bc

The Coldhearted's Revenge

book_age16+
8.3K
FOLLOW
47.6K
READ
revenge
love-triangle
sex
family
love after marriage
drama
betrayal
cheating
crime
affair
like
intro-logo
Blurb

Matapos umalis upang sumama sa mayamang lalaki ang nag-iisang babaeng minahal ni Atticus Figueroa, mula sa pagiging masayahin at matulungin ay tuluyang nagbago ang ugali niya.

Lumipas ang tatlong taon, makikilala niya ang babaeng gugulo sa kaniyang buhay. Ang babaeng walang sawang ihahayag araw-araw ang pag-ibig nito para sa kaniya—si Mahalina Marasigan. Kahit pa sabihing may hitsura ang dalaga ay hindi niya ito magawang magustuhan. Ngunit nang malaman ang relasiyon nito sa babaeng minsan na niyang minahal at trumaydor sa kaniya, upang muling makapasok sa buhay ng dating asawa at makapaghiganti rito, pinakasalan niya ang dalagang si Mahalina.

Matututunan kaya niyang mahalin ang anak ng taong umagaw sa kaniyang pinakamamahal o tuluyan siyang kamuhian nito oras na malaman nito ang tunay na dahilan kung bakit niya ito pinakasalan?

———

Book cover resources not mine.

Credits to the rightful owners.

Photo: Woman photo created by gpointstudio - www.freepik.com

chap-preview
Free preview
Chapter One
SUMILAY ang maliit na ngiti mula sa mga labi ni Atticus matapos makuha ang cake na ipinagawa pa niya para sa unang anibersaryo nila ng kaniyang asawa. Hawak ang isang bouquet ng bulaklak sa kaliwang kamay at ang kahon ng cake sa isa pa, masaya niyang binagtas ang daan patungo sa maliit na apartment kung saan sila nakatira. Habang nasa daan, hindi niya maiwasang hindi isipin ang babae. Ilang buwan na rin ang lumilipas simula nang mawalan siya ng trabaho. Magmula noon ay naging malamig na ang pakikitungo nito sa kaniya. Alam niyang malaki ang pagkukulang niya rito. Nangako siyang hindi na ito maghihirap pa pero sa isang iglap, nasira niya ang pangakong iyon. Kaya hindi niya ito masisisi kung magagalit ito sa kaniya. Pero umaasa siya na sa simpleng surpresa ay magawa niyang ibalik ang init sa pagsasama nilang mag-asawa. Nang marating ang pinto ng kanilang apartment ay bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansing hindi naka-lock ang pinto. Pinihit niya ang siradura upang mabuksan iyon. Itinaas niya ang relong-pambisig at nakitang alas-kuwatro pa lamang ng hapon. Mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Alas-sais ang labas niya sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho bilang part-timer. Samantalang si Cielo ay alas-otso naman ang uwi mula sa kompanyang pinapasukan nito. Sigurado naman siyang nakandado niya nang maayos ang pinto kanina bago siya umalis upang pumasok sa trabaho. "Hon?" tawag niya nang maisara ang pinto sa likuran. Tinungo niya ang sala ng apartment at bahagyang natigilan nang makita ang mga nagkalat na sapatos sa sahig. Ilang beses siyang lumunok habang tinititigan ang ballet flat shoes ng asawa niya, katabi niyon ang dalawang pares ng itim na oxford shoes. Mahinahon siyang lumapit sa maliit na lamesa na malapit sa mahabang sofa sa sala. Maingat niyang inilapag sa ibabaw niyon ang dalang bulaklak at ang kahon ng cake. Muli niyang nilingon ang sapatos ng lalaki. Mula rito ay nabaling ang tingin niya sa puting pinto na nasa kaliwang dulo ng sala. Kumuyom ang dalawa niyang kamao nang mag-umpisang humakbang papalapit dito. Sa bawat hakbang ng mga paa niya ay tila isang punyal na sumasaksak sa kaniyang puso. Sa bawat malalalim na paghingang ginagawa niya ay tila malaking bato na ipinupukpok sa kaniyang dibdib. "A-ah! Ah! Ugh!" Mariin siyang napapikit nang marinig ang sunod-sunod na pag-ungol ng boses ng isang babae—ang boses ng asawa niya. Kasunod ng bawat ungol nito ang malahayop na pag-ungol ng lalaking katalik. Nang mapansing nakaawang nang bahagya ang pinto, maingat at walang ingay niya itong nilakihan. Natigilan siya at sunod-sunod na lumunok sa bumungad sa kaniya. Nasa loob nga ang asawa niya at hindi ito nag-iisa. Tahimik niyang pinanood mula sa nakaawang na pintuan ang babaeng pinakamamahal niya at isang hindi pamilyar na lalaki. Kapwa walang saplot ang dalawa sa ibabaw ng kama habang nakapatong sa babae ang lalaking may kalakihan ang pangangatawan. Marahas itong bumabayo sa ibabaw ni Cielo. "Yes—oh! Yes! I'm coming, s-sir!" Mabilis na pumulupot ang mapuputing binti ng babae sa baywang ng lalaking katalik. Agad na bumaba ang ulo ng lalaki at nagsalubong ang mga labi ng mga ito. Nag-espadahan ang dila ng dalawa na tila sabik na sabik sa isa't isa. "More, sir! Please! More! H-harder!" malakas pang ungol ng babae. Nakita niyang sandaling huminto ang lalaki na ikinatigil din ng asawa niya. Pinadapa ito ng lalaking katalik nito at walang anu-ano'y ipinagpatuloy ang marahas na pagbayo. Kumawala naman ang malakas na sigaw mula sa mga labi ni Cielo. Ilang beses siyang lumunok at mariing pumikit matapos muling isarado ang nakaawang na pinto. Tumalikod siya mula sa pintuan at tila wala sa sariling naglakad palayo. Sa isang coffee shop hindi kalayuan mula sa kanilang apartment siya dinala ng mga paa niya. Hawak ang isang stick ng sigarilyo sa kaliwang kamay, nakatuon ang mga mata niya sa monitor ng kaniyang selpon. Naroon ang larawan ni Cielo habang matamis na nakangiti sa harap ng camera kunga saan nakayakap siya mula sa likod nito. Dinala niya ang sigarilyo sa bibig at hinithit iyon bago ibinuga ang usok sa ere. Kakaibang kirot sa puso ang nararamdaman niya habang nakatitig sa masaya nilang kuha ng asawa. Matapos ng nasaksihan niya kanina ay iba na ang hatid ng litratong iyon sa kaniya. Hindi na kagaya noon na tanging kasiyahan ang nararamdaman niya. Ibinalik niya ang selpon sa loob ng bulsa ng kupas niyang pantalon at marahas na itinapon sa lupa ang upos ng sigarilyo. Mariin niyang tinapakan iyon habang unti-unting nagdidilim ang kaniyang anyo. Nanginginig ang mga kamay niya sa tindi ng galit na nararamdaman. Namumula ang mga mata niya sa pagpipigil ng mga luha. Gustong niyang balikan ang taksil niyang asawa at ang boss nito upang magwala. Gusto niyang saktan ang dalawa pero hindi naman niya magawa. Hindi niya kayang gawin dahil natatakot siyang magalit sa kaniya ang babae at tuluyan siyang iwan nito. Simula nang makilala niya si Cielo, sa babae na umikot ang buong buhay niya. Kinalimutan niya ang lahat, maski ang sariling pangarap na makapagtapos bilang isang chef, para lang pakasalan ito. Pero kung hindi niya ilalabas ang galit na nararamdaman sa kaniyang dibdib, pakiramdam niya ay mawawala siya sa sarili. Para siyang masisiraan ng ulo. Natigilan siya at mabilis na napalunok nang makita ang isang magarang sasakyan mula sa harap ng gusali ng apartment nila. Pinagmasdan niya itong tumakbo palayo hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Nakatulala siya habang nagbabalik ang isang alaala mula sa isang gabi kung kailan naabutan niyang lulan ng kotseng iyon ang asawa niya. Mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan at naglagay ng buong limampung piso sa mesa para sa kapeng ni hindi niya nagalaw. Mula sa coffee shop ay mabilis siyang tumakbo pabalik sa gusali ng kanilang apartment. Humahangos siyang pumasok sa loob ng apartment nila at inabutan ang asawa niyang nakaupo sa sofa at tahimik na nakatingin sa mesa kung nasaan ang bulaklak at kahon na naglalaman ng cake. Kumuyom ang mga kamay niya nang makita ang hubad nitong katawan na nababalutan lamang ng puting tuwalya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

Unwanted

read
508.3K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
506.8K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Payment of Debt

read
86.5K
bc

Fight for my son's right

read
146.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook