -- -- -- Hindi na bago kay Liza magsuot ng uniform pang-nurse tiningnan muna niya ang kanyang sarili at nagpakawala ng isang malalim ng hininga bago siya pumasok sa hospital kung saan simula ngayon ay ito na ang kanyang pangalawang tahanan. "Ikaw ba si Liza?" tanong ng isang babae na sa tingin niya ay kasing-edad lamang niya. "Yes, ako nga." nakangiting sagot ni Liza. "Ako nga pala si Trix." pakilala niya, at pinakilala niya na rin ang kanilang mga kasamahan sa kanilang station." nakangitin namang binati ni Liza sila isa-isa pakiramdam niya ay mababait naman ang kanyang mga kasamahan. "Siya nga pala, Liza, kasama ka mamaya sa isang operation." sabi ng isang nurse na kasama nila. "Ha, agad-agad masama po ako?" gulat na tanong ni Liza. "Oo, iyon ang nakalagay dito." sagot ng isa. "Ah, sige." payag na lang ni Liza. Wala na siyang magagawa dahil iyon ang order sa taas. Ito pa naman ang pinakaiwas-iwasan niya ang mapasama sa isamg operation, tiyak maraming dugo ang kanyang makikita. Lalakasana na lamang niya ang kanyang loob. "Huwag kang mag-alala isa sa pinakamagaling na surgeon ang makakasama mo at iba pang doctor dito." sabi ng isang kasamahan nila. Wala ng magagawa talaga si Liza kundi ihanda na lang talaga niya ang kanyang sarili. Habang di pa oras ng operation ang tuloy pa rin ang trabaho nila bilang nurse, medyo mababait ang ibang pasyente kaya hindi siya na-stress ngayon. Last break time nila kaya inihanda na ni Liza ang sarili mamaya ay sasabak na sila sa isang matinding operasyon, dasal lang niya ay hindi siya manginginig sa loob. Naghilamos muna siya ng mukha para magising siya, pagkatapos ng operasyon ay off duty na rin siya mamaya. Tinatawag na sila sa loob ng operating room, katatapos lang nagsuot ng gown si Liza at ready na siyang pumasok sa loob huling sinuot niya ang kanyang mask. Hinihintay na lang nila ang surgeon na siyang gagawa sa operasyon, kitang-kita na ni Liza ang pasyente na nakahiga na putlang-putla. Napalingon nag lahat sa pintuan ng bumulas ito kay lakas din ng tahip ng dibdib ni Liza. Lahat ay busy sa gagawing operasyon naka-ready na ang lahat. Parang wala lang sa bagong dating na surgeon ang ginagawang paghiwa sa tiyang nag pasyente taga assist naman si Liza sa mga gagamitin sa operasyon, nanginginig na siya dahil sa nakikita niyang dugo, malamig sa loo pero ang pawis ni Liza at butil-butil na, kanina pa pinipigilan ni Liza ang sarili. "Surgical needle." ani Dr. Nilingon niya ang babaeng nurse sa kanyang tabi na kanina pa niya napapansin na takot ito, pero hindi niya alam kung saan ito natatakot. Matagal bago iniabot sa kanya ang kanyang hinihingi. Habang tinatahi ng Doctor ang hiwa ng pasyente ay bigla niyang naisip na iisang tao lang ang kanyang kilala na ganito. Matapos ang ilang oras na operasyon at tagumpay silang naisagawa ito. Nang malaman ni Liza na tapos na kaya dali-dali siyang tumakbo palabas ng OR. Napansin naman iyon ng Dr. "Liza?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook